February 1996
We dream a land of milk and money
Of coffee mornings bright and sunny"Weh? Ligaya talaga pangalan mo?" Kantyaw nila Ely sa akin, "Baka naman kinuha mo lang yan sa kanta namin?"
"Patingin ng birth certificate." dagdag ni Marcus. Umiling na lang ako at tumawa.
Ininom ko ang bote na hawak ko bago sumagot, "Birth certificate ko? Ayon, nasunog."
"Nasunugan kayo?" tanong ni Rayms. Tumango ako. Nanahimik sila sandali at uminom. "Ako naman magtatanong sa kanya!"
"Nagtanong ka na." sumbat ni Ely na hindi naman pinansin ni Rayms.
"Anong... pangarap mo sa buhay, Ligaya?" sunod na tanong ni Rayms.
'Di ako makasagot. Ano nga ba ang pangarap ko sa buhay? Buong buhay ko... Isa lang naman gusto ko... Natawa ako at napakamot ang ulo, "Ang maging masaya... Mamuhay ng simple... Malayo dito sa Maynila. Matagal ko nang gustong gawin kaso..."
'Di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa balat ko. Para bang may static kang naramdaman kahit wala naman. Baka lasing lang ako.
"Kaso...?" mukhang nabitin si Ely. Nginitian ko lang sya at nagsindi ng yosi. "Luh, pabitin naman 'to. Wala 'to, wala 'to."
"Basta! Wag nyo na alamin. Gusto nyo lang akong sundan ano?"
Natawa silang apat, "Sus. Kahit sa La Union ka pa pumunta, 'di ka namin susundan." kantyaw ni Ely. Bigla akong nakaramdam ng panginginig sa balat ko. Baka nga lasing na ako. "Oh, okay ka lang? Nasusuka ka na?" sunod na tanong nya nung nakita nyang parang 'di maganda pakiramdam ko. Nginitian ko lang ulit.
"Hindi, hindi. Kaya ko pa 'no! Walang mahina dito! Baka ikaw 'yon." nakatanggap ako ng iba't ibang reaksyon mula sa kanila. Mukhang na-impress ko ata sila ngayong gabi.
"Ibang klaseng babae talaga 'tong si Ligaya. Sama ka sa amin sa mga susunod na gig ha!" ani ni Rayms at tinunguan ko, "Kailangan din namin ng bagong RM dahil umalis na si Ann."
"RM? Ano yon?" tanong ko.
"Road Manager. Kind of like personal assistant pero pinaganda lang ang tawag." pabirong paliwanag ni Buddy, "Joke. Road Manager, ikaw magsu-supervise sa amin as well as mag-o-organize ng tours, gigs, and events na ininvite kami."
Nagdalawang isip ako. Mukhang magandang raket 'to dahil kailangan ko ring kumita ng pera ngayon. "Ano? Gusto mo ba o ayaw?" tanong ni Ely.
"Sige, sige. Gusto ko yan!"
BINABASA MO ANG
milk & money ♪ eraserheads
FanfictionLigaya's been their friend for months before she became the band's new road manager alongside Julie when Ann left to build a family with her husband. But it seems like her troubling past will come back to haunt her again. Disclaimer: This is a work...