Chapter 04
Time flies so fast. Finals na namin kaagad at mapapasabak na kami sa puyat kakaaral. Nalungkot ako ng kaonti dahil mababawasan ang pagkikita naming magkakaibigan.
*TING
Kinuha ko any cellphone ko para tingnan ang notification.
| Heath Silvestre added you
to the group with 3 others || Heath Silvestre named
the group NAKAMA |Nakama?! What the fuck? Virgin pa ako! Kabastos nga naman talaga nitong si Heath eh.
MESSENGER
NAKAMA
Heath Silvestre, Pamela Madison and
2 others are members of the groupKatie Vega:
Uy! Virgin pa ako tapos nikama
ka diyan!Pamela Madison:
Heath, tigang ka ba at pati
kami NAKAMA na tawag mo langyaJosh Jimenez:
Shet ano feeling makama?Heath Silvestre:
Mga ulol talaga, may lahi akong Japanese
Nakama means friends or colleagues
Kadiri ampKatie Vega:
Hihi peacePamela Madison:
Nye nye nyeDominic Salvador:
Boom nabaraPamela Madison:
Epal kaJosh Jimenez:
Ay sayang kala ko ikakamaKatie Vega:
Langya ka Josh! HAHAHA-
Sineen na lamang nila ako sa group chat! Famous talaga yung mga yun at hindi na nag-reply! Sinubukan kong maging mabait kaya iintindihin ko sila, baka naman nag-aaral o whatsoever.
Itinago ko na ang cellphone at iniayos na ang mga gamit ko. Napagpasyahan kong huwag munang umuwi at pumunta munang library para doon mag-aral. Malamang wala rin si Pam doon at nagsusunog siya ng kilay sa ibang lugar.
At saka mas maraming source dito sa library. Maghahanap ako ng mga libro at depende kung sisipagin akong basahin ang mga iyon.
"Good afternoon, Sir," bati ko sa professor kong hindi ko alam ang pangalan nang makasalubong ko siya sa hallway. Nginitian naman niya ako.
Nabasa ko kasi sa mga tips na befriend your professor para higher grade. Char! Basta nabasa ko yon sa mga tips for first year college students.
Nakarating ako sa library at agad na naghanap ng bakanteng upuan. Medyo maraming tao ngayon dahil finals nga. Sunugan ng kilay to.
Dear Katherine, aral muna ha. Saka na maghahanap ng bebe ha? Mag-aaral lang talaga ako ngayong week na ito. Kailangan. Isasantabi muna ang bebe hunting.
Inilapag ko ang bag ko sa upuang nahanap ko at saka naglibot-libot muna para maghanap ng librong makakatulong sa akin. Pumunta ako sa Mathematics section at nahanap ang topic na para sa major ko.
Ang problema nga lang, hindi ko maabot dahil kinulang ako sa height pero nasobrahan naman sa cuteness. Ang taas naman kasi ng librong iyon, ka-stress ha.
