March 1996
Well I talked to my baby on a Saturday night
My, my, my what a beautiful sight
The world is really ugly on the other side
She said it doesn't matter what is left or what is right"Bakit 'di ka na bumalik?" pabulong na tanong sa akin ni George pagkatapos ko s'yang papasukin sa apartment. Tahimik kaming naguusap para hindi maistorbo ang tatlo. "Alam mo bang nakarating na sa amin ni Ed ang balitang hinahanap ka ni–"
"Mas gusto ko nang tahimik ang buhay ko ngayon, George. Konting ipon na lang. Konting-konti na lang, makakaalis na ako rito oh."
"Hindi madaling makaalis dito sa ginagawa natin. 'Di mo ba naiintindihan 'yon? At talagang pag-Road Manager pa ang kinuha mong trabaho. Paano kung merong nakakakilala sa'yo? Ano gagawin mo? Tutukan ka sa harap nilang tatlo?" paliwanag n'ya sabay turo sa tatlo na natutulog. "Pinadala ako ni Ed dito para sabihin na kahit binabantayan ka ng grupo namin, mas maraming nagmamanman sa'yo sa kanila."
Tahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay George. Hindi naman sila mali ni Ed dahil kapag pumasok ka na rito, 'di mo na 'to pwedeng takasan.
"Ano? Sasama ka ba sa akin?" tanong nya.
"George, salamat na lang sa inyo ni Ed. Pero kailangan ko muna 'tong pag-isipan. Hindi madali ang mag-desisyon na bumalik doon." sagot ko. Tinunguan lang ako ni George at lumabas ng apartment. Nagsimula akong magligpit para diretso tulog na ako mamaya.
Makaraan ang ilang araw, nararamdaman kong maraming mga mata ang nakabantay sa akin ngayon. Tama si George (at wala naman akong sinabing may masama sa sinabi n'ya), ang 'di ko lang maintindihan, bakit nila ako hinahanap ulit? Hindi ba't nakarating sa kanila na patay na ako? May nakapagsabi ba sa kanila na buhay si Marisol Enriquez?
"Huy..." kinalabit ako ni Ely. Nagpapahangin ako sa rooftop ng inuuwian kong apartment at 'di ko napansin na sinundan n'ya ako dito. "...ano ginagawa mo dito? Mukhang malalim ang iniisip mo ha." wika n'ya.
Ngumiti lang ako.
"Nakipagbreak ka raw sa jowa mo nung isang araw." dugtong n'ya. Napa-kunot ako ng noo. Jowa?
"Jowa?"
"Oo. Rinig daw ni Marcus na may kausap kang lalaki nung pumunta sila sa apartment mo." paliwanag n'ya. Kumuha s'ya ng stick sa kaha at sinindihan ito. "'Sensya pala 'di na ako nakasunod."
Pinipigilan 'kong tumawa. "Hindi ko jowa 'yon."
"Si George?"
Nagulat ako sa pangalan at napatingin sa kanya. Paano n'ya nalaman pangalan ni George? Parehas lang kaming tahimik at nakatingin sa isa't isa. "U-Uh... Hula- Hula lang yung pangalan na 'yon... Bakit? Tama ako 'no?" kantyaw n'ya.
Umiling na lang ako at kumuha ng stick sa dinala n'yang kaha. "Ke tama o mali ka pa, 'di ako magku-kuwento."
"Sus, kahit wala naman kaming gawin 'di ka naman nagku-kuwento. Palaging kaming apat lang o si Julie. Pa-mysterious ka pang babae ka."
"Oh, bakit parang galit ka?" natatawa kong sinabi. Sinindihan ko ang hawak kong stick, hinithit at binuga ang usok. Huminga ako ng malalim, "Ayoko na balikan kung ano pa ang nangyari bago pa ako pumasok sa buhay n'yo. Mga bagay 'yon na magulo at dapat na kalimutan. Masalimuot masyado. Nakakapanindig-balahibo."
BINABASA MO ANG
milk & money ♪ eraserheads
FanfictionLigaya's been their friend for months before she became the band's new road manager alongside Julie when Ann left to build a family with her husband. But it seems like her troubling past will come back to haunt her again. Disclaimer: This is a work...