BRYLLE'S P.O.V
Her eyes held only one emotion when she saw me with another girl.
Pain.
She was in pain.
Di ba dapat masaya ako na nasasaktan siya? Intention ko naman ang saktan siya pero ang puso ko parang pinipiga nang makita ko ang mga mata niyang tumitig sakin na parang ipinapahiwatig na 'nasasaktan ako'.
Magsasalita pa sana ako pero mabilis pa sa alas kwatro ang pagtakbo niya palabas ng storage room.
Hahalik na sana ang babaeng kasama ko pero hinahawakan ko ang mga braso niya.
"Don't dare to do that," I said in stern voice.
"What? Ikaw nga tong humila sakin kani-kanila lang tapos ikaw an aayaw? You're unbelievable Brylle!" pagrereklamo ng babae. Oh well I didn't know her hinila ko lang siya kanina ng makita kong papunta si Samantha dito. Gusto ko kasing malaman kong magawa ko pa ba siyang saktan and I succeded.
But nagtagumpay parin siyang saktan ako sa paraang alam niya.
I sighed and compose myself.
"Get lost."
'What?" tanong niya.
"I said get lost and huwag ka ng magpapakita pa."
Tinignan ako ng masama ng babae bago lumabas ng storage room.
Ang daling utuin, basta talaga mayaman at may hitsura ang daling pumatol, mga babae talaga.
Lumabas narin ako ng storage room at naglakad papuntang soccer field. Gusto ko lang malaman kong ginagawa pa rin ba niya ang inuutos ko sa kanya despite of what happened.
Sadistic ba? Wala akong paki, ang mahalaga nahihirapan siya.
Nang makarating ako sa soccer field nakita ko si Samantha na nagwawalis na. Mabuti at hindi niya naisipang umalis nalang. Pinagmamasdan ko parin siya habang nakaupo sa isa sa mga bench na nandito. Napansin kong wala sa sariling nagwawalis si Samatha.
Ano naman ba ang palabas niya?
"Kawawa naman yung girl nag-iisang naglilinis."
Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang nagkumpulang mga babae na nakatingin sa nagwawalis na Samantha.
"Oo nga ang brutal naman sa nag-utos sa kanya. I bet kahit buong gabi niya pang lilinisin ay hindi niya matatapos ang buong field," pagsang-ayon naman ng kasama sa nagsalita kanina.
Am I?
No.
Madami pa silang sinabi pero hindi ko na pinakinggan datapwat ay tumayo na ako mula saking pagkakaupo at nagsimulang maglakad.
I can't bear to see her like this kaya mabuti pang umalis nalang ako. May mga security guards naman dito kahit gabi na sila na ang bahala sa kanya mamaya.
I looked at my wrist watch and nakita kong 5:30 pm na pala. Ang bilis naman ng oras akala ko bago palang mag 5.
Lumingon ako one last time bago lumisan.
Nagsisimula palang ako Samantha expect na may dadating pa.
-
Pagkapasok ko ng classroom kinabukasan ay lahat ng classmates ko ay nakatingin sakin.
Ano na naman ang meron sa mga titig nila?
They are getting weirder and weirder each day.
Hindi palang ako nakaupo ay may tumawag na agad sakin. Pagtingin ko isang babaeng guro base sa suot niyang uniform.
"Mr. Mchugh in my office now!" galit niyang utos sakin.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tinignan ko si Keith bago lumabas pero nagkibit balikat lang siya.
Wala rin siyang alam.
I just can't understand na kahit alam nilang anak ako ng may-ari ng school ay may gana parin silang utosan at sigawan ako. Alam nilang kaya ko silang ipasesante. I guess perfect of discipline yung tumawag sakin kasi hindi natinag sa pagkatao ko. Naglakad ako kasunod niya
"What did you do Mr. Mchugh?"
Bungad sakin ng guro pagkapasok palang namin sa office na sinasabi niya.
I raised my eyebrows.
"Pardon?" naguguluhan kong tanong sa kanya. I didn't do anything.
"Don't answer my question with a question Mr. Mchugh I know you know kung ano ang tinutukoy ko."
I gave her a 'what are you talking about' look.
Bumuntong hininga siya at inayos ang suot niyang eyeglasses.
"It's about Ms. Villocillo."
Bakit nasali naman si Samantha.
"What happened?" Tanong ko.
"Wow, you really have the guts to asked what happened even if you're the reason." Mas lalong kumunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Ano bang pinagsasabi niya? Bakit hindi niya ako diretsahin?
"Look, I don't know what happened kaya you better tell me huwag ka ng magpapaligoy-ligoy pa." Naiinis kong sabi sa kanya. Kasi naman pwede naman niya akong diretsuhin.
"Ms. Villocillo is in the hospital right now. Nakita daw siya ng isa sa mga patrol guard dito sa school na nakahandusay sa soccer field ng walang malay kaya sinugod siya sa hospital. Dahil nakakapagtaka kung ano ang ginagawa niya sa field na may dalang panlinis ni hindi siya pumapasok tuwing hapon."
Hospital?
"And my question is why did you do it?" she added.
"I asked her to clean the whole field miss. It's not right for a scholar na hindi pumapasok tuwing hapon especially na gradtuating students siya," pagpapaliwanag ko.
"She has reasons Brylle."
"And what are those? What's her reasons to just cut classes like she own the school?" galit kong tanong.
"It's confidential."
"That's it? Dahil confidential pwede na siyang hindi pumapasok tuwing hapon? Ang labo and unfair naman sa iba. We all have problems but it's not an excuse para e-exempt sa klase."
"I didn't called you to talk about this Brylle but I called you to let you know that you need to leave Ms. Villocillo alone." Mahinahon niyang sabi.
"I appreciate your concern but what you just asked won't happen. I'm still the owner of this school and no one can force me to do the things I don't want to do...
not even you."
Pagkatapos kong sabihin yon ay lumabas na ako sa office leaving her speechless.
I mean it. Walang sinuman ang pwedeng humadlang sa gusto kong mangyari.
She could fake what happened, as far as I know she is a good actress.
You're good Samatha. Napakampi mo silang lahat sayo, a round of applause for you.
Kung alam lang sana nila kung sino ka talaga.
Natapos ang araw na walang Samatha na nagpakita. Kinacareer niya talaga ang pagkakahospital. Hindi ako kinulit ng mga barkada ko buong araw, kahit na si Keith walang sinabi tungkol kay Samatha. Npansin siguro ng buong tropa na wala talaga ako sa mood makipagbiruan.
3 days palang pero ang dami ng nangyari sumula ng pagbalik ko.
You being hospitalized cannot stop me for making your life even worse.
YOU ARE READING
HIS REGRETS
General FictionBecause of revenge Brylle lost his love. Nasa huli ang pagsisisi ika nga nila. Pero ititigil ba niya ang hinahangad niyang makasama ulit ang mahal niya dahil sa pagsisisi?