Chapter 09: Boracay part 1

2 1 0
                                    

KAIDANCE POV

S A T U R D A Y

I woke up. And stared at the window for a while. Tamad na tamad ako ngayon. Naligo ako, at nagbihis lang ng oversized shirt. Hindi ako lumabas para kumain. Kumatok si manang pero hindi ko siya pinansin. Nakahiga lang ako. Nanood lang ng tv sa loob ng kwarto. Nagpatugtog. Hindi ako lumabas buong maghapon. May mga nag t-text pero hindi ko nirereplayan.

Nakatulala lang ako buong magdamag. Nagbasa ng mga books. Para malibang. Hindi man lang ako makaramdam ng gutom.

Someone called me.

RINGING..
Gwapong kobe calling..

I answered it.

"Hello?" Sabi niya.

"Hey." Tamad kong sagot.

"Silip ka sa beranda mo."

"Bakit? Tinatamad akong tumayo."

"Just do it."

Tumayo ako at binuksan ang pinto papuntang beranda at sumilip doon. Nagulat akong napatingin kay kobe na kampateng naka sandal sa motor niya.

"What are you doing here?"

"May ibibigay ako sayo."

"Sa monday na."

"Gusto ko ngayon. Bumaba kana dito. Nangangalay na ko kakatayo."

"Wala naman kasi akong sinabing pumunta ka!"

Binaba ko ang tawag niya at nag ayos para bumaba. Hindi nga ko lalabas pero ng dahil sa bwiset na yon lumabas ako ng kwarto! Asar!

Binuksan ko ang gate at lumabas.

"Hoy! Anong oras na bakit ka pa pumunta dito?"

"To gave you this." Kinuha niya sa motor niya ang medjo di kalakihang teddy bear na color pink.

"W-wow! Thank you." Nakangiti kong sagot habang pinipisil pisil yung bigay niyang teddy bear.

"Anong ipapangalan mo sakanya?"

"Kailangan ba may ganon pa?"

"Oo syempre."

"Osige, I'll name her KK. hahahahaha!"

Natawa ako sa sarili kong naisip na pangalan. Napatingin ako kobe na nakatitig lang sakin animong namangha sa pagtawa ko.

"Hoy! Kumurap ka. hahaha!"

"A-ahh h-hehe.. Bakit kk?"

"Uhm short for kobe & kai. Syempre bigay mo 'to tapos akin na. So kk nalang."

"May korni side ka pala kai? hahahahaha!"

"Duh!"

Habang nag uusap kami, may nagsalita sa likod ko.

"Bakit hindi mo papasukin ang bisita mo kaidence?"

"Dad? Paalis na rin naman siya. Saka gabi na. Diba kobe?"

"Ah yes po hehe."

"Sandali lang naman. Para makilala ka namin. Kaidence papasukin mo siya sa bahay natin."

"Tss. Tara na nga!"

Sumunod kami kay daddy at pumasok sa loob ng bahay. Agad namang sinabi ni daddy na may bisita ako.

Watch Me Unwind Where stories live. Discover now