Chapter 05

6 4 0
                                    

KAIDENCE POV

Pagkagising 'ko agad akong tumayo at uminom ng tubig saka ginawa ang routine ko tuwing umaga. Nag suot na ko ng pang exercise na damit saka nagtali ng buhok at naglagay ng kaunting tint sa labi. Pagbaba 'ko naabutan ko si manang na nagluluto ng agahan. Sinabihan ko na rin siya na mamayang hapon ang alis namin. Lumabas na ko ng bahay at sinimulang tumakbo.

Gaya ng dati kong ginagawa tatakbo ako hanggang sa dulo ng subdi at saka tatakbo pabalik. Pag tapos kong tumakbo ay pumunta ako sa backyard kung nasaan ang pool namin. doon ako nag e-exercise para mas lalo akong pagpawisan. Kadalasan waist, abs, and butt ang tinatarget 'ko. Nang matapos ako sa mga ginagawa 'ko, nagpahinga muna ko saglit at nagpalit ng swimsuit.

Lumangoy langoy lang ako hanggang sa mapagod at umahon sa tubig. Bumalik ako sa aking kwarto para maligo. Nagpatugtog ako sa banyo habang naliligo nang nahinto ito at may nag ring. inis kong pinunasan ang mga kamay ko para abutin ang cellphone at sagutin iyon.

"Hello?!" Sagot 'ko habang nag e-echo ang aking boses.

"I guess wrong timing na naman ako. Seems like you're taking a bath."

Nangunot ang noo 'ko para bang naguguluhan kung sino ang tumawag sakin. Nang maalala ko ang boses niya.

"Sherwin?!"

He chuckled "Yeah? hahaha.. sorry for disturbing you. i didn't know you're taking a ba——"

Hindi 'ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad agad itong pinatay. Ni-play 'ko ulit 'yung music at hinagis ang phone 'ko sa mga damit 'ko. Tinuloy ko ang pagligo at nang matapos ay lumabas na para mag bihis. I decided to wear dress.

Bumababa ako at naupo sa dining table. Niyaya ko na rin sila manang kumain para naman may kasabay ako. Sinabihan 'ko na si manang na mag ready at pagbalik 'ko ay aalis na kami. May pupuntahan lang ako saglit.

Nag drive ako papunta kila snow para kunin ang mga natitirang damit 'ko. Pagkarating ko sa. bahay nila ay pinapasok agad ako ng kasambahay nila. Bumeso muna 'ko kila tita bago umakyat para puntahan si snow.

I knocked before going in.

"hey girl" I smiled at her.

She hugged me first before talking. "Hindi mo sinabing pupunta ka. edi sana nakapag ayos ako"

"May kukunin lang naman ako, yung mga naiwan kong damit, para makabawas kalat man lang."

"Nako, ipinaayos 'ko kay yaya kagabi. wag mo na intindihin 'yon nakatabi naman para pag matutulog ka dito may susuotin ka."

"ganon ba? Anyways, pupunta kami ni manang sa mall, u wanna come?"

"No thanks kai, may gagawin kami ni mommy e. Alam mo naman 'yon kailangan kasali ako sa mga lakad at gagawin niya."

I smiled. "No problem, alis na 'ko ha? Baka nag iintay na sakin si manang. take care, iloveyou!" I kissed her cheeks and left the room. Nagpaalam na rin ako kila tita at humalik ulit sa pisnge.

Nag drive na 'ko pabalik, at sinundo si manang. Sakto naman ang dating 'ko dahil kakatapos niya lang mag ayos. Tinawag 'ko na siya at pinasakay sa kotse.

"Manang after mong magpacheck ng mata bili tayong bagong damit mo ha? bibili rin ako" Ani ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin.

"Nako iha, wag na. Marami pa naman akong damit doon. Baka hindi na magkasiya sa aking kabinet ang mga damit na bibilhin mo saakin." Nakangiti niyang pagtanggi.

"Edi shoes nalang manang? what do you think?"

"Maayos pa naman ang mga sapatos ko kaydeyns iha."

Watch Me Unwind Where stories live. Discover now