Chapter 3

151 101 15
                                    

Kanina pa ako pa lakad-lakad dito sa tapat ng bahay namin. Hutanginerz naman kasi ng signal! Parang jowa mo, nagloloko! Ay pasmado. Hindi nalang kasi makisama yung signal e parang bobo naman. And guess what? May mas nakaka-bobo pa diyan, hindi ko alam pero kasi kanina pa ako pinag-titingnan ng mga hinayupak na nilalang na dumaraan dito.

"Ysai, kanina ka pa palakad-lakad diyan. Mahirap talaga makahanap ng signal riyan, kung gusto mo talaga makahanap ng signal, kailangan nasa mataas ka na lugar, e parang hindi ka mapakali diyan e, mukhang IMPORTANTE na IMPORTANTE yang tatawagan mo" sabi ni Aling Tess at nagtawanan na sila ng mga impaktita na kasama niya.

"Oo nga ate e, kung akyatin niyo nga bubong niyo? Tapos sabihan mo ako kung malakas signal diyan sa inyo? Inform mo ako marz! Gusto mo yun? Ako kasi gusto ko, dali na umpisahan mo ng umakyat, bilis!" iritang sambit ko.

"Ysai naman, aga-aga e, galit na galit. Parang binibiro lang e, gaano ba kasi ka-importante yang tatawagan mo at hindi ka mapakali diyan?" tanong ni Impaktitang Pangit No. 1

"Luh? Oi teh? Nakikipagbiruan ako sayo? Dzuh! Di ako nakikipagbiruan sa mukhang payaso noh! Feeling close ka gHorL? At kung tinatanong niyo ako kung gaano ka-importante ang tatawagan ko, i just want to say na mas importante pa sa inyo toh, dZuH!" sagot ko naman.

"Huwag niyo ng guluhin si Ysai at busy yan kakahanap ng signal, baka tatawagan niya ang Nobyo niyang taga-Maynila, ay este MAPAPANG-ASAWA pala" ngingisi-ngisi pang sabi ni Impaktitang Pangit No. 2

"Ysai ah, hindi mo naman sinabi sa amin na may mapapang-asawa ka na pala hihihi. At hindi pala talaga probinsya ang nais mo, kundi taga-Maynila!" gatong ni Impaktitang Pangit No. 3

"Alam mo Ysai, magaling ka mamingwit, kumbaga kung namimingwit ka sa isang dagat, nakabingwit ka ng isang malusog, mataba, at sariwang isda. Kung ihahalintulad naman ito sa tao, Nakabingwit ka ng isang Lalaking tubong Maynila, isang Mayaman at isang gwapong nilalang, paano nangyari yon Ysai? Pwede ba naming malaman kung anong pinakain mo dun sa lalaking nagpunta sa inyo kagabi?" nakangiting sambit ni Ate Tess.

Ano daw? HAHAHAHAHAHAHA mapapang-asawa ko daw si Sir Wilson? HAHAAAAHAHAA Tangina? HAHAHHAHAA inaakala ba nila na mapapang-asawa ko si Sir Wilson? HAHAHAAA

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa ko na ikinagulat nila.

"Ysai, a-ayos ka lang ba?" tanong ni Ate Tess.

"Inaakala niyo ba na mapapang-asawa ko si Sir Wilson? Na nagpunta siya kagabi sa bahay para lang mamanhikan kay itay? HAHAHAHAHHAA nagpapatawa ba kayo? Kung nagpapatawa kayo well, congrats coz you did a great job! Napatawa niyo ako HAHAHAHAHAHA, dami kong tawa doon mga trenta. Grabe kayo mga cyst! Ang tindi na talaga ng mga ubo sa utak niyo! Myghawd!" tatawa-tawa kong sabi sa kanila.

"Ang ibig mo bang sabihin e, hindi totoo iyon?" tanong ni Impaktitang Pangit No. 2

"Hindi, at sino ba kasi nagkalat ng chismis na yan hA?" tanong ko.

"May nakapagsabi lang sa amin, Ysai." sagot ni Ate Tess.

"Pwes kung ganon, MAMATAY NA ANG NAGKALAT NG CHISMIS NA YAN!" inis kong sabi.

"Ysai, e kung hindi mo mapapang-asawa yun? E anong pakay ng lalaking iyon sa inyo?" tanong ni Impaktitang Pangit No. 1.

"Wala ka nang pake dun marz! Know your limits! Hindi yung nanghihimasok kayo sa buhay ng may buhay! Dzuh! Ipagpatuloy niyo na nga lang ang pagwa-walis niyo diyan! Bigyan ko kaya kayo ng kambal na sampal? Gusto niyo? Amp! Hilig mangialam e, wala namang alam!" iritang sabi ko.

"Ysai, huy Ysai!" pahabol pang sabi nila Ate Tess.

Umalis na nga ako para maghanap  ng signal, at umalis na ako doon para wala na akong magawa pang masama sa kanila, masama kaya pumatol sa mga mukhang MATANDA, oo literal na mukhang matanda. Patuloy pa din ako sa paglalakad ng makasalubong ko naman si Peter, hutanginerz naman talaga!

Perfectly UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon