Chapter 1

219 145 12
                                    

Akala ko talaga mananalo na ako kay itay huhu sayang yung pag arte ko dun, pero dahil isa akong dakilang masunurin pero sutil na anak syempre susundin ko si itay hehe. Isang balde palang ng sibuyas ang natatapos kong balatan amp ano ba kasing klaseng parusa toh, kailangan ko na matapos toh bago pa makarating sila itay galing kila Ginang Luna, like what i've said before- chour kailangan nga naming mag doble kayod, dahil nga masunurin akong anak pa-aakyatin ko sa puno ng buko si Caloy mamaya para may makayod ako hehe- charot lang. Amp dada ng dada e hindi pa nga ako tapos sa ginagawa ko hay nako! Nakakatamad talaga! Mahirap talagang labanan ng katamaran e, kaya kakampihan ko na lang. Owemji! kapag sinusuwerte ka nga naman talaga oh HAHAHA, kawawa ka ngayon sakin Mael HAHAHA

" MAEEEELL!" sigaw ko sa nakababata kong kapatid. Sorry Mael pero kasi, sukong suko na ako magbalat ng sibuyas hehe pero don't worry, your Ate Ysai always love you mwah!

"Bakit ate?" tanong ng aking kapatid. " Do you need anything?" sabi pa niya. Wawww! Englisherong hilaw!

" Wawwww! english-english ka nalang ngayon ha! Pumunta ka ng kusina! Tapusin mo yung mga binabalatan ko dun! Kung ayaw mong ipalaba ko sayo yung mga labahin ng pamilyang Butanding!" bwelta ko. Halos matawa naman ako sa hitsura ng kapatid ko halos matumba siya sa inuupan niyang silya, hay nako wag na wag niya akong susubukang kalabanin ngayon, may paglalagyan talaga siya hmp!

"E, wala pa naman yung mga lalabhan mo ate, e bat hindi mo nalang muna tapusin tsk!" iiling iling pang sabi ng kapatid ko. Napatampal nalang ako sa noo ko, matigas talaga tong isang to hanep.

"Sasagot ka pa? Sasagot ka pa ha? Sumunod ka na lang kasi, dami netong satsat wala namang binatbat! Hala oh punta dun sa kusina!" sabi ko. Halos madapa naman yung batugan kong kapatid kasi nga tinulak ko siya hehe, gusto niyo din? Tulak ko din kayo?-chouuur.

Wala pa naman sila itay, kaya pupunta muna ako sa palengke. Papunta na ako sa palengke para mamili ng gulay para lutuin mamayang hapon, lalakarin ko na lang tutal, malapit lang naman. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko ngayon dito, mga batang naglalaro sa lansangan, mga batang masayang nakikipag-kuwentuhan sa mga nakatatanda, mga lupang sakahan na mayroong mga masasaganang pananim, mga magsasakang hindi iniinda ang pagod na nararamdaman bagkus nagtatawanan pa. Hindi ko gugustuhin na iwan itong lugar na kinagisnan ko kahit na anong mangyari! Mas gusto ko dito, alam mo kung bakit? Tanong mo sa jowa mong maraming kabit-charot. Dito kasi sa lugar namin, mararanasan mo ang pagba-bayanihan, pagtu-tulungan, ang pagda-damayan, ang kasiyahan, bonus nalang yung kasiyahan kasi hindi talaga magiging masaya kung walang mga chismosa, plastik, naninira ng kapwa, nagbabangayan sa tuwing umaga, mga lasinggero sa kalye. Saya diba? It's More Fun Here In Province!

May ganito rin kaya sa Maynila? Malamang wala ambonak talaga. Kailan kaya ako makakarating sa Maynila? Maganda kaya doon? Anong hitsura? Iniisip ko kasi, baka wala talaga rito sa probinsya ang kapalaran ko diba? Malay ko ba kung nasa Maynila talaga ang kapalaran ko dzuh! At pag nasa Maynila na ako, magkakaroon pa ako ng chance na makapag-aral doon, pwede naman akong mag-apply para sa Scholarship, tapos maghahanap ako ng mapagkaka-kitaan, para may magagastos ako at maipapadala kila itay hindi ba? And last! Pwede ko pa makita doon si Marcus ehe- jokee malaki ang Maynila, imposibleng mangyari yon pero mas imposible na makarating ako ng Maynila. Oh award! Taas ng ambisyon! Feelingera! Erase eraseeee! Hindi ko namalayan na nasa palengke na pala ako.

"Ate, magkano po kilo sa tilapia?"tanong ko. Isda nalang ang uulamin namin, para makatipid kami kahit pa-paano.

"70 po ang kilo," sabi nung ale. Myghawd! So expensive! Aha!

"70 po? Ahh sige po, ilang kilo po lahat yan?" tanong ko. Masyadong mahal ang presyo ale, aym suri. Sooooo, kinikilo na nga nung ale yung mga tilapia.

"sampung kilo po lahat ito ganda, 700 po lahat" naka-ngiti pang sabi nung ale. Napa-ngisi nalang ako sa katarantaduhan na pumasok sa isip ko hehe.

" Oraytt, pabili po ng dalawang piraso" sagot ko. Kung nakamamatay lang ang tingin? Kanina pa ako namatay ditey! Owemji talaga!

"Ale, ano na po? Pabili na po ako ng dalawang isda" sabi ko pa. Tagal e, baka mamaya nasa bahay na si itay, pati yung sandamakmak kong lalabhan. Wala ng nagawa yung ale, binigyan niya nalang ako ng isda mwehehehe. Siguro sinusumpa na ako nung ale sa isip niya ajajaja. Sorry pero tarantado toh hoi! Nakabili na ako ng ulam so, uuwi na ako.

Malayo palang ako sa bahay namin, nakikita ko na agad ang mga echoserang chismosa na nagkukumpulan sa amin. Teka? Ano bang meron? Amp! Hindi naman siguro masamang magtanong diba? Atsaka bahay naman namin yun diba?

"Ate Tin, ano pong meron at sangkatutak ang nagkukumpulan doon?" takang tanong ko kay ate Tin, oh award! Bahay namin yon pero, wala akong ka-alam alam.

"Nako, iha. Sarili niyong bahay pero wala kang ka-alam alam sa nagaganap?"

"Dzuh! Ate Tin, magtatanong ba ako kung may alam ako? Teh yung totoo? May ubo ba utak mo?"

"Ikaw talaga! Mayroon kasing nagdatingang mga magagarang sasakyan sa bahay ninyo, kaya ayan andaming mga nakitingin"

"Nako naman ate Tin, parang ikaw naman hindi"

"Ewan ko sayong bata ka!"

Ay attitude ka ghorl? Sapak u want? Narinig ko nalang na nagsigawan ang mga echoserang chismosa, kaya dali dali akong nagmadali papunta sa bahay, pero bago yun

"Aba Ysai! Anong gagawin ko rito sa isdang ito?"

" Kung gusto niyo po, halikan niyo po hanggang magsawa kayo o kaya naman po asawahin niyo, diyan po sa isdang iyan sigurado ka na po na hindi ka iiwan niyan, hindi katulad ni Kuya Andres, pagkatapos kang perahan iniwan kana-ay shemay! sorry po pasmado! Pakiluto nalang ate, at pagkatapos pakidala nalang po sa bahay! babyyeeee!" at tuluyan na nga akong umalis.

Nakipagsiksikan pa ako sa mga echoserang palaka na toh, para lang makarating ako sa harapan. Owemji! Ang gandaaaa! Totoo nga! Halata nga na mamahalin at magara ang mga sasakyan na ito! Pero bakit may ganito dine? Wala naman akong maalala na mayroon kaming darating na bisita? At kung mayroon man, hindi ganito kagara ang mga sasakyan! Dzuhhh! Halos mabingi naman ako sa mga tilian ng mga malalantod na babaeng toh! Dzuh! Tekaaa! Waittttt a minutteeeee, kapengggg mainitttt! Sino yun? Sino yung lalaking yon? Bakit ganon ang hitsura ni itay? Bakit parang anlungkot ni itay? wut da pak is hapening? Hindi ako maka-galaw lintek! Para akong naistatwa ng makita kong maglakad yung lalaking yon papunta sakin! Dapak! Jusq!

"You must be Yannie? Yannie Elyse?"

owemji! K-kilala niya ako? P-pero p-paano?





**************************
#PerfectlyUnexpected

Perfectly UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon