*knock knock knock* may kumatok sa room ko. "James pakisuyo naman ng pinto. Thank you" tumayo si James tas binuksan niya yung pinto. "Uhh Mikee you have a visitor." Sabi niya. Napatingin naman ako sa pinto. WHAT!? "Hi Mikee!" It's him. Why? "Oh Jun. Why are you here?" Tanong ko sa kanya. And somehow natuwa ako ng slight idk why. "My mom said puntahan muna kita. Cause they want us to be friends. So yah, I'm here right now. I-is it okay?" Oo naman. Hahah chour. Luh Mikee kumalma ka. Nababakla ka na ata. "Sure have a seat." Yumuko siya to sign na nag thank you siya. "I'll find a table to sit na. See you later Mikee." Pinanlakihan ko siya ng mata. "Nag ma mic test pa sila don baka makagulo ka pa. Dito ka muna." Tinry ko siyang pigilan. "Y-yearh syur heher." I f*ckin' swear to the heavens and earth gagantihan kita. Please naman James wag ngayon. "Enjoy Mikee... and Jun" ARRRRGGGHHHHH gagantihan ko yon mamaya. "Ang cute niyo mag kapatid. Hehehe." Sabi niya. Natawa naman ako ng slight. "Hehehe thanks, I guess?" Sabi ko naman. Grabe ang awkward nito. After ko mag salita, halos wala ka na marinig kundi yung ingay nung aircon tas yung mga nag ma mic test sa labas. A good 20 mins. siguro kami tahimik. Di po ako nag eexagerate parang ganon talaga katagal yung katahimikan. Nakakabingi. Maya maya pa ay nag salita na siya. Jusq salamat naman.
"So what's your course?" Tanong sakin ni Jun. "Uh MMA, ikaw?" Tinanong ko ren siya. "Tourism..." tas nanahimik siya saglit. Nag taka naman ako kasi tinitigan niya pa ako. "Wait... ikaw ba yung nasa top 5 sa MMA?" Halla alam niya yon!? "O-oo. How did you know?" Nag taka talaga aq. "Nung recognition last school year. I was there. That's why you look so familiar. Sana ol." Huh? "What do you mean?" "I mean you have the brain, the talent, and I can say you have good looks too. No wonder, sikat ka siguro sa faculty niyo." Sabi niya. Hanuba stop that. "Huh!? Actually kabaligtaran ang sinasabi mo. I don't have any friends sa school. Only my brother. And I'm getting a hard time na makipag halubilo sa mga tao. It's not my thing. And besides no body knows sa school na nakanta ako. I don't show my talent that often. Dito ko lang talaga nalalabas sarili ko tsaka sa bahay." Sabi ko naman sa kanya. "Really? 'Cause I'm not having a hard time talking to you right now even if you just met me. In fact, I'm actually feeling comfortable with you already. And you know what? Tito is always mentioning you about how good you are in singing. Cause my dad have a recording company. And he's always recommending you. Pinapakita niya lagi yun vids mo kay dad tsaka kay mom. Hanga rin sila sa skills mo. And I've heard one of your videos pero di kita nakita. Too good at goodbyes ata yung kinanta mo non. Grabe yung bilib ko sayo nun. Tas yung mga kulot mo tsaka falsettos. Grabe nakakakilabot... " okay masyado na akong nahihiya. "Di ko naman inakala na ikaw yon. Grabe talaga" Thankfully natapos na siya. Kase grabe na yung hiya ko. "Hehehe T-thank you" yun nalang nasabi ko sa kanya.
"You've mentioned na wala kang kaibigan sa school, right?" Tanong niya. "Yeah, since first year" sabi ko naman. "Can I be your first friend?" Oo naman. Hoy Mikee kumalma ka! "Sure ka ba? I mean, I'm so lame and boring. And cold and sometimes ma attitude. Are you sure you wanna be friends with me?" Sabi ko. "What are you talking about? Ofcourse I want to. Like I said, the minute that we started talking, I feel comfortable with you already. And I know you feel the same way too." Now that he mentioned it... oo nga noh parang komportable na agad ako sa kanya. "Maybe I just fell for you right away" HUH!? MIKEE ANO SINASABI MO!? "Wha—" "What I mean is... uh... maybe I trusted you right away because of your kindness." Woooh nabawe nabawe. Mukha namang naniwala siya. "So, friends?" Inabot niya yung kamay niya sakin. Bat ako kinakabahan? "Y-yeah sure, friends" nag kamayan kami. Nakatitig lang ako sa magkahawak naming kamay. At napansin ko yung orasan niya. SHIT!
Binitawan ko siya bigla. "What's wrong?" Tanong niya. "Malapit na mag start yung show. Di pako naka ready!" Pag panic ko. Tumayo ako at pumunta sa closet ko, nag hanap ako ng damit. Kung ano ano nalang dinukot ko. Tas inayos ko na mukha ko. Konting make up lang para mag mukha naman akong fresh. Jusko buhok ko pa. Nakita ko naman si Jun sa reflection ng salamin ko nakatingin lang siya sakin. Anuba stap nga!? HOOOY MAG FOCUS KA! BAKLA KA BA? Bi naman ako ahhh. Anu ba thoughts tumigil ka nga. Apaka harot mo. Anyway ayun na nga nag mamadali na ako. "Hey Mikee can I help you?" Napatingin naman ako sa kanya. "Naku wag na" sabi ko naman habang nilalagay ko yung last contact lens ko. "Oh come on. I insist." Lumapit siya tas kinuha niya yung suklay tsaka hair spray. "Ako na mag aayos ng buhok mo." Halaa uyy wag naaa. "Wag na ako na." Kinuha ko yung suklay. Hinawakan naman niya yung wrist ko sabay hila sakin kaya ako napatayo. "I said insist." Bigla ako nanlambot sa sitwasyon namin ngayon. We are so close to each other. Like two inches away. Nararamdaman ko ang bawat paghinga niya sa pisngi ko. Which gave me shivers. At nagkatitigan kami for a good ten seconds. "U-umupo ka na don, ako na mag aayos." Sumunod nalang ako sa kanya. Sheet that was so awkward. Taena Marc Agust Suarez kumalma ka. Wooooh. Why do I feel so gay? What the fuck!? And why do I feel happy feeling it. The heck! Kumalma ka.
Nag simula na siya ayusin buhok ko. Mejo mahaba buhok ko kaya baka mahirapan siya. Pero parang di naman. It's like second nature to him, baka part time beautician siya. Pero parang di naman. Ka OA nung beautician. Lumipat siya siya sa harap ko para ayusin yung bangs ko. Magkalapit nanaman yung mukha namen. Pero di kasing lapit nung kanina. Mejo malayu siya ng konti. Tama lang para makita ko yung mukha niya. Speaking of mukha niya. Grabe talaga, ang flawless niya. Mejo may kasingkitan yung mata niya. Matangos ilong niya. Ang chiseled ng jawline niya. Ang pogi niya talaga. Minsan lang ako maka appreciate ng kapogian pero ngayon, na overwhelmed naman ako sa kapogiang nakikita ko. "There, you're done." Tinignan ko naman yung sarili ko sa salamin. In fairness ang galing niya ahhh. "So, what can you say?" Sabi niya. "I-it's great! Ang galing mo sa pag aayos ng buhok ahhh. It's like your second nature." Sabi ko naman. Napangiti naman siya ng bahagya. Ugghhhh that smile. Huuuy kalma. "Sa tourism kase kailangan namin maging presentable lagi so ayun. At mostly sakin nag papa ayos ngbbuhok mga tropa ko kaya ayun. Na enhance siya through the years." Now that explains it. Ang layo sa naisip kong beautician siya. Potek san ko ba nakuha yon. "Let's go?" Aya niya sakin. "Tara." At lumabas na kami sa room ko at pumunta na sa labas.
--------------
A/NSorry late update. Nakatulog aq kagabi di nakalimutan ko ipublish.
Anyways, kumusta naman kayu pipol??? How's ur quarantine life??? Nasasatisfy naman ba kayu so far??? Feel free to share your thoughts. Ayun lang aheheheh
BINABASA MO ANG
Him or Her
RomanceSi Mikee ay nasa posisyon na kailangan niyang pumuli sa dalawa. Siya ba na handa kang ipaglaban sa buong mundo para sa pagmamahalan niyong mali sa mata ng iba? O siya na tinanggap ka at minahal ka pa ren at mamahalin ka ng buong buo hanggang sa dul...