BRYLLE'S P.O.V
3 years later............
It's been 3 years since I last saw her. Tatlong taon na din simula ng iniwan ko siya sa dahilang gusto ko ring ranasin niya ang pinaranas niya sakin nung iniwan niya ako. Isang pagkakamali niya kung bakit bumalik pa siya sakin. And now I'm ready para masaksihan kung anong paghihirap ang dinanas niya sa pagkawala ko. Sadistic I know, but she will never learn her lesson until she will go through with it.
Papunta ako ngayon sa All Night Club straight from the airport kasi tumawag sakin si Keith kanina na doon na ako dumeretso kapag dumating na ako sa Pinas at humingi siya ng paumanhin dahil hindi niya ako nagawang sunduin dahil my importanteng ginawa siya kanina. Sabi ko it's okay lang dahil kaya ko naman yung sarili kong pumunta doon mag-isa basta may address na ibibigay, may taxi naman. Nagtanong pa ako kong bago ba 'yung All Night Club kasi hindi ko alam anong club 'yan at bago sa pandinig ko 'yung pangalan ng club at sinabi niya na hindi naman mga tatlong buwan din tinayo simula nang pag-alis ko.
Pagtingin ko sa aking relo at napansin kong mag 8 pm na pala. Kaninang 7 pm ako dumating galing California.
"Manong malayo pa ba tayo?" tanong ko sa driver ng taxi habang nag cecellphone. Medyo masakit ang ulo ko dahil siguro ito sa jetlag.
"Malapit na iho, sa katunayan pagdating natin sa kabilang kanto nandiyan na tayo," sagot ni manong driver na tiningnan ako mula sa rear mirror, nasa likod kasi ako nakaupo.
"Mabuti naman manong kasi kanina pa kumakalam 'yung tiyan ko dahil sa gutom," aniya ko.
Hindi na sumagot si manong imbes binilisan niya ng konti 'yung pagmamaneho niya. Naawa siguro sa akin si manong. Tinext ko si Keith na nandito na ako. At mga ilang segundo lang ay huminto na si manong sa pagdridrive.
Pagtingin ko sa labas nandito na pala kami sa kanto na sinabi ni manong.
"Maraming salamat manong heto po ang bayad sayo na po yung kukli kong meron man," sabi ko sa kanya at binigay ko yung isang libo nang hindi tumitingin kung magkano ang babayarin ko. Siguro naman sobra 'yon kasi hindi umangal si manong driver.
Nang makalabas na ako sa taxi bumumgad sakin ang isang club na nasa gitna ng isang restaurant at convenience store.Kumunot ang kilay ko habang nakatingin sa club, wala bang makitang ibang lugar kung sinong may-ari ng bar nato?
"Brylle?" Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Pagtingin ko nakita ko si Keith na nakasandal sa may poste ng street light.
"Oy Keith ikaw na pala yan!"
Lalong pumugi si Keith ngayon, mas bumagay sa kanya yung kulay itim na buhok. Half American kasi si Keith at nasanay akong blonde 'yung buhok niya.
Tumayo siya ng maayos at inakbayan ako.
"Tara sa loob," aya niya. Tumango nalang ako dahil naramdaman ko ulit 'yung hilo.
"So how's Cali?" tanong niya. Napatawa naman ako sa tanong niya.
"Seriously Keith mabuti pa 'yung Cali kinamusta mo pero 'yung kaibigan mo na may jetlag hindi. Iba ka rin eh no." Ginulo niya ang buhok ko dahil sa sinabi ko.
"Para kang babae na nag-iinarte bud, hindi uso sakin 'yan,"
"Ang sabihin mo cellphone number ng chicks ang gusto mong malaman." Sabi ko sa kanya. Ang dakilang babaero sa grupo.
"You really know me man. Hahahahahha." Tawa niya na parang nanalo ng lotto. Napailing nalang ako dahil sa kanya.
Napakalakas na musiko ang bumungad samin pagpasok naming sa bar. Pero ang napansin ko lang ay hindi ako hinarang ng bouncer ng club kilala siguro ni Keith 'yung may-ari ng club nato kaya hindi ako hinarang.
Cool.
"What the------" Singhal ko sa isang babae na nakabangga sakin na dahilan ng pagkatapon ng dala niyang inomin sa damit ko. Tinignan ko siya ng mabuti at napansin kong kulay violet yung buhok niya.
Weird...
"I-I'm sorry!"paghingi ng paumanhin ng babaeng nakabangga sakin. Pasalamat siya at masakit ang ulo ko kung hindi baka ipasisanti ko siya sa boos niya.
I hate careless employer. What a clumsy waitress, mas mahal pa yung polong suot ko kesa sasweldo niya sa isang buwan. Okay I exaggerated, pero Penshoppe 'to eh at paborito kong polo 'to at ngayon may mantsa na. Urggggggghhhhh....
"Psh!" 'yan lang nasabi ko kasi hinila na ako ni Keith.
"Easy there lion," asar ni Keith at hinila ako palayo sa waitress.
"She ruined my polo Keith," irita kong sagot. Ang loko nakangiti parin.
"I know pero maawa ka naman sa waitress Brylle nanginginig na yung babae kung nakita mo lang. Kapag may sinabi ka pa baka maihi na 'yon sa sobrang takot," paliwanag niya na nakangiti habang umiiling.
I don't care. Dapat maingat siya sa mga ginagawa niya kapag gusto niyang magtagal sa isang trabaho. Kung ako lang ang boss niya pinaalis ko na 'yon agad.
I sighed.
Tumigil kami sa isang malaking VIP room ng club, mabuti naman. Ayaw ko kasi mag table sa mismong main area ng club maingay na marami pang mga babaeng gumagambala, pwera nalang pag nasa mood at wala ako sa mood ngayon makipaglandian.
Pagpasok ko ay kasabay ng pagsigaw ng mga taong nasa loob ng VIP room.
"Welcome back!" sabay-sabay nilang sigaw na may confetti pa na pumutok.
"Thank you!" sigaw ko.
-
Nagkamustahan kami at nagpakilala na rin 'yong iba since hindi ko pa sila kilala. Good thing kompleto 'yung barkada, nandito si Jax, Bjone, Keith at Alex.
Maya-maya lang ay may pumasok na waitress sa loob.
Kumunot ang kilay ko ng pamansin kong siya ang waitress na nakabangga sakin kanina, nakilala ko siya dahil sa buhok niyang kulay violet. Nilagay niya ang mga inorder na drinks at foods sa table na nakayuko.
Rude.
Hindi ba siya tumitingin sa mga costumer na pumupunta rito? Kung kanina clumsy siya, ngayon naman rude. Bakit ba nila 'to pinapatrabaho kung hindi naman ginagawa ng maayos 'yung trabaho at walang courtesy?
Pwede naman siguro siyang turuan eh no?
Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa kanya.
-
Gumising ako kinaumagahan na masakit 'yung ulo ko, mas masakit pa kahapon. Kinapa ko 'yung table katabi ng kama at may napansin akong baso. Pagtingin ko isang basong tubig ito at katabi ang isang gamot Pagkuha ko ng baso may napansin akong note na nakalagay kung saan nkapatong kanina 'yung baso.
"Man you are wasted. Drink the medicine it will help you with your hangover. I'll be back later. Keith" Yan ang nakasulat sa note, binalik ko 'yung note at ininom 'yung gamot na hinanda ni Keoth.
Napahilot ako sa aking sintudo dahil sa sakit ng ulo ko. Hindi ko na nga maalala kung paano ako napunta sa apartment ko. Hindi naman gaano karami 'yung ininom ko kagabi, siguro dahil 'yun sa jetlag.
Oh before I forgot, pinatira ko si Keith sa apartment ko 'nung umalis ako sa walang dahilan ang inisip ko lang sa mga panahon na 'yun ay mapanatiling malinis 'yung apartment and I'm tired para maghanap ng caretaker. Atsaka hindi ako masyadong nagtitiwala sa mga taong hindi ko kilala.
I think I'm gonna sleep all day...........
ZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzz..........................
-
Gabi na ng magising ako dahil ginising ako ni Keith pero natulog ulit ako pagkatapos kong kumain ng hinanda ni Keith pagdating niya galing sa lakad niya. I want to sleep more para bukas, at 'yong jetlag ko hindi pa nawala.

YOU ARE READING
HIS REGRETS
General FictionBecause of revenge Brylle lost his love. Nasa huli ang pagsisisi ika nga nila. Pero ititigil ba niya ang hinahangad niyang makasama ulit ang mahal niya dahil sa pagsisisi?