CHAPTER 2

9 0 0
                                    


BRYLLE'S P.O.V


Nagising naman ako dahil tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko alarm ko pala.

It's 6:00 am.

I groaned...

Today is Monday and papasok na ako sa school. Yeah, nasa 12th grade na ako ngayon sa strand na HUMMS, inasikaso na ni Keith ang papers ko sa bago kong school na papasukan bago palang ako nakauwi dito. Ang importante classmate kami, same strand rin kasi ang kinuha ni Keith kasi 'yon ang gusto ng papa niya. Sa akin naman ay gusto rin ng parents ko kasi ako ang magmamana ng business naming soon kapag magreretire na si Dad. Gusto niya mahasa ang pakikipag-usap ko sa iba.

Narinig kong may kumatok s pinto ng kwarto.

"Pasok!" sigaw ko sa kung sinuman 'yon.

Maya-maya lamang ay iniluwal si Keith sa pintuan na nakabihis na ng uniporme.

"Bakit hindi ka pa bihis Brylle?" tanong niya na nakakunoot ang noon a nakatingin sakin nang mapansin niyang kakagising ko lang. Tumayo lang siya kung saan ang pinto habang naka corssed arms.

"Magligo ka na't magbihis at pagkatapos mo bumababa ka na para mag-agahan. Bilisan mo!" 'yan lang ang sinabi niya at umalis.

'Bossy..'

Sinunod ko ang sinabi ni Keith kaya wala pang 20 minutes nakababa na ako na nakabihis na ng uniporme. Nakita ko lang to sa closet kaya sinuot ko dahil alam ko naman na kapag si Keith ang bahala lahat kompleto na. 'Yan ang gusto ko sa kanya hindi na kailangaang isa-isahin ang mga detalye.

Pagkatapos naming kumain pumunta agad kami sa parking lot ng apartment para kunin 'yong kotseng gagamitin. I wonder kung may kotse pa ako ditto tatlong taon nadin ang lumipas.

Pero namangha ako ng makarating kami sa parking lot ng apartment ay nandoon parin ang dalawa kong sasakyan na binigay sakin ni Dad. Ang una kong sasakyan na natanggap ko galing kay Dad 'nung nag 18 ako ay isang kulay gray na Toyota Fortuner. At 'yung isa naman ay Bumble Bee na maroon. Oh my babies!

"Wow, I did not expect this," sabi ko na hindi inaasahan na makikita ko pa 'tong mga 'to dito ang akala ko kasi baka kinuha na ni Dad since umalis ako or binangga nan i Keith. Haha

"Why? Akala mo talaga wala na?" tanong niya saka sumandal sa Bumble bee ko.

"Keith 3 years din 'yon." Paliwanag ko. Tumaas ang kilay niya.

"So?"

"Nothing, Let's go!" aya ko.

"Which one?" tanong niya sakin na may itinaas na dalawang susi ng kotse sa kamay niya.

Wow, He has the keys!

"Hindi na kailangan tinatanong 'yan!"

At sumakay kami sa Bumble bee ko papuntang school. Si Keith na muna ang pinamaneho ko kasi may inaasikaso ako sa phone. At wala akong ideya kong saan kami pupunta.

Teka........

"Keith saang school ka nga pala nag-aaral ngayon?"

"Mchugh University," walang alinlangang sagot niya. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya.

"You're joking," sabi ko pa na sinabayan ng pagtawa.

"I'm serious," tinignan ko siya ng maigi at nakita kong seryoso talaga siya sa sinasabi niya.

"You didn't!"

"Why? Kapag 'don ako hindi ko na kailangan magbayad kasi sagot na lahat ng parents mo. Choosy pa ba ako?" at talagang nang-aasar pa.

"Kuripot ang loko, ang yaman-yaman nagpapalibre,"

Tumawa lang siya sa sinabi ko at sumagot na 'libre na 'yan aayawan pa'. Kaya pala ang dali lang ng pagprocess ng papers eh.

-

Ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok ang sasakyan sa isang malaking gate na familiar sakin. Habang papasok 'yong kotse isa lang ang napansin ko, wala paring pinagbago ang campus pwera nalang sa kulay at sa water fountain sa gitna ng school garden. May madadaanan ka kasing garden kapag papunta ka ng parking lot ng school. Malinis parin ito gaya ng dati, pero 'yung kulay combination na ng maroon at peach. Pinaghalong paboritong kulay naming ni Mommy, dati kasi blue at white 'yung kulay. Mabuti naman at naisipang baguhin ni Dad.

"This feels so familiar to me," sabi ko sa kanya at pagkatapos ay nagbaliktanaw sa mga magaganda at masamang alala 'nung ako'y nandito pa.

"Welcome home Brylle."

"Yeah."

-

Mag 7:30 am na rin nang makarating kami sa classroom kaya marami-rami na ang mga students na nandito. Pagkakita nilang may kasama si Keith nagsimula silang magbulungan. Nilibot ko ang aking mata sa loob ng classroom at niisa walang familiar sakin.

Wala paring guro kaya magulo parin ang classroom at patuloy parin silang nagbulong bulungan dahil sa presensya ko. Siguro nagtataka sila na may transferee in the middle of the semester and I can't blame them for that. Iba pala ang strand nakinuha nina Jax, Bjone, at Alex kaya hindi kami classmate. Paano ko nalaman? Wala naman silang interest sa business eh at hindi sila pinipilit ng mga magulang nila na mag-aral sa kursong hindi nila gusto. Pero angsabi ni Keith dito parin naman sila nag-aaral dahil ayaw nilang maghiwalay.

-

Hindi nagtagal ay may dumating na guro. Nakangiti siyang pumasok sa classroom. Nasa aura niya na friendly ang guro na ito. Mabuti naman para enjoyable ang klase at hindi lahat seryoso. Pero kahit nakangiti na siyang pumasok ay tumigil at tumahimik ang mga mag-aaral na nandito pagkakita nilang may pumasok na guro.

Pinagmamasdan ko lang 'yung guro na naglakad papasok ng klase mula dito sa inupuan ko. Nakaupo pala ako sa kanang bahagi ng classroom, sa ikaapat na row kung saan makikita mo sa baba ang malaking field na pinalibutan ng iba't ibang bulaklak at may iilang mga bench sa ilalim ng hindi gaanong matayog na mga puno. Pinili ko ang pwesto aside sa walang nakaupo ay mas maganda dito dahil may magandang tanawin. Katabi kong nakaupo si Keith pero sa may kaliwa ko siya dahil wala akong katabi sa kanan dahil nakaupo ako sa last column bago ang bintana.

Napatingin ako kay Keith nang biglaniya akong siniko sa tagiliran.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" mahina kong tanong.

"Pay attention kung ayaw mong maging tigre ang maamong mukha ng guro natin," bulong niya.

Napa 'ahh' nalang ako at piniling tumahimik na lamang.

"So I heard na may transferee tayo?" panimula ng guro.

HIS REGRETSWhere stories live. Discover now