7: How Far Will U Go

23 2 0
                                    

March 1996

How far will you go...
How far will you go...
How far will you go...
How far will you go...

Tinapon ko sa inakyat ko na ashtray ang pangatlong yosi ko. Tahimik lang kami ni Ely sa rooftop pagkatapos mag-usap kanina. "Kanina ka pa tahimik." panimula n'ya ulit. Tumingin ako sa kanya, at tumingin din s'ya sa akin.

"Marami lang iniisip."

"Parang ang dami mong problema sa buhay." dagdag n'ya.

Tumingin ako sa buwan. Full moon. "Sinabi mo pa."

April 1996

"Salamat!" sigaw ni Ely sa audience ng gig sa Mayric's. Naghiyawan sila at sumisigaw ng 'Isa pa! Isa pa! Isa pa!' pero hindi na nila pinakinggan ang mga tao at hinakot na ang mga gamit nila sa stage at bumaba.

Pagkatapos mag-ayos sa backstage, hinila na agad ako ni Ely at nauna na sa van. Tahimik lang kaming bumalik sa pinarkingan ng van at nakuha n'ya pang mag-yosi.

"Anong meron?" tanong ko dahil nagtataka akong nauna kami dito.

"Basta, basta." wika nya. Hindi ko na lang pinansin at nilabas ang kaha ko para makakuha ng stick at mag-yosi. Tumingin si Ely sa bandang kanan n'ya at may binulong. 'Di ko na lang pinansin dahil baka may inaalala lang 'to.

Tahimik. Ang tagal nila Raymund bumalik.

"Kailan ka nagsimulang mag-yosi?" tanong ni Ely. Bigla akong napatingin sa kanya at ngumiti.

"Simula nung mag-18 ako. Bakit?"

Ramdam kong tumingin si Ely kaya napatingin din ako. Tumungo na lang sya at tinapon ang ubos na nyang yosi sa sahig at tinuro sila Rayms na pabalik na ng van. "Andyan na sila." banggit nya.

Pagkalapag ng mga gamit nila sa van, umalis na kami sa Mayric's. Bigla akong napatingin sa rear view ng sasakyan at napa-kunot ang noo. Kanina ko pa napapansin yung kahel na sasakyan na nakasunod sa amin.

Baka parehas lang ng daan pauwi? 'Di ko alam. Simula noong bumalik si George sa apartment para sabihing maraming nakatingin sa amin, kung ano-ano na iniisip ko. Nang tumingin ulit ako sa rear view mirror, wala na yung sasakyan.

milk & money ♪ eraserheadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon