1

4 1 0
                                    

"Maraming salamat po sa pakikinig at sa pag punta ng show ko. Sa susunod po muli." Hays... another show is finished. Agad ako bumaba ng stage at pumunta sa back stage para makapag pahinga ng sandali.

"Good job on your show Mikee. Parami ng parami ang customers ko dahil sa talent mo." Salubong sakin ng Owner ng bar na pinag tatrabahuhan ko.

"Ay salamat po sir." Ang sagot ko sa kanya at kinamayan ko siya.

"So makakapag show ka pa ba bukas?" Tanong ni Sir Tim.

"Naku Sir baka po di muna dahil may pasok na po ako bukas. Kailangan ko na po makapag handa. Baka po week ends nalang po ulit ako makakapag perform ulit." Sagot ko kay Sir. He gave a pat on the shoulder at sumenyas siya thumbs up.

"Hanga ako sa kasipagan mo hijo. Ipag-patuloy mo lang yan at malayu ang mararating mo." Binigay niya ang TF ko at niyakap niya ako. Nagpasalamat ako sa kanya at saka siya umalis. Mabuti nalang at mabait na boss na napunta sa akin. Medyo maaga natapos yung gig ko kaya napaaga din ang uwi ko.

"Oh ang aga mo ngayon ahhh?" Tanong ng room mate ko. Siya si James. Tropa ko yan since First year highschool kami. Aside from tropa, kapatid ko rin siya. Not biologically. Kinupkop ako ng parents niya after ng accident na nangyari sa parents ko nung third year highschool ako. Sobrang thankful ako sa kanila kase tinuring nila akong pamilya. Moving on, apaka talinong tao neto. Law ba naman ang course. Habulin din ng babae yan. Ilang babae na nadala niyan sa boarding house namen. Pero siya naman ang laging iniiwan. Sad HAHAHAHA.

"Napaaga ang tapos tol. Maaga din kase closing namin. Utos ni Sir Tim" Sagot ko. "Ikaw? Wala pang pasok nag babasa ka na jan. Pahinga rin tol." Sipag diba.

"May pasok na kaya bukas. Tsaka kailangan ko panatiliin grades ko. Nasa Dean's list pa man din ako last Academic Year. Goal ko kahit Top 10 lang ng Dean's list." Sana all noh masipag mag aral. "Oo nga pala, pumunta dito sila mama kanina may dala silang pagkain. Pinag tabi kita ng pagkain. Anjan sa lamesa. Alam ko namang lagi kang gutom pag umuuwi ka." Awww sweet HAHAHAHAHA kaya lab ko tomg tropa ko ehhh. As a friend ahhh wag kayong jajer. Bi ako oo, pero never ako nagkagusto sa kanya. At mas lamang sakin pagiging lalaki ko so ayun. Speaking of my self pakilala muna ako sa inyo... ako si Mikee. Marc Agust Suarez. Ang layu sa nickname ko noh HAHAHAHAH. 22 years old MMA student. Nasa Dean's list din ako, di lang halata. Third year nako bukas. In terms of looks, masasabi ko namang pogi ako. NRSB. Working student as you all can see. At apaka talented kong nilalang. OA ung apaka... average lang. HAHAHAHA.

"Uyyy salamaat lab u tol no homo ;)" tumigil siya sa pag babasa niya at sinamahan niya ako kumain. Nag kwentuhan lang kami buong gabi. OA naman ung buong gabi... mga hanggang  1 am siguro yon tas pumunta na kami sa sarili naming kwarto tas natulog na kami. Big day tomorrow. Well I hope.

<><><><><><><><><><><><><>

A/N

Hallooo pipol op da galaxy. This is my first book so I hope that y'all can enjoy it.

Him or HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon