Chapter 47: New me

18.6K 153 3
                                    

A/N: Devon>>>>>>

Devon's POV

It's been a month.. Pero bakit ang sakit sakit pa din.. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.. Sa isang iglap nawalan ako ng anak.. Dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Nathan kung anu anong paghihirap ang dinanas ko.. Yung sakit na nararamdaman ko hindi humuhupa.. Posible pala yun.. Na araw araw kang nasasaktan.

Tiningnan ko ang walang lamang bote ng vodka sa tabi ko. Hindi na talaga ko nalalasing. Kung kailan naman gusto ko makalimot at makatakas sa sitwasyong kinasusuungan ko, tsaka naman ako ayaw pagbigyan ng pagkakataon..

Bumili ako ng condo. Gusto ko magsolo. Kapag nasa bahay ako, at nakikita kong nag- aalala sakin ang mga magulang ko, mas lalo ko kinakaawaan ang sarili ko. Si Nathan.. Hindi ko sya kayang makita.. Kahit anong pilit nya hindi ko na sya kinausap pa ulit.

Para saan pa?.. Dahil sa kanila, wala na ang baby ko. Mawawala na din naman sya.. Hindi pa nagtira. Wala man lang iniwan sakin. Magsama sila ni Naomi. Hindi ko kailangan ng awa nya. Ang huli kong balita kay Mommy Ely, lumabas na ang katotohanan. Hindi buntis si Naomi. Niloko nya si Nathan. Hindi ko na problema yun.

Galit, panghihinayang, sakit, lungkot.. Di ko na alam kung ano pang pwede ko maramdaman. Sa totoo lang namamanhid na ko. Parang buhay ako pero patay na din.. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling naging masaya.

Rriiiiinnnnggggg....

Nathan calling...

Aish. Napakakulit. Nakakailang palit na ko ng number. Pano ba nya nalalaman? Kinuha ko ang cellphone ko at binalibag sa dingding.

My Vengeful Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon