Chapter 03

8 0 0
                                    

Chapter 03

One week have passed and thankfully, walang nabalitaan o nalaman si Pam sa kabaliwan ko sa coffee shop na pinuntahan namin last week with the two boys.

Kabadong-kabado ako nang gabing iyon, mabuti na lamang at pagod na pagod rin si Pam kaya't hindi na siya nag-abalang pakielaman ako at diretso na siyang nagpahinga.

Mabuti na lang talaga at walang nakaabot at nasagap na balita ang babaeng kaibigan ko roon dahil paniguradong sa oras na malaman niya yon, ishe-share niya rin ang mga yon kila Heath at Dominic. At panigurado, sasaksakin nanaman ako ng mga pang-aasar nila.

-

"Shit!" Imbes na magulat ako sa pagkahulog ng mga gamit ko, mas nagulat pa ata ako sa sigaw ng babaeng nakabunggo sa akin.

Shit! Basang-basa ang uniform niya. Natapon ata ang iniinom niya nang magkabanggaan kami. She looks scary! Pwede bang tumakbo? Baka sabunutan ako nito.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya," I apologized.

Woo! Pawis na pawis na ako ngayon guys! Hinihintay ko na lang talagang sabunutan niya ako o hindi naman kaya ay sampalin.

She stared at me for so long. It looks like she's killing me on her thoughts. Wow, I'm really scared now. "Hindi mo ba tinitingnan ang dinadaanan mo? Are you even blind? Wala ka bang mga mata?" She asked sarcastically.

Meron. May mga mata ako teh. Hindi po ako bulag. Tinitingnan ko po ang dinadaanan ko. Ikaw po yung nagmamadaling maglakad teh. Pero syempre, hindi ko iyon kayang sabihin ng harap harapan sa kanya. Ang kapal naman ng mukha ko diba? Ako nalang mag-aadjust.

"I'm sorry, hindi na mauulit," I apologized again. Ayan lang naman ang kaya kong sabihin sa kaniya. Buti nalang at hindi siya nage-english dahil baka mas lalo kong hindi naintindihan.

"Ugh! Umagang-umaga! Naninira ka ng araw!" Sigaw nitong muli sa akin bago nagwalk-out.

Tumingin ako sa paligid ko. Mabuti nalang at nandito kami sa dulo ng corridor malapit sa banyo ng campus kaya wala masyadong nakapansin sa aming dalawa. Papunta kasi siyang cr, samantalang ako ay palabas naman.

Magpapasalamat sana ako dahil hindi niya ako sinabunutan o sinampal o kahit ano pang physical basta yon. Sabi sa inyo hindi ako marunong magsalita ng English eh.

My day was normal, nothing bad happened except with my encounter with that girl. Nakinig lang ako sa mga professors ko sa mga bawat klase, took down notes para naman may ma-review ako pagdating ng finals.

Pauwi na ako ngayon nang maisipan kong pumunta munang Jollibee at magtake-out ng dinner namin ni Pam. Sigurado akong hindi yon nakapagluto dahil busy siya ngayon. Palagi nalang busy, naubusan na ng oras para lumandi.

I messaged her para tanungin sana kung anong gusto niyang pagkain. Sa messenger ko na lang siya ime-message dahil wala load para makapag-reply. Buti pa sa dorm, may wifi.

MESSENGER

Katie Vega:
Here at jb, ano gusto mo?

Pamela Madison:
C1 lang teh, thanks!

Katie Vega:
Kkkk what's ur drink?

Pamela Madison:
I want cock

Katie Vega:
Ha?!

Pamela Madison:
*coke

-

Iyong babaeng yon talaga, busy na busy pero hindi nakalimutan ang titi.

When You Love SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon