10: Alapaap

47 3 1
                                    

May 1997

Ang daming bawal sa mundo
Sinasakal nila tayo
Buksan ang puso at isipan
Paliparin ang kamalayan

Nawala ako ng parang bula. Nagpakawala sa mundong alam kong tinatanginan na ako. Hindi ko binalikan si Ely, hindi ko binalikan ang ‘Heads sa Rehearsal Studio noong araw na ‘yon. Dumiretso ako sa isa kong kakilala noon na mapagkakatiwalaan ko at saka hiniram ang sasakyang ‘di n’ya na ginagamit.

Kung nasaan ako ngayon, ‘di ko sasabihin. Pakiramdam ko nahanap ko dito ang tunay kong gusto sa buhay, ang tunay na pagkatao ko.

Simple akong namumuhay ngayon. ‘Di ko namalayan noong nagmamaneho ako na dumadagsa ang luha sa pisngi ko at naging sanhi ng pagtama ng sasakyang minamaneho ko sa isang malaking poste. Buti na lang nakita ako ng mag-asawang matanda at kinupkop. Hinintay humilom ang mga sugat na nakuha ko at pagkatapos, tinuruan ng mga ginagawa nila.

“Iha, nainom mo na ba ang antibiotics mo para sa sugat mo?” tanong ni Mang Yayo pagkatapos pumasok sa bahay. Kakatapos ko lang itupi ang mga damit na bagong laba ni Aling Tess at pinasok sa drower.

Nginitian ko s’ya at nag-bless agad ako pagkalapag n’ya ng mga gamit pang-araro, “Opo ‘tay.” sagot ko at dumiretso na palabas ng bahay para pumunta sa kusina dahil naaamoy ko na ang sinasaing ko.

Bigla akong kinabahan.

Tinanggal ko ang sinaing sa lutuan at nilapag sa mesa malapit sa kusina. Nakita kong lumapit sa akin si Mang Yayo, kitang-kita sa mukha na parang alalang-alala s’ya. “‘Nak… May naghahanap sa’yo sa pintuan.”

“S-Sino ho?” tanong ko. Bahagya akong sumilip sa may pintuan para tingnan kung sino. “Shit…” tumingin ako kay Mang Yayo, “‘Tay, maraming salamat po. Sa inyo ni Aling Tess. Pasensya na po kung hindi ho ako makakapagpaalam sa inyong dalawa ng maayos… Alam ko pong darating ‘tong araw na ‘to... Maraming salamat po ulit.” yinakap ko s’ya ng mahigpit at hinablot ang nakatagong bag sa kusina para dumiretso papalayo sa mga naghahanap sa akin.

Nagsimula na akong tumakbo papalayo sa bahay nila Mang Yayo. Ang Diyos na ang bahala sa akin kung ano ang mangyayari…

Kung may Diyos pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

milk & money ♪ eraserheadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon