KAIDENCE POV
Maaga ako pumasok dahil may ipapasa akong report kay ma'am. Pagkabigay ko non, dumeretso ako sa mall para kumain. Hindi ako nakapag breakfast sa bahay dahil balak ko kumain sa labas. Tinext ko na rin sila nayla para sabihing pumunta na dito. Nagtaka pa sila kung bakit ang aga ko daw. Palagi lang talaga siyang late.
Umorder ako para saming tatlo, habang nag iintay sa pagkain at sa kanila nag d-dutdot muna ko sa cellphone ng may umupo sa harap ko. Napatingin ako dito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko! Siya yung nagligtas sakin sa parking lot!
Ano nga bang pangalan niya? Koby? cobie? gabi? Nakalimutan ko! Takang tingin naman ang binigay ko sakanya.
"Hindi mo ko natatandaan?" tanong niya.
Umakto naman akong nag iisip kunwari. Atsaka tinaasan siya ng kilay. "Hindi."
Ngumisi naman siya. "Really huh? I guess i have to introduce myself again?"
Hindi ko siya pinansin at kumuha ng earphone at isinalpak ito sa tenga. Hinablot niya ito kaya asar akong napatingin sakanya. "What?! i don't know you nga! Umalis kana dito."
"Magpapakilala nga ko."
I'm not interested! Sa isip isip 'ko pero hindi 'ko nalang ito sinabi. Hinayaan ko siyang magpakilala pero hindi niya rin natuloy ng dumating sila nayla.
Now i'm dead! Mang aasar na naman yan!
"Woah! Kaya mo ba kami pinagmamadali kai kase may kasama kang cute guy? hahahaha!" Si nayla.
"Shut up yla! Bakit antagal niyo? Nagugutom na ko. Atsaka bakit nandyan ka pa? may mga kasama ako upuan nila yan." Tinutukoy ko si mr. Parking lot.
"Hey kai, don't be rude! Gusto mo bang sumabay? okay lang naman samin hihi!"
Napairap naman ako.
"Pwede ba? Wala kasi akong kasabay e. Buti pa kayo hindi masungit. Ayan kasi kanina pa ko sinusungitan. Pagtapos ko siyang iligtas sa Parking lot." Ani niya habang nagpapa awa effect pa. Eww!
"Wait! Don't tell me ikaw yung kini-kwento ni kai na nagligtas sakanya sa Parking lot?!" OA na tanong ni yla. Napatingin naman siya sakin na nagugulat pa rin. Pinandilatan ko lang siya ng mata.
"I guess?" Naka ngisi niyang sagot. Sabay tingin sakin. "Kinweto mo pala ko sa mga bestfriend mo tapos hindi mo ko natatandaan? ouch ha!" Pang aasar niya na may pahawak hawak pa sa dibdib akala mo nasasaktan.
Inirapan ko siya. "As if naman gusto kong isali ka. Napasama ka lang talaga. And syempre hindi pa rin ako maka get over that's why i tell her." Pagpapaliwanag ko pa.
Ngumisi ulit siya. "Ang astig ko ba? hahaha!" Nang aasar na sabi niya. Napatingin naman kami sa dalawang nasa harap namin. Nagtataka silang tumingin pero andon yung nanunuksong ngiti. Tss.
"Wag kayong mag imagine."
"What? Hindi naman kaya." Tanggi ni snow.
"Oo nga hindi naman. hahaha! So cute guy, what's your name? Pasensya ka na sa bestfriend namin. Dalagang pilipina kase yan ayaw sa mga lalake! psh!"
Tinignan ko lang siya ng masama.
"Ah yeah! I forgot to introduce myself. Nagpakilala ako kay kaidence kanina pero hindi naman ako pinapansin hahaha! I'm kobe garcia, kobe nalang." Naka ngiti niyang sabi. Tumingin siya sakin bago binalik ang tingin sa mga kaibigan ko.
"Magdadaldalan nalang ba tayo dito? Nagugutom na ko. May klase pa tayo, hello?" Asar kong sabi.
"Eh bat hindi ka pa kumakain? Gutom kana pala hindi ka pa kumain. hahahaha!" Si nayla.
YOU ARE READING
Watch Me Unwind
Romancethe girl is a rebeld spoiled brat. She always wants to do what she wants even though her parents doesnt like it. for her all boys are just the same. Will just use you, and cheat on you. Not until a man came like an asteroid straight to her soul. wh...