A/N: Devon >>>>>>
Devon's POV
Mabilis na lumipas ang araw. Ganun pa din kami ni Nate. Si Serena at Vienne official ng mag- sila. After review nakaabang na sa kanya si Vienne kaya di na kami masyado nagkakasama. Minsan sinasama nila ko pero tumatanggi ako. Eepal pa ba ako eh moment na nila yun. Pero naiintindihan ko naman. Walang lugar sa puso ko ang tampo dahil masaya ko para sa kanila.. Isa pa nagkaroon naman ako ng new friends sa review..
"Dev.. Huy Dev!!" Tawag sa akin ni Ram. New found friend ko hehe. Parang kapatid ko na din at napakakulit natutuwa ako sa pagiging childish.
"Oh Ram! Bakit? Para kang hinahabol ng kabayo haha!" Cute din tong si Ram eh. Nakakaaliw parang bata.
"Kasi di ba hihiram ako ng lecture sayo ngayon.." Parang nahihiya pang sabi nito.
"Sus! Yun lang ba? Oh eto oh." Habang kinukuha yun notes ko sa bag ko.
"Thanks Dev! Tara treat kita para thank you ko sa pagpapahiram mo nito sakin." Nakangiti nyang sabi.
"Naku no need. Wag mo na ko suhulan bahaha okay lang talaga!" :)
"Sige na! Kahit coffee lang! Ayan lang naman yun coffee shop oh." turo nito sa shop na nasa kabilang street lang. "Please? Please? Pleaseeeee??" Sabay puppy eyes.
BINABASA MO ANG
My Vengeful Husband (COMPLETED)
RomanceSabi nila kapag nagmahal ka habang may minamahal ka pa, piliin mo yun pangalawa, kasi d ka naman magmamahal ulit kung talagang mahal mo yung una.. Pero paano kung yung maling tao pala ang napili mo? Tsaka mo marerealize na yung isa pala talaga ang m...