Devon's LAST POV
"Mommy!.." Nakangiting pinagmamasdan ko ang maliit na batang tumatakbo palapit sakin. Minsan di pa din ako makapaniwala na sakin sya nanggaling. We named her Aysha Nikolai. Para sunod sa initials namin ni Nathan. She got her looks mostly from him, habang tinititigan lalo sya nagiging kamukha ni Nathan.
"Oh baby watch your steps!.." Kausap ko sa anak ko. Sobrang likot na kasi nito lalo na nun natuto maglakad. She just turned two and a half last week and I can't believe how big she had already grown. Ngayon pa lang ay napakatatas na nito.
"Sam pushed me Mommy!.." Nakangusong sabi nito. Ang sinusumbong na kalaro ay ang anak ni Serena at Vienne.
"Samantha Nicole! Is that true?.." Mag- uumpisa ng manermon ang boses ni Serena. Magkakasama kasi kami ngayon dito sa bahay nila. We see to it na every weekend nagkikita kita kami. Bonding namin at ng mga anak namin.
"I did not!.." Mariing tanggi naman ni Sam. Magkasing edad sila dahil halos sabay naman kami nagbuntis ni Serena.
"Yes you did." Nakairap na sabi ng anak ko.
"Baby don't do that. You and Sam are best friends right?.." Saway ko.
"Hmm. Who's telling the truth kaya?.. Sayang naman ang ice cream cupcakes na prinepare natin besz! Di pwede kumain nun yun mga batang nagsisinungaling.." Nananantyang sabi ni Serena.
Nangingiti na nakita kong sabay namilog ang mga mata ng dalawa. "Okay, I pushed her but she pushed me first Mama. She wants my place at the swing!.." Mahabang kwento ni Sam kay Serena.
BINABASA MO ANG
My Vengeful Husband (COMPLETED)
RomanceSabi nila kapag nagmahal ka habang may minamahal ka pa, piliin mo yun pangalawa, kasi d ka naman magmamahal ulit kung talagang mahal mo yung una.. Pero paano kung yung maling tao pala ang napili mo? Tsaka mo marerealize na yung isa pala talaga ang m...