Chapter 10: Boracay part 2

5 1 0
                                    

KAIDENCE POV

Bumalik na kami sa hotel dahil hindi pa kami kumakain simula ng makarating kami dito sa boracay. I must say na sobrang ganda talaga ng islang 'to. Kaya ito palaging dinarayo ng maraming turista ay dahil sa angkin nitong kagandahan. Pinong pino ang mga buhangin nito, malinis at malinaw ang tubig.

Nang makarating kami sa hotel, pumunta na kami sa kanya kanyang kwarto. Magkakasama kami nila nayla at snow sa iisang kwarto. Ako ang naunang maligo dahil ako ang oorder ng food namin sa baba. Pagkatapos maligo ay nag ayos na ako at nagsuot lang ng dress na hanggang tuhod ang haba na medjo hapit sa aking katawan. Nagpaalam ako kila nayla na bababa ako para umorder na ng pagkain.

Magkakatapat lang ang aming mga kwarto kaya hindi malabong magkasabay o magkita kami. Lumabas ako ng room namin dala ang room key. Pinindot ko ang pababa sa elevator ngunit may pumigil sa mga pinto nito kaya hindi agad naisara.

"Oops! Pasabay ako kai ha? hehehe"

Tinignan ko lamang si sherwin atsaka pinindot ang button upang isara ang pinto.

"Saan ang punta mo?" Maya maya'y tanong niya.

"Sa baba."

"Oo nga hehehe... i mean anong gagawin mo ron?"

"Hindi naman ganyan yung tanong mo kanina, pero oorder ako ng pagkain natin."

"Libre mo?!" Gulat na ani niya.

"Oo, ayaw mo ba?"

"h-hA? hindi ah! Gusto ko! hehehe"

Hindi na siya nakapag salita pa dahil bumukas na ang elevator. Nauna akong maglalad papalabas atsaka pumunta sa restaurant. Nagpaalam sakin si sherwin na may bibilin lang daw siya sa labas ng hotel. Sinabi ko namang bilisan niya dahil kakain na kami. Umupo ako sa isang lamesa para hintayin ang mga pagkaing in-order ko para samin. Tinext ko na rin sila snow para bumaba na dito.

"Hey miss, are you alone?" Tanong ng isang lalake. Nababatid kong hindi siya pinoy. Halata naman.

"No, i have my friends. They're on the way here."

"I'm sorry, enjoy your food."

Nginitian ko siya at inintay na maka alis sa harapan ko.

Puro lalake naman! bwiset

Maya maya lang ay bumaba na sila nayla at saka umupo sa tabi ko.

"Oh, akala ko naman nandito na yung pagkain. Kung madaliin mo kami ni snow parang kanina pa nandito yung inorder mo! Etchusera ka!" Pag susungit ni nayla. Halata kasing hindi pa siya nakakapag ayos ng mukha niya dahil naka liptint lang siya at kilay.

"Tanga! Basahin mo yung text ko ulit!"

Binasa niya ito atsaka bumalik ang mata sakin.

"Oh? Diba tanga ka? Ang sabi ko sayo paparating na yung mga pagkaing inorder ko. Bilisan ninyo."

"Oo nga!"

"Boba! Paparating pa lang! Hindi ko sinabing nandito na! Ikaw jan yung etchusera loka loka ka palagi!"

"Duh! Ganon pa rin yon tse!" Inirapan ko lang siya. Di titigil hanggat di nananalo. Bolang kahit kelan.

Sumunod na bumaba si kobe na nakabihis lang ng simpleng beach short at white t-shirt. Na hapit rin sa mga braso niya dahilan para maging visible ang mga muscle niya. Tss.

Umupo siya sa harap ko. "Good evening girls, good evening sungit!" Bati niya samin.

"Tch. Walang good sa evening simula nung makita kita" Pagsusungit ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Watch Me Unwind Where stories live. Discover now