CHAPTER 12

3.2K 126 18
                                    

CASSIE P

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CASSIE P.O.V

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa sa sala ng condo ni Hades at hindi ko maiwasan na hindi matawa dahil sa sama ng tingin na binabato sa akin ngayon ni Hades.

Sa tingin ko ay hindi pa din ito makapaniwala na hindi natuloy ang gusto niyang mangyari kanina, sorry saken ngayon ko lang naalala na meron nga pala ako.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung kakausapin ko ba siya o tatawanan nalang dahil sobrang nakakatawa talaga ang itsura nito ngayon. Sobrang simangot at ang sama ng tingin saken, kinindatan ko nalang siya upang mas maasar at hindi naman ako nabigo dahil mas sumama ang tingin nito sa akin.

"Huwag mo akong asarin Cass, pagkatapos ng kanina tatawanan mo pa ako?" Hindi makapaniwalang singhal nito sa akin.

Umiling-iling nalang ako dahil sa ka-cute-an nito at tumayo. Nakasunod naman ang tingin nito sa akin at tila nagtatanong kung saan ako pupunta.

"Tumayo ka na, may last subject pa tayo hinila mo pa ako dito. Hindi naman halatang excited ka ibahay ako no?." Pang-aasar ko na naman dito at kita ko na naman ang pamumula niya kaya natawa ako.

Napakamot naman ito ng ulo ng ma-realize na may klase pa kami.

"Let's go, nakalimutan ko ikaw kasi inasar niyo ako ni Ruel." Tila may sama ng loob na sabi nito sa akin sabay iwas ng tingin dahil namumula na naman ito. "Gusto ko lang malaman ang gagawin mo kapag ganon ang ginawa ko." Paliwanag ko sa kaniya.

"Yeah, whatever." Sabay irap nito sa akin kaya napangisi ako, aba! Nag-improve ang inosente kong nobyo kaya na akong sungitan.

Pagkaalis namin sa kanyang condo ay kaagad kaming bumalik sa school at pumasok sa aming huling klase. Pagpasok namin ay maaga pa kaya wala pa ang aming teacher at sa pagpasok namin nakita ko si Ruel and friends. Himala at pumasok na ito, pero tama lang iyon dahil isusumbong ko na siya kay tita kapag nslaman ko na hindi pa din ito pumasok hanggang ngayon.

"Yo Hades! 'musta? Naka-score ba? Hahaha." Salubong ni Ru kaya sinamaan ko ito ng tingin pero binelatan lang ako nito.

Itong lalaki na to ang sarap sipain ng mukha, kung hindi ko lang ito pinsan baka matagal ko na itong nasapak.

"A-ano? Wala namang n-nangyari." Nauutal na namang sambit ni Hades, bumalik na naman ang pagiging mahiyain nito.

Pero kapag kami lang, lumalabas ang ibang side nito at gusto ko iyon. Gusto ko na sa akin niya lang ipakita ang side n'ya na hindi mahiyain at hindi inosente.

Uupo na sana ako sa upuan ko kanina ng bigla akong inunahan nung  kutong lupa, yung nakausap ko sa canteen na nilalandi ang boyfriend ko.

At mukhang hindi napansin ni Hades na hindi ako ang katabi niya dahil busy ito sa pag-aayos ng bag. Tumingin naman sa akin ang kutong lupa at tila nang-aasar pa sabay hawak sa likod na Hades at itong lalaki na to naman ay hindi pinaalis ang kamay kaya naman bugnot akong napa-irap.

Padabog akong umupo sa inupuan ko kanina katabi nung lalaking masungit. Tinignan ko si Hades kung nakatingin saken pero hindi pa din.

Rinig ko ang pag-sipol ng mga kaibigan ni Hades kasama na doon ang kupal kong pinsan na mas lalong nakapagpa-asar sakin.

Napahampas ako sa upuan ngunit iba ang nahampas ko, napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa akin. Nahampas ko kasi ang ulo nito, paanong hindi mahahampas e lagi itong tulog at nakatungo.

"The hell? Nandito ka na naman? At talagang nanghampas ka pa?" Masungit nitong sambit at tila hindi makapaniwala na katabi na naman ako nito. Aba! Siya pa ang may ganang magreklamo? Sa ganda kong ito? Ang swerte n'ya na ako ang katabi niya.

"Matulog ka na ngang kupal ka, epal ka kitang badtrip ako." Kunot noo at gigil kong sambit, napakunot din ang noo nito at dumiretso ng upo.

Nakatungo pa din kasi siya kanina habang kausap ako.

Hindi ko maiwasang hindi mapalunok dahil mas matangkad ito sa akin kahit na nakaupo kami pareho.

"So yung bigla bigla mong pangbabatok sa akin sa tingin mo hindi nakaka-badtrip?" Nakakunot noo pa din na tanong nito kaya mas napalunok ako sa kaba.

"S-sorry na." Nauutal kong paumanhin sabay iwas ng tingin. Nakaka-intimidate kase ang tingin n'ya. Nagulat ako ng bigla nitong iangat ang kamay niya kaya napapikit ako dahil akala ko ay babawi ito ng batok ngunit nagulat ako ng guluhin lamang nito ang buhok ko.

Napatulala ako saglit ngunit ng matauhan ay naguguluhan ko siyang tinignan. "I know nagseselos ka, gusto mo pagselosin din natin?" Suhestiyon nito habang nakangisi sabay nguso kay Hades. Napatingin ako sa likod ni Hades na hanggang ngayon ay hindi pa din napapansin na hindi ako ang katabi niya.

Napatingin ako sa katabi ko at napangisi din, mukhang magkakasundo kami nitong kupal na ito. Pareho kaming nakangisi ng biglang nagawi ang tingin dito ni Hades.

Biglang nanlaki ang mata nito at napalingon bigla sa kaniyang katabi, muntik na itong atakihin sa puso ng makita na isang panget na kutong lupa ang katabi niya ngunit hindi nagtagal ay sumama ang tingin nito sa aming dalawa ng lalaking hindi ko alam ang pangalan.

Iniripan ko agad si Hades, humanda ka gaganti ako sayo. This revenge is for not paying attention to your lovely girlfriend.

Siniko ko ang lalaking katabi ko na tulog na naman, napaangat ito ng tingin sakin. "Mamaya, usap tayo ikaw nag-suggest ng pagseselosin panindigan mo." Feeling close kong sabi sa kanya.

"Okay."

Napairap na naman ako at hindi na ito pinansin, hindi ko na din tinignan si Hades manigas s'ya pagkatapos n'ya akong ipagpalit sa panget na yun.

Hanggang dumating ang teacher namin ay wala na akong ginawa kundi ang patayin sa isip ang kutong lupa na umagaw sa Hades ko, may araw ka din sakin! Tandaan mo yan!

***
To be continue..

A/N: Again! Sorry for super late update, busy po talaga.

My Innocent boyfriendWhere stories live. Discover now