August 1997
Sino sino sino ba
Ang nagsabing tao ka?
Sino sino sino ba
Ang pumatol sa tanga?"Uy! Pst, Ligaya!" sabay tapik ng sunod-sunod sa balikat ko. Napangiwi na lang ako dahil ayoko pang bumangon at nananaginip pa ako. "Uy, Ligaya!" ulit nya. Ako, naiirita na ako ha.
Agad akong umupo sa hinihigaan ko, "Ano ba kasi 'yon?!"
"Eto naman, agad na nagagalit? Alas dos na, kanina ka pa namin kinakatok dito sa apartment mo. Buti na lang mabait yung landlord mo, pinahiram nya kami ng susi ng apartment mo kaya nakapasok kami. Naiinip na sila Ely sa labas." paliwanag ni Rayms. 'Di ko pa rin ma-proseso yung sinabi nya at tumayo para mag-unat. "Hoy, bilisan mo't maligo ka na. Alas kwatro yung gig ngayon!" nang tingnan ko ang kalendaryo na nakadikit sa pader at nakita kung anong araw ngayon, agad akong pumunta sa banyo para maligo at magbihis.
Tahimik naming binabaybay ang daan nang biglang magsalita si Ely sa van.
"Ano ba yan, Ligaya. Tignan mo, traffic na ngayon. Male-late na kami nyan." banggit nya na inirapan ko na lang. Natawa naman sila Julie, isa sa mga nauna nilang road manager bago pa sila talaga sumikat.
Bagong salta lang ako dito sa pagiging road manager kaya nangangapa pa ako. Pero ginagabayan naman nila ako ng maayos. Saktong nakilala ko kasi sila sa isang gig, isang taon na rin ang nakalipas. Konting tambay lang sa mga bar na pinupuntahan nila, yosi, inom ng beer, ayun, sinama na nila ako.
"Alam nyo, sinabi ko na rin naman na kasi sa inyo na pwede na kayong mauna sa Dredd. Eh kaso, may isang nakaisip sa inyo na puntahan pa ako sa bahay. Kung hindi nyo kasi ako nilunod sa alak kagabi edi sana maaga akong nagising." paliwanag ko.
Pinipigilan tumawa nila Marcus, si Rayms naman ang sumagot. "Si Ely ang tanungin mo dyan pre. Labas kaming tatlo nila Marcus at Buddy. Tsaka si Marcus ang tanggero kagabi ha. Sa kanya mo sisihin bakit alas dos ka na ng hapon nagising."
Hindi ko na lang sinagot si Rayms dahil baka mapunta pa sa bangayan 'to (hindi nyo papangaraping makita 'yon) at magkainisan pa sila. Sinalampak ko sa magkabilang tenga ko ang headphones at nag-play ng kanta sa walkman.
Ilang sandali pa, nakarating din kami sa venue ng gig nila at dumiretso sa backstage. Nagpa-gala gala naman ako malapit sa venue dahil naghahanap ako ng makakainan na mura. Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa balikat ko.
"Ilang buwan ka naming hinanap." hinigpitan nya pa lalo ang hawak, pero 'di mahahalata na mukhang binabantaan nya ako, "Alam mo ba ikaw ang pinakamahirap hagilapin sa kanilang lahat?" pwersado nya akong pinaharap sa kanya at kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya.
"A-Ah... Ano... Hindi ko naman ginustong magtago... May... May ginawa lang akong importante..." tinaasan nya lang ako ng kilay. Ilang segundo lang kaming naka-ganon at tsaka nya ako hinila sa eskinitang lugar, malayo sa venue ng gig nila Ely. "T-Teka... Hindi pwede... Tapos na kontrata ko sa inyo 'di ba?" paliwanag ko sa kanya.
"Huwag ka nang maingay, Marisol. Tama na pagpapanggap mo bilang Ligaya."
BINABASA MO ANG
milk & money ♪ eraserheads
FanfictionLigaya's been their friend for months before she became the band's new road manager alongside Julie when Ann left to build a family with her husband. But it seems like her troubling past will come back to haunt her again. Disclaimer: This is a work...