Hindi ko maiwasang umiyak kasi iniwan ako ng jowabells ko. Charot lang, si itay kasi pinaghihiwa ako ng dalawang baldeng sibuyas alam niyo kung bakit? ayoko nga pagtatawanan niyo ako e, Charot. Hindi ko naman kasi mapipigilan yung sarili ko e kasalanan ko ba kung patay gutom ako? joke lang mwehehe so ito na nga, kasalanan ko ba kasi kung natakam ako sa amoy ng sinigang na niluluto ng plastik naming kapit-bahay? Si Aling Nena naman kasi e, pa-amoy ng pa-amoy ng niluluto niya yun tuloy natakam ako, sa sobrang katakaman ko tinalon ko na yung mataas na bakod nila e kaso nahuli ako ni itay huhu. Charrr ang BUANG na katulad ko ay hinding hindi iiyak ng dahil lang napagalitan ni Itay. Dzuh. O hindi niyo alam yung BUANG noh? huwag niyo nalang alamin akin lang yon, ako lang ang nag-iisang BUANG. Ako yata si Yannie Elyse Dela Cruz, ang nag-iisang BUANG sa pamilya Dela Cruz.
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag na huwag kang tatalon sa kabilang bakod!" sermon ni itay.
"Itong si Itay galit na galit e hindi ko nga natuloy talunin yung bakod, bigla bigla kasing sumusulpot. Kabute ka ghorl?" bulong ko.
"May sinasabi ka ba Ysai?"tugon ni itay. Napairap nalang ako sa kawalan. 'tong tatay ko na toh Ysai ng Ysai e, ang ganda ganda ng pangalan ko. Yannie as in Y.A.N.N.I.E. hay nakooo kaloka tong pudra ko.
"wala po itay, wala po akong sinasabi" bwelta ko naman sa tatay ko, sabay punas sa mata ko. Hindi ko talaga maiwasang umiyak amp. Wala pa naman talagang nakakapag paiyak sakin e, oo tama ka wala talaga as in wala, pero pag usapang sibuyas, abugh ikaw nalang. Kaya mo na yan mwehehehe.
"Parang sibuyas lang iniiyakan mo, walastik ka talagang bata ka." tatawa tawa pang sabi ni itay. Napapunas nalang ako ulit sa aking magagandang mata. "Kung hindi mo sana sinusuway ang mga utos ko, hindi kita mapaparusahan ng ganyan. Aba bilisan mo na riyan, mauuna na kami ng mga kapatid mo sa bahay ng mga Luna pagkatapos mo riyan e sumunod ka na agad doon" sabi ni itay.
"Itay naman e, hindi ko naman sinuway yung utos mo dzuhh. Hindi ko nga po maintindihan kung bakit niyo ako pinagbalat ng sangkatutak na sibuyas e hindi naman ako sumuway sa utos mo," pinunasan ko ulit ang aking magagandang mata para medyo kapani-paniwala hehe "at hindi ko pa po nakakalahati itong isang balde. Tapus po papupuntahin niyo pa ako sa bahay ng mga Luna para lang kunin yung mga ipapalaba nila? wala ba silang paa, kaya nga tayo may paa e para gamitin sa paglalakad. Sila na magdala ng labahin nila dito hanep!" singhal ko pa, sorry itay hehe labyu po hehe. Napakamot nalang si itay sa kanyang ulo, kasi naman itong si itay lalaban pa sakin e alam naman niyang hindi siya mananalo sakin.
"Ganun ba, sige," sabi ni itay. Halos mapunit naman ang aking magandang labi sa sinabi iyon ni itay, sabi sa inyo e hindi mananalo sakin si itay hehehe. syempre napakurap ang aking magagandang mata kasi nga pumayag si itay na hindi na ako magpunta sa bahay ng mga Luna, ngunit nagsalita ulit si itay, "kung ayaw mo na magpunta sa bahay ng mga Luna e, putulin na lang natin yang mga binti mo para ilagay sa mga labahin nila Mrs. Luna, wala rin namang saysay ang pagkakaroon mo ng mga paa e. Hindi ba't sinabi mo na, kaya nga tayo may paa para makalakad e edi putulin nalang natin iyang mga paa mo para ilagay sa mga labahin nila Mrs. Luna, nahiya naman yung mga labahin nila Mrs. Luna sa iyo e, sila nalang daw ang mag a-adjust" mahabang paliwanag ni itay. Dahan dahan siyang nagpunta sa may kusina at kumuha ng itak. Seryoso ba si itay? Amp. Parang niloloko lang e huhu. I'm not yet ready to die- yiee english yon ah hehe. Napakurap ang aking mga magagandang mata mga 5 siguro, oo binilang ko angal ka? Tatay ko talaga na toh may pagka eng eng jokkk hehehe. Hindi na ako nakipagtalo pa kay itay kasi baka matuluyan ang aking mahahabang legs hehehe.
Kailangan namin mag doble kayod pagdating sa pag hahanap buhay kasi, magastos kami charr hehehe kasi nga marami kaming dapat bayaran at syempre panggastos din, gaya nalang ng lupang sinasakahan namin, binabayaran namin yun buwan buwan, may mga utang din kaming binabayaran, pag-aaral din ng mga kapatid ko, limang kapatid ko pa ang pinag-aaral nila itay at inay. Hindi na ako nakapag kolehiyo gawa nga ng kapos kami sa pera, pero hindi iyon naging hadlang sa pangarap ko dzuh, sabi nga nila "Kapag gusto maraming paraan" kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa noh, lalo na kay Marcus ehe jok saka na yon, so yun nga kahit na hindi ako naipagpatuloy yung pag-aaral ko gumagawa ako ng paraan para matuto kahit na hindi ako pumapasok sa paaralan dibughh. Aral aral din pag may time. Madalas ako magpunta sa bahay ni Ate Mila, ex niya si tatay charott kaibigan lang siya ni tatay, oum at hindi na sila lalagpas don takot nalang ni itay kay inay HAHAHA hay nako buhay ng iba hinahalungkat ko nako talaga, madalas nga ako magpunta sa bahay nila Ate Mila doon ako humihiram ng mga libro, binabasa ko ang mga iyon kapag may oras ako, binabasa ko para naman hindi ako matameme nalang pag nag-aral ako ulit.
Pero kailan ko kaya maipagpapatuloy ang pag-aaral ko?
Sana nalang may dumating na suwerte sa amin.
Sana makapagtapos ako ng kolehiyo, para makatulong na rin ako kila itay diba? Oh ang plastik kong anak diba, charot. Gusto ko makapagtapos para ako naman ang mag papa-aral sa mga kapatid ko, napaka plastik mo talaga Yannie hehe.
Sana may magbigay ng tulong sa amin.
Sana mabigyan ako ng pagkakataong makapag-aral muli.
Sana makuha ko na si Marcus- charot baka mapatay ako ni itay hehe.
Kung hindi man ako papalaring makapag-aral, kahit si bebe Marcus nalang ang ibalato sakin- charot ulit hehehe.
*******************
#PerfectlyUnexpected
BINABASA MO ANG
Perfectly Unexpected
RomanceWalang ibang gusto si Yannie Elyse Dela Cruz kundi si Marcus-charottt, walang ibang gusto si Ysai kundi ang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral, para makatulong sa kaniyang pamilya. Hanggang sa may dumating na tulong sa kaniya, binigyan ng oportunida...