November 1996
'Di maalala
Buhay nang wala pa sya
Higop ng kanyang halik
Ay lagi nang bumabalikNiyaya kami ni Ely sumama sa La Union para sa birthday nya. Sakto namang holiday kaya sumama na rin ako.
Sya, si Marcus, si Raymund, ako, si Enteng, at si Joey.
Maganda ang dagat sa La Union. Sumakto nga lang na low tide ang tubig kaya 'di masyadong maganda para makapag-surf (kung hanap mo talaga ang malalaking alon). Umupo lang ako sa buhangin habang ninanamnam ang amoy alat galing sa dagat at naririnig ang ingay nito.
"Ligaya..." napatingin ako sa tumawag sa akin. Lumapit ang babaeng tumawag sa akin at umupo sa tabi ko. "Erika... Hindi mo ako kilala pero kilala ako ni Ed."
"Ah..."
"Kasamahan nila ako. 'Wag ka mag-alala, ako ang may-ari ng resort na 'to kaya alam kong 'di ka masusundan dito." agad nyang dugtong. 'Di ako makapagsalita. Atleast alam kong ligtas ako dito 'di ba?
"S-Salamat... Erika... Sabihin mo kay Ed na salamat din..."
Tumungo s'ya at tumingin lang sa papalubog na araw. "Pwede bang malaman kung bakit ginagawa ni Ed 'to sa akin?" alanganin kong tanong. Tumingin agad s'ya sa akin at ngumiti.
"Malaki ang utang na loob ni Ed sa'yo. Pinakawalan mo kami sa kapangyarihan ni Mr. Cruz. Ngayon, unti-unti nang binabago ni Ed yung patakaran sa loob namin. Matagal-tagal bago pa um-okey ulit. Pero alam ko namang magagawa n'ya ang tama para don." tinunguan ko na lang s'ya at ngumiti pabalik sa kanya. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Dapat ba akong maging masaya?
Tahimik. Tinapik ako ni Erika sa balikat at tumayo na para maglakad pabalik sa kanyang opisina. Ang mga ulap, nagiging kulay rosas na. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kapayapaan sa buhay ko. Sana... Sana ganito na lang palagi.
Umupo si Ely sa tabi ko na ikinagulat ko. Nakatingin lang din s'ya sa kalangitan, manghang-mangha sa nakikita namin ngayon. "Salamat..." wika ko.
Tumingin s'ya sa akin, "Para saan?"
Ngumiti lang ako at 'di na nagsalita pa. Tumingin na lang ako sa araw na nilamon na ng dagat. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang tanawin sa buhay ko. 'Di ko napigilang mapatingin kay Ely na nakatingin na pala sa akin.
"Kumikinang ang mga mata mo sa sinag ng araw, nilalamon ang puso kong iyong ninakaw."
Kumunot na lang ang noo ko sa sinabi n'ya sa akin. Adik ba s'ya?
BINABASA MO ANG
milk & money ♪ eraserheads
FanfictionLigaya's been their friend for months before she became the band's new road manager alongside Julie when Ann left to build a family with her husband. But it seems like her troubling past will come back to haunt her again. Disclaimer: This is a work...