Angggggg sayaaaaaaaaaa! Nakausap ko na si Sir Wilson! Owemjiii! Susunduin daw nila ako dito, bukas! Abot tenga ang ngiti ko habang naglalakad pauwi sa bahay. Mamimiss ko itong lugar namin, huwaaaaa! Mamimiss ko sila itay, mga kapatid ko, mga kaibigan ko- ay shet wala pala ako non. Naalala ko yung pag-uusap namin ni Sir Wilson kanina
Flashback
"Oh, Yannie? Napatawag ka ija?" sabi ni Sir Wilson.
Kinakabahan talaga ako pero, kakapalan ko na ang aking peslak!
"Sir, tungkol po ito sa sinabi niyo sa akin noong nagpunta po kayo dito. Tungkol po sa pagtulong niyo sa akin na makapag-aral? Sir, nakakahiya man po pero-"
Hindi ko pa nga natatapos yung sasabihin ko, nagsalita agad si Sir Wilson. Agay! Bastos ka ghorl?
"Ibig mo bang sabihin, payag kana na tulungan kita? Yannie, wala ka dapat ikahiya kasi wala ka naman non. Just kidding you ija HAHA."
abughhh! Gago ba u? U em ge hA? May hiya naman ako kahit pa-paano.
"Sir, close tayo? kapal ah?"
"I'm just kidding you ija, paano ba yan? Pumayag kana na tulungan kita? Susunduin na kita bukas? Is it okay?"
Owemji hA! Bukas agad? Grabe mamsh!
End of flashback
Actually, ayaw ko naman talaga magpasundo e, kaso mapilit si Sir Wilson HAHAHHAA sino ba naman ako para tumanggi? Dzuh! Mamimiss ko talaga sila itay. Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ako. Naabutan ko ang mga kapatid ko na masayang naglalaro, si itay naman nakangiting nakatingin sa mga kapatid ko. Hindi ko maiwasang umiyak shems! Parang hindi ko sila kayang iwan, hindi ko kayang mahiwalay sa kanila. Tumutulo na sipon- ay luha ko pala, hindi ko namalayan na napalakas pala ang pag-iyak ko, napatingin tuloy sakin si itay.
"O Ysai, anak. Bakit ka umiiyak riyan? May masakit ba sa iyo? Magsabi ka anak."
Putchaaaa! Ansakit! Lalong napalakas ang pag-iyak, hanggang sa lumapit na ang mga kapatid ko.
"Ate, bakit ka umiiyak?"
"Ate, ayos ka lang po ba?"
"Ate, may alay-alay ka po ba?"
"Ate, hulaan ko iniwan ka ni Kuya Peter noh? Break na kayo?"
Gago talaga tong batang to, dinamay pa si Peter, hayup talaga. Hindi nalang ako nagsalita at baka mapatay ko pa tong lintek na kapatid ko. Grrr!
"Tigilan niyo na ang Ate Ysai niyo, Ysai. Sumunod ka sa akin, mag-usap tayo" seryosong sabi ni itay.
Napatango nalang ako at sumunod kay itay palabas ng bahay. Kitang kita ko ang namumuong libag- este luha sa mga mata ni itay.
"Nakausap mo na si Sir Wilson?" tanong ni itay.
"O-opo"
Basag na ang boses ko ng binanggit ko iyon kay itay, pinipigilan ko kasing lumabas ang aking mga precious tears, baka kasi maging pearls charot.
"Huhulaan ko, susunduin ka na nila bukas noh?"
Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng sabihin iyon ni itay. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na nag-uunahang lumabas sa aking mga mata. Kung sasalukin niyo ang mga luha ko, siguro aabot na ito ng dalawang tabo charr. Mas lalo pa akong napa-iyak ng makita ko ang mga luhang lumalabas sa mata ni itay, ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak. Hindi ko maitatanggi na ang pamilya ko ang kahinaan ko.
"Y-ysai? Tama ba ako? S-susunduin ka na ba n-nila bukas? Anak?"
"O-opo itay. Itay, parang hindi ko po kaya."
BINABASA MO ANG
Perfectly Unexpected
RomanceWalang ibang gusto si Yannie Elyse Dela Cruz kundi si Marcus-charottt, walang ibang gusto si Ysai kundi ang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral, para makatulong sa kaniyang pamilya. Hanggang sa may dumating na tulong sa kaniya, binigyan ng oportunida...