Chapter 2

176 125 17
                                    



Halos mapagod na si itay kaka-kuha at kaka-bigay sa akin ng inumin. Halos bumigat narin ang tiyan ko dahil puro tubig na ang laman nito hanep! Paano ba naman kasi e! Hindi pa nag si-sink in sa utak ko lahat nung sinabi nung lalaki sakin amp. Nalaman ko na ang pangalan niya at nalaman ko din na taga- Maynila siya.

Flashback

"You must be Yannie? Yannie Elyse?"

Hindi ko alam pero kinabahan ako ng sinabi niya ang pangalan ko.

"O-opo, s-sino po sila?"

"I'm Wilson, Wilson Aguilo. It's my pleasure to meet youYannie"

"Ah Kuya Wil-ayy Sir Wilson po pala, hindi ko po alam kung bakit niyo po ako kilala, pero kasi po hindi ko po kayo knows, hindi po tayo close hehe."

"Yeah Hahaha, you don't know me yet, Yannie. But, let me introduce myself to you."

owemji! so weird! Naglakad agad papalapit sa amin si itay.

"Ah Ysai, Sir Wilson, sa loob nalang po kayo mag-usap masyado pong maraming mga tao rito sa labas" nahihiya pang sabi ni itay. Owemji talaga! Hindi ko alam ang nangyayari!

" Oh, Sure."

"Ysai, ano ba? Tatayo ka nalang ba riyan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sinabi ko sa loob nalang kayo mag-usap ni Sir Wilson."

"O-opo itay."

Pumasok na nga kami sa bahay, kasi nga madaming echoserang chismosa sa labas.

"Yannie?"

"A-ahh S-sir?

"You look so nervous? Haha. Don't worry, I just have something to tell you."

"Ano po iyon Sir?"

"Someone told me, you want to continue your college education? If you don't mind, i want to help you."

-End of Flashback-

"Ysai, kanina pa hinihintay ni Sir Wilson ang sagot mo." sabi ni itay na ikinagulat ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, may parte sa sakin na nagsasabi na pumayag ako para makapag-aral na akong muli, pero may parte din sa akin na sinasabing huwag akong pumayag kasi paano nalang sila itay? Yung mga kapatid ko? Bakit kasi biglaan amp! Hindi ako ready hanep!

"Ysai?" sabi pa uli ni itay.

"I don't think she's ready, Aurelio. Babalik nalang ako sa-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni sir Wilson at nagsalita na din ako.

"Ah Sir, actually, hindi ko po alam ang isasagot ko. Opo, gusto ko po makapag-aral pero kasi po, iniisip ko po sila itay at ang mga kapatid ko. Hindi ko po kakayanin na mawalay sa kanila. Kung pwede po bigyan niyo po ako ng sapat na panahon para makapag-isip?" tugon ko.

"Natutuwa ako kasi, mas iniisip mo ang pamilya mo kaysa sa pansarili mong kagustuhan. Napalaki kang maayos ng ama mo. Okay, i'll give you enough time to think. Here's my Calling Card, tawagan mo ako kung sakaling may isasagot kana okay?" nakangiting sagot ni Sir Wilson.

"Opo, Sir Wilson." sagot ko.

"Aurelio, thank you for your time. Mauuna na ako." nakangiting sabi ni sir Wilson kay itay.

"Ah, ihahatid ko na po kayo."tugon ni itay.

"Naku, huwag na haha. Kaya ko naman na ang sarili ko haha, salamat nalang Aurelio."magiliw na sagot ni  Sir Wilson. " Sige na ho, mauna na ako."

Perfectly UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon