Third Person's POV;
Jihoon's"Ah. This day is so tiring!" Jihoon said after dressing up and slumped on the bed. At sa sobrang pagod ay hindi na niya namalayang nakatulog na siya.
.
.
"Jihoon?" Someone called while knocking on his door na kaagad nagpagising sa kaniya.
"Dinner na. Kain ka muna bago ka magpatuloy sa pagtulog." Si Seungcheol pala."Hmm. " he mumbled as he get up, stretching his arms up high. So nice to fucking sleep.
Pagkatapos mag muni muni ay tumayo na siya at nagtungo muna sa banyo upang magmumog at agad na bumaba.
Habang naglalakad papunta sa hapagkainan ay naka sabayan niya si Soonyoung na mukha ding bagong gising. Nakasuot parin ito ng itim na Tshirt at kitang kita ang mga pasa na dulot ng pagpalo niya.
Agad naman itong ikinangiwi ni Jihoon.
'Sheez. Ang lakas siguro talaga ng pag palo mo.' Sabi ni Jihoon sa kaniyang isip at tahimik na naupo sa upuan.
"Mukhang pagod na pagod kayo ah." Sabi ni Seungcheol na naghahanda ng pagkain nila. (Yes naman daddy material)
"Hmm." Sabay nilang sagot ni Soonyoung kaya't sabay silang napatingin sa isa't isa. Agad namang napaiwas ng tingin si Soonyoung at tinuon nalang ang mata sa pagkain.
"Bukas nga pala, hindi ako makakauwi dito. Nagyaya kasi sila Shownu sa bahay nila. Hindi naman ako makatanggi." Paalam ni Seungcheol sa dalawa habang kumakain na tinanguan lang nila at sinagot ng mahinang 'hm'.
"Kayo na munang bahala- teka anong nangyari sayo Soonyoung?!" Kunot noong tanong ni Seungcheol ng mapatingin at mapansin ang pasa at sugat sa braso nito. "Bakit andami mong pasa at may sugat pa? Nakipag away ka ba ha Kwon Soonyoung?!" Tuloy tuloy na tanong ni Seungcheol sa kaniya na inilingan lamang niya.
Samantalang si Jihoon naman, ayon todo iwas ng tingin. Boi yari ka boi. Delikads buhay.
"Wala to hyung. Nahulog lang ako sa kama kanina." Iwas na sagot ni Soonyoung dito.
"Kama? Aba bat parang sobrang lakas naman ng tama non? May sugat pa? Totoo ba yan?" Hindi naniniwalang tanong muli ni Seungcheol sa kaniya. Kala mo nanay na manunugod ng kaaway ng anak eh.
"Yeah hyung. Don't worry about it." He responded and continued to eat. Samantalang si Seungcheol ay hindi parin kumbinsido.
Tumikhim naman si Jihoon nang maubos na ang pagkain at agad na tumayo.
"I'll wash the dishes. Call me when you're done." Sabi niya at pumunta na sa sala dala ang baso na may lamang tubig .
Sa totoo niyan nagu-guilty talaga siya sa nagawa niya kay Soonyoung. Hays bakit ba kasi hindi niya nakilala agad eh.
"Gamot nalang kaya. Hays mayroon naman sigurong pain reliever si hyung." Bulong niya habang palakad lakad sa sala habang nag iisip ng tiyempo para manghingi.
'Pano ba to?'
"Ey hoon. May problema ba?" Saktong pagdating ni Seungcheol na katatapos lang kumain.
"Ahm hyung.. may pain reliever ka ba diyan? " mahinang tanong niya dito.
"Yeah. Nasa taas. Why? May masakit ba sa katawan mo? Anong nangyari sayo? " Nag aalalang tanong nito sa kaniya na ikinailing nalang niya.
"Uh hindi. Uhm I mean Oo. Medyo.." papalit palit na sagot niya, kaagad namang nagtungo si Seungcheol sa drawer at binigay sa kaniya medicine box.
"Oh eto. May labels naman yan sa loob. Ikaw na bahala. Pahinga ka agad ok? Una na ko sa taas." Paalam nito sa kaniya sabay umakyat.
Sakto naman pagtalikod niya ay nakita niya si Soonyoung na papaakyat sa kwarto. Iika ika parin.
"Soonyoung!" Tawag niya dito na ikinahinto nito. Lumingon ito sa kaniya.
"Hm?" Patanong na sambit ni Soonyoung sa kaniya.
"Uhm. Ano kasi, ito. Pain Reliever." Sagot niya at umiwas ng tingin.
Tinaasan na lamang siya ng kilay nito at kinuha ang gamot sa kaniya. "Salamat." Sabi nito na nagpatuloy na sa paglalakad.
"Wait! Ah. May ointment din ako para sa sugat mo, Iaabot ko nalang mamaya." Habol niya at pumasok na sa kwarto.
Soonyoung's
Samantalang sa kabilang banda,
'Ang sakit putek' sabi ni Soonyoung na nahiga sa kama. 'Ang lakas talaga mamalo ng bubwit na iyon. Tsk mukha ba kong magnanakaw?!' Sa isip isip niya. Nang biglang nalaglag yung gamot na binigay ni Jihoon.
Agad naman niya itong kinuha.
'At nagbigay pa nga ng gamot.' Umiling siya sa naisip.
Ilang minuto lamang ay nakarinig siya ng katok sa pinto niya.
"Coming." He said at bumangon upang magtungo sa pinto. Pagkabukas niya ay bumungad si Jihoon na dala ang ointment na sinasabi nito.
"Ah, eto na yung ointment. Konti lang kailangan mong ipahid. Tapos yung pain reliever ah." Paalala nito sa mahinang boses.
Tumango na lamang si Soonyoung at inabot ang binibigay ni Jihoon sa kaniya. At pinasalamatan ito. Ngunit ng isasara na niya ang pinto ay hindi pa rin ito umaalis sa harap.
"Uhm Soonyoung. Im sorry, again.." nahihiyang sabi ni Jihoon, hindi makatingin. Guilty paren.
Tinaasan niya lamang ito ng kilay at tumango nalang sabay sagot ng "Accepted. Goodnight." He said before closing the door.
Hindi maintindihan ni Soonyoung ang nararamdaman. Basta ang alam niya, binigyan siya ni Jihoon ng gamot. At wala sa sariling napangiti.
*****
[A/N: Hello! Hope you're enjoying reading my story~ uwu]
BINABASA MO ANG
Ang Nawawalang Condom ni Soonyoung
FanficWhere Soonyoung lost his condom and Fell inlove with Jihoon.