Chapter 01
"Are you ready, baby? I will miss you a lot. Yung mga ibinilin ko sa'yo ha? Huwag mong kakalimutan ang mga yon," my Mom reminded me for the nth time.
"Mom, it's like the 100th time that you've said it today, baka may plano ka pang dagdagan," naiiritang reklamo ni Kuya habang nagmamaneho.
"It's just that you're both adults now, I'm so proud of you both," my Mom quickly wiped her tears kaya naman nahawa na rin ako. I gave her a reassuring smile and hugged her. "I will miss you, Mom."
She patted my back, "Huwag magpapabaya sa pag-aaral ha? You are allowed to have a boyfriend, basta you need to balance both," tinanguan ko na lamang siya. I'm always thankful that my Mom never pressured me about grades and she's not that strict about me being on a relationship.
-
"Ms. Vega, right? Here's your dorm key. Naroon na ang magiging dorm mate mo, she arrived here yesterday," she informed me with a smile plastered on her face. Tumango na lamang ako at saka nagpasalamat.
I entered the elevator and pressed number 3. The girl's dormitory is large dahil hanggang 4th floor ito. Nasa kabilang side naman ang para sa boys. I looked at my key and I saw a number there, 377. I think it's the room number. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa makita ko ang area papunta sa room.
Naalala kong narito na nga pala ang magiging dorm mate ko kaya I decided to knock on the door first. I heard a footstep coming from inside hanggang sa mabuksan ang pinto. "Hi," nahihiya kong sabi sa kanya. Wow, I'm straight but she's so beautiful. Damn.
"Hello! I'm Pamela Quintero, but my friends call me Pam, call me that too since you're gonna be my new friend!" Ang lapad ng ngiti niya, she's so friendly, hindi kagaya ng mga magagandang babae na suplada. She's pretty both on the outside and the inside.
"I'm Katherine, Katie for short," iniabot ko sa kanya ang kamay ko, for a handshake.
"Come inside," pag-aaya nito sa akin.
Pumasok na rin ako at isinunod ang mga gamit ko. Ang dami ko palang dala. Yung isang bag, puro snacks lahat ang laman. Grabe, plano ko pa naman sanang mag-diet. Pero wala, demanding yung tiyan ko.
"Sorry, it's messy here. Nag-aayos palang rin kasi ako ng gamit," Pam said. I told her it was okay since ganoon talaga kapag bagong lipat. Panigurado namang mas gugulo pa mamaya kung ako na ang mag-aayos ng mga gamit ko.
I think that we became close quickly lalo na't pareho kaming maingay na dalawa. Ilang oras pa lamang ako rito pero ang dami na naming napag-usapan na dalawa. I'm lucky to have her as my dorm mate. "So, ano palang kukunin mo?" I asked her after realizing na marami na kaming napag-usapan pero hindi pa namin alam ang course ng isa't isa.
"Nursing," she smiled at me bago niya itinuloy. "I've always wanted to help and treat others. Kung sisipagin, papasok ako sa med school pagkatapos, ikaw?" She asked me.
"Applied mathematics," I answered her.
"Why?" She asked me. I just smiled at her dahil sa tingin ko'y hindi ko pa kayang pag-usapan ang dahilan ko sa pagkuha ko sa major na yon. Sa tingin ko'y nakuha niya naman ang punto ko kaya iniba na lamang niya ang topic.
"Omg, so it means na magaling ka sa math?!" She screamed after realizing what my course is all about.
"Hindi," pagsagot ko sa kanya pero parang hindi siya naniwala sa sinabi ko.
"Dear Lord, thank you for giving me a beautiful, kind and a math genius dorm mate! Omg! Paniguradong magiging masaya ang college life ko," umakto pa siyang parang nag-ppray. I have a crazy dorm mate and I like it! Siguradong magkakasundo nga talaga kaming dalawa nito.