Chapter 02

22 8 1
                                    

KAIDENCE POV

Maaga kaming pumasok ni snow, dahil nga nag overnight ako sakanila sabay na kaming pumasok dahil din wala akong sasakyan. Pagtingin 'ko ng phone 'ko kanina sobrang daming missed calls galing kila mommy saka daddy. Kunwari p silang nag aalala, eh papagalitan lang naman nila 'ko.

Sabi 'ko kay snow na bumili muna kaming pagkain dahil nagugutom ako, bumili muna kami ng fries tapos tumambay sa SB. Si nayla? late nga palagi diba, mamaya pa 'yon. Nag order lang kami ng coffee and then two slices of cake. hindi naman ako mahilig 'don sabi niya take out nalang daw 'yung isa para kay nayla. Bumalik na kami sa school dahil malapit na mag start ang class, nag text na rin si yla na nasa campus na daw siya.

"Oh! buti nag care kami sayo so binilan ka naming cake." Ani ko.

"Aww! so sweet naman! thank youu!!!" na t-touch na sabi niya, napairap nalang ako at naunang maglakad papunta sa room namin. Umupo ako at nakinig ng music, this time chill song naman.

NOW PLAYING...
Thick and thin by lany
(favorite ko 'yaan hehe! pasingit lang ang maganda niyong author!)

Iniisip 'ko kung uuwi ako, paniguradong papagalitan lang naman ako sa bahay. it-text 'ko nalang si manong eds mamaya kung uuwi ako. Ayoko naman na pati siya madamay dahil sa tigas ng ulo 'ko. Pinasok 'ko na sa loob ng bag 'ko 'yung earphone 'ko, dahil dumating na 'yung professor namin. Muntik na nga kong makatulog kung hindi lang hinatak ni nayla 'yung laylayan ng buhok 'ko.

"Ano ba?!" Sigaw 'ko. Napatingin sakin ang mga kaklase 'ko ganon din si sir. letse talaga!

"Is there a problem ms. reed?"

napairap nalang ako "Wala". Pabalang na sagot 'ko, wala siyang pake, ang taas taas ng grade 'ko at palaging mataas ang score 'ko sa subject niya kaya wala siyang pake. Natapos ang subject niya kaya lumabas muna kami para kunin 'yung mga books namin for the next sub.

"Gaga ka talaga kai, buti nalang mabait 'yung prof natin kung hindi todas ka na naman!" panenermon ni nayla sakin. as if i care? suki na 'ko masyado sa guidance, halos mapuno na ng pangalan 'ko 'yung log book nila. Ngayon pa ba 'ko matatakot?

"Nagtaka ka pa ba yla? eh suki na yang kaibigan natin sa guidance e. U think matatakot siyang mapunta ulit 'don? i doubt it." Sabat ni snow.

"hello? nandito ako? katabi niyo? Baka nakakalimutan niyong ako 'yung pinaguusapan niyo? tss." Sinarado ko ang locker ko at pumunta muna saglit sa restroom. Nauna na silang bumalik dahil ayoko silang makasama kahit saglit. Ang iingay nila. Nag ayos lang muna 'ko ng mukha at lumabas na para bumalik sa room.

Dere-deretso akong pumasok sa room kahit na nag tuturo na 'yung bakla naming prof. "Ms. Reed? hindi ba uso sayong bumati?"

Tinignan 'ko siya. "Birthday mo ba? Sarcastic na tanong ko. At umupo na. Napa buntong hininga na lamang siya at Nag turo na ulit. Pag binati 'ko ba siya gaganda siya? tss. Hindi ako nakinig sa discuss niya dahil nag advance reading naman ako kagabi.

Uwian na namin kaya sinabihan 'ko na si kuya eds na sunduin ako. "snow? uuwi ako ngayon. Thank you pala sa pagpapahiram ng uniform, i'll give it back to you pag nalaban na, tell tita syl thank you."

"U sure? osige. Wala 'yon, you're always welcome to our house okay? If u need anything just call us. iloveyou girl, bye!"

Nagmamadali si snow, kase may family dinner daw sila ngayon. Umalis na rin si nayla at nagpaalam sakin, maya maya dumating na rin si manong.

"Ma'am galit na galit po si Sir kagabi. Pinagalitan nga po 'ko, bakit daw po hindi kita sinundo" Ani ni manong.

"Ayoko rin umuwi, pag umuwi ako puro sermon lang aabutan 'ko. Kaya mas mabuting wala nalang ako sa bahay." Sagot 'ko sakanya.

Watch Me Unwind Where stories live. Discover now