6: Wating

32 2 0
                                    

Content Warning: Violence, Mention of drugs, Death of minor characters

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to the name, dead or alive, is purely coincidental. (Except for the members of the band and their road manager, Ann and Julie)

June 1989

Nasaan ang magulang
Ano ang tunay kong pangalan?
Hari ng kalye
Walang dinidiyos

Pinatay nila sa harapan ko ang mga magulang ko. Isang 8 taong gulang noon. Naulila na agad sa kanyang magulang. Sabi nila, nasangkot sila sa droga. Iniisip ko, imposible dahil paano?

Kinupkop ako ng kumpare ng ama ko. Tinuring na anak pero 'di naglaon, nahuli rin. May tinatagong drug lab sa may sementeryo. Matagal na pala silang minamanmanan. Napaisip ulit ako, posible nga ba na may kinalaman ang magulang ko sa ganito. Bakit?

Bago pa mahuli si Tito Nando, sinabihan n'ya ako na simula noong araw na 'yon, dun na ako matutulog kay Aling Nena. May gagawin lang daw s'yang importante kaya kailangan. Isang 13 taong gulang noon, nawalan nanaman ng tinuturing na magulang.

May tindahan si Aling Nena sa harap ng bahay nila. May 2 anak, ang isa nasa Canada na. Hindi man halata sa itsura nila pero maganda na ang kanilang buhay. Winelcome ako nila Aling Nena sa bahay nila. Pero hindi ko inaasahan non na may iba silang i-we-welcome sa akin.

"'Sol, sa susunod na linggo, i-e-ensayo ka nila Kuya Rick mo tungkol sa paggamit ng baril at martial arts." paliwanag n'ya sa akin, nasa hapag kainan kami at kumakain ng meryendang inihanda n'ya.

"Ho? Bakit po?" tanong ko. Isang 15 na taong gulang noon, mageensayong humawak ng baril at mag-martial arts?

Kita ko sa mga mata ni Aling Nena ang kaba sa tinanong ko. "Iha, siguro dapat mo nang malaman ang lahat." tugon n'ya. Unti-unti kong nginuya ang kinakain ko at saka nilunok. Nakaramdam ako ng kaba sa sagot n'ya.

Lumapit si Aling Nena sa akin. "May dahilan bakit pinatay nila ang mga magulang mo pati ang Tito Nando mo... Pero hindi dahil sa droga..."

"S-Saan po?" pag-a-alala kong tanong.

"...sa pag-ubos ng mga taong lunod na sa korapsyon."

May 1992

Isang 18 na taong gulang. Pa-gala gala sa kalye, nagtatago, tumatakbo, pumapatay.

"MARISOL, TAKBO!!!" sigaw sa akin ng kasama ko. Dala ang nakumpiskang ilegal na droga, tumakbo ako sa eskinitang madilim. Unang araw ng pagsabak ko sa ganitong klaseng trabaho. Sa edad na 18, ito na ang trabaho ko.

Sinanay ako nila Kuya Rick ng 3 taon para dito. Pina-alam ang bawat sulok ng ka-Maynilaan, tinuruan ng mga taktikang 'di pinag-aaralan sa eskwelahan. Naging madumi ang aking mga palad sa kamay para mawala ang mga masasamang sindikato...

Nang magkatagpo kami ng kasama ko, nakita kong nakahandusay na s'ya sa sahig. Duguan, wala nang buhay. Ang nakumpiskang ilegal na droga, nasa kamay na nila Aling Nena na palaging sinasabing naabot na ito sa mga kinauukulan. Noong una, hindi ko alam kung sinong mga kinauukulan ang sinasabi n'ya, 'di ako sigurado.

Halos nagising lahat ng tao dahil sa bangkay ng kasama ko. Pero lumayo agad ako nang makita kong may rumespondeng pulis. "Nakita kong pinagbababaril s'ya ng tatlong lalaki! Akala ko nga kami ang isusunod nila." kuwento ng nakakita sa pangyayari.

Droga. 'Yan ang narinig ko mula sa mga bibig ng mga pulis. "Pusher. Drug pusher 'to." dagdag ng isa.

Galit akong umalis sa Tondo at nag-ikot ikot muna. Pusher? Droga? Pinagbababaril? Unang araw ko pa lang sa ganitong trabaho, gusto ko nang umalis.

Pero sa bawat tangka ko, tinatakot nila ako. Ang dating mga kakampi ko, unti-unting nagiging mga kalaban. "Kung ayaw mong matagpuang nakahandusay sa kalsada, hindi ka aalis dito." 

milk & money ♪ eraserheadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon