CHAPTER 3

7 0 0
                                    


BRYLLE'S P.O.V

Napailing ako.

Here goes the introduce yourself thingy again....

-

"Raise your right hand if you are here,"

Itinaas ko naman 'yung kanang kamay ko gaya ng sabi ng guro. At napatingin naman siya sa gawi ko.

"Okay, so it's you. I'm Love Sanchez and I'm the homeroom teacher in this class. You're a transferee but I won't go diretcly to the introduce yourself speech because I knew it's boring kasi hindi na kayo grade 1 para sa ganyan. But still we need to know you, however you can do that after unleashing your talent."

'W..WHAT?'

NO WAY....

"So mr. the whole stage is yours," sabi ni ma'am Love na akala mo talaga ay may stage at umalis siya sa gitna at umupo sa isa sa mga upuan na nasa first row. Tumingin ako kay Keith at nag utter ng help pero ang loko tiningnan niya lang ako habang may nakakalokong ngiti sa labi.

Oh great.

Pag ako napahiya baka may guro na mawawalan ng trabaho.

Isa lang naman ang alam kong kaya kong gawin at 'yun ay ang kumanta.

Napakamot ako sa batok habang pumunta sa harapan, tiningnan ko si ma'am na nagmamakaawa pero nginitian lang niya ako.

Bars....

('Di lang ikaw

Di lang ikaw

Di lang ikaw ang nahihirapan

Damdamin ko rin ay naguguluhan

Di lang ikaw

Nababahala, damdamin ko rin ay wag kang pakawalan ngunit ang puso ay kailangan kang iwan)

Sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang isang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.

'Samantha.'

Natigil ako sa aking pagkanta na nanigas sa aking tinatayuan.

This can't be.

Nanlaki ang mga mata niya nang marealize na ako ang nakatayo sa harapan at natigil siya sa kanyang pagpasok. Pero mabilis niyang kinompose ang sarili at yumuko. Naglakad siya sa papunta kay ma'am at may inabot na papel, binasa ito ni maa'am at tumango sa kanya. Nang maibalik na ni ma'am 'yung papel ay lumakad uli siya at umupo sa pinakahuling upuan sa likod habang nakayuko parin.

Naramdaman kong may bumara saking lalamunan.

"Go on," napatingin ako sa nagsalita, si ma'am pala.

Tumango lang ako at nagpatuloy.

Sa buong pagkanta ko nakatingin lang ako sa babaeng nakadukmo sa kanyang upuan. I wonder kung bakit nandito siya, ang akala ko ABM 'yung kukunin niya.

Natapos ang performance ko at pagpapakilala na lutang parin.

At salamat naman hindi ako napahiya.

Akala ko magiging okay ako kapag nakita ko siya muli, ito naman ang rason kung bakit ako bumalik diba? Ang makita siyang miserable.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang last subject at lunch time na dahil sa mga iniisip ko simula ng makita ko siya. Hindi ko nga naramdaman na hinila na pala ako ni Keith sa cafeteria hanggang sa siniko na niya ako sa tagiliran, this time nilakasan na niya.

Tinignan ko siya ng masama at nag kibit balikat lang siya.

"Kanina ka pa lutang simula nung pumasok si Samantha sa klase," sabi niya.

"Nothing, nawala lang ako sa mood that's it," sagot ko naman. Halatang hindi siya naniwala sa sinabi ko pero mas pinili niyang tumahimik na lamang.

Good.

Nagkita-kita kami ng mgabarkada saa cafeteria at sabay-sabay na kumain. Syempre hindi mawala ang kalokohan. Nagpapasalamat ako dahil kahit ganun nawala siya sa isipan ko, kahit sandali lang.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa bawat classroom namin, pero napansin ko lang na natapos na ang araw hindi ko na ulit siya nakita. Hindi na siya bumalik, ang pinagtataka ko bakit parang wala lang sa mga guro ang pagkawala niya pati nga mga classmates niya wala akong narinig na usap-usap kung bakit nawala siya at hindi na siya bumalik. Parang sanay na sanay na sila ah.

Saan kaya 'yon nagpunta?

Nevermind, wala akong pakialam kung mawala pa siya.

-

Pagsapit ng gabi kahit hindi ko mn gustuhin ay hindi parin nawala sa isip ko ang mukha niya. 'Yung mukha niyang palaging nakangiti kahit wala namang dahilan. Ngunit 'yung nakita ko kanina ay matamlay at walang buhay na Samantha. Ibang iba siya sa nakasanayan ko, pati 'yung presensya niya ibang iba na. Wala na 'yong comfort napalitan na ng takot at pangamba.

Hindi ko maintindihan.

Bakit hindi ako masaya na makita na hindi masigla yung mga mata niya, na nahihirapan na siya?

Bakit nararamdaman ko 'yung sakit sa kanyang mga titig?

Tinapon ko 'yung unan ko dahil sa frustration.

No. Kung ano man ang pinagdadaanan niya karma na 'yun sa pag-iwan niya sakin na parang bula.

Tama.

'Yun yon.

Bagay lang sa kanya ang maghirap.

Nakatulog ako sa gabing 'yon na isa lang ang nasa isip.

'Yon ay ang tuluyang sirain ang buhay sa taong sumira sa akin.

Humanda ka sakin Samantha.

HIS REGRETSWhere stories live. Discover now