Chapter 02

34 11 2
                                        

Chapter 02

"What the heck, Pam? Gaga ka, bakit mo naman ako ibinubugaw?" Ayan na lamang ang nasabi ko dahil talagang nahihiya na ako sa mga pinagsasabi ng Pamelang ito.

Nakita kong nagtawanan ang dalawang lalaking katabi namin kaya masama kong tiningnan si Pam na tawang-tawa na rito. Hindi ko alam kung yung pangbubugaw ba niya ang tinatawanan ng dalawang lalaki o yung tawa ni Pam.

"I'm Dominic, and this is Heath," tumigil na sa katatawa si Pam nang magsalita na si Dominic.

"I hope we can be friends," si Heath naman ang sumunod na nagsalita.

In fairness ha, may itsura ang dalawang ito pero dahil sinabi nilang 'I hope we can be friends', malamang friendzone lang ang aabutin ko kung magkaka-crush ako sa kanila. Dapat lang na maging kaibigan na lang namin itong dalawang ito.

"Sure! Why don't we eat together everyday? Total, kaming dalawa lang naman ni Katie ang magkakilala rito at mukhang kayong dalawa lang rin ang magkakilala," Pam suggested.

Wow, kakakilala pa nga lang.

"Kung may pakapalan lang ng mukha, sure win ka na teh," pang-aasar ko sa kanya kaya nagtawanan naman sina Heath at Dominic. Yes! Benta yung joke ko sa kanila! Makapag-joke pa nga palagi.

"That's a nice idea," pagsasang-ayon ni Dominic sa suggestion ni Pam. Teka, englishero ba sila?!

"Pero dapat ilibre niyo kami ha?" Heath joked o hindi ko alam kung nag-joke ba talaga siya dahil wala namang pahabol na 'joke' sa sinabi niya.

"Mabuti naman at marunong pala kayong mag-tagalog ano, dahil kung hindi baka my blood will be nosing," pagbibiro ko sa kanila kahit alam kong napaka-corny nito.

Pam gestured me para lumapit dahil may ibubulong daw siya, akala ko pa naman mahina pero nilakasan talaga niya para marinig naming lahat sa table.

"Hoy ikaw, Katherine, huwag mo akong pinapahiya sa mga pogi na ito dahil dyan sa corny jokes mo," umarte pa itong si Pam na parang nandidiri sa akin pero tumawa lang rin naman sa huli.

Napatakip na lamang ako sa hiya dahil nagtatawanan nanaman silang tatlo rito. Mukhang kawawa nga ako kapag naging magkakaibigan kami, mukhang magiging isa akong suki ng bullying.

Napag-usapan naming magkita-kita mamayang hapon sa coffee shop na katabi lang ng fast food restaurant na pinagkakainan namin ngayon, oras na kasi para bumalik kami sa klase.

Wow ha, unang araw palang, nakabuo na kaagad ng barkada itong kasama ko. They seemed friendly and kind kahit kabaliktaran iyon ng mga itsura nila. They looked unapproachable but it's the other way around.

-

Ilang buwan na ang nakalilipas nang magkakilala kaming apat, at sa mga buwan na iyon, marami na kaming nabuong memories at mas naging close pa kami dahil doon. Nagsimula na rin ang second semester.

Nakakalungkot nga lang dahil habang patagal ng patagal ay unti-unti kaming nagiging busy. Stress na stress na nga raw sina Heath at Dominic eh. Hirap ba naman kasi ng kinuhang kurso ng dalawang iyon.

"Ayaw ko na sa petroleum engineering," pag-rereklamo ni Heath habang nasa coffee shop kami, gumagawa ng projects and requirements dahil miss na naming apat ang tumambay.

"Katie, paturo naman sa Math," si Dominic naman ang sunod na nagsalita. Mukhang nahihirapan rin sa major niyang Chemical Engineering.

"Ayan, hirap naman kasi ng mga pinili ninyo," pang-aasar ko sa kanila dahil halatang stress na stress na ang tatlong ito. Hindi na nga nakikipag-daldalan itong si Pam dahil malapit na siyang madepress sa ginagawa niya. Well, nagkamali ako, madaldal pa rin pala siya.

When You Love SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon