CHAPTER 4

7 0 0
                                    

BRYLLE'S P.OV

Hinihintay ko si Samantha sa may pintuan ng classroom dahil may naisipakong ipapagawa sa kanya.

Nang matanaw ko siya na naglalakad sa hallway ay napangiti ako. Nang malapit lapit na siya sa kinaroroonan ko ay tinawag ko siya.

"Samatha,"

Tumigil siya sa kanyang paglalakad at unti-unting itinaas ang kanyang ulo para tingnnan ako. Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya pero nawala ito ng mapansin ko ang namamaga niyang mga mata.

Umiyak ba siya?

Obvious. Sabi ng conscience ko

Nevermind..

Tiningnan niya ako na parang naghihintay kung ano ang susunod kong sasabihin.

Hindi ba siya magsasalita?

Okay hindi nga yata.

"You're absent yesterday kaya may ipapagawa ako sayo. At nalaman ko na hindi ka pumapasok sa mga klase mo after lunch. Samantha scholar ka pa naman kaya hindi ka dapat basta-basta nalang umaalis sa klase lalo na't graduating student ka," lecture ko sa kanya pero wala man lang siyang kinibo sa sinabi ko.

Patuloy parin siyang nakatingin sakin na hindi kumukurap. Nagpatuloy ako sa aking pagsasalita kahit na parang bingi yung kausap ko dahil hindi sumasagot.

"So I have decided na ipalinis sayo ang buong soccer field mamaya after class kaya bawal kang umalis after lunch at ikaw lang mag-isa. Understood?"

Hindi pa rin siya nagsalita ang ginawa niya lang ay ang tumutig sa mukha mo.

May dumi ba sa mukha ko?

Pero sa pagtitig niya ay unti-unti siyang tumango.

Okay that was fast but overwhelming.

Wala na akong sinabi at pumasok na ako sa klase pero hindi ko inasahan na pagpasok ko ay makita kong nakanganga ang mga kaklase ko kasama na rin si Keith.

Binigyan ko sila ng tingin na nagsasabing ' what'.

Bakit bawal ba mag-utos ang anak ng may-ari ng school na to sa isa sa mga scholar? Ang pagkakaalam ko hindi, isa pa duty ng mga scholars na pananatiliing malinis ang paligid ng school at walang exempted.

Naramdaman kong sumunod sakin si Samantha sa likuran ko ng tahimik.

Pagkaupo ko binatukan agad ako ni Keith sa ulo.

"WHAT THE F? Para saan 'yon?" irita kong tanong sa kanya habang tiningnan siya ng masama, binigyan din niya ako ng masamang tingin.

"Brylle are you out of your mind?" he asked in disbelief.

"Bakit bawal ba?"

"Walang nagsasabi na bawal-

"Yon naman pala eh."

"Seriously? Soccer field yon Brylle, more than 10 scholars ang naglilinis doon araw-araw dahil sa sobrang laki tapos ipapalinis mo sa kanya ng mag-isa? Okay ka lang?" aniya na para bang nababaliw na ako.

Nagkibit balikat lang ako at ngumisi ng para bang nagtagumpay sa kanya. Alam ko naman na malaki yon kaya nga doon ang pinili kong ipapalinis sa kanya.

"I don't want to argue with you about this Keith," bored kong sabi sa kanya.

"Alright. But pinagbabalaan kita Brylle hindi mo alam ang ginagawa mo. Hindi mo nga kilala

'yung babae tapos pinapahirapan mo na."

Napalingun ako bigla sa kanya.

Talaga lang hah.

Kilala ko siya.

Kilalang kilala.

KEITH'S P.O.V

Pagkatapos ng conversation namin ni Brylle na hindi naman nakikinig sakin ay nilingun ko ang kinaroroonan ni Samantha at as usual nakadukmo parin siya. Pero ngayon napansin kong nanginginig 'yung balikat niya, umiiyak na naman siya. Hindi na bago sakin ang makita siyang umiiyak, sa loob ba naman ng isang taon at kalahati lage ko siyang nakikitang nakadukmo lang sa desk niya kapag pumasok siya at minsan doon ay umiiyak siya. Simula nang makilala ko siya wala ni isang tao ang kinausap niya, sinubukan ko nga siyang kausapin pero tinakbuhan lang ako na para bang may gagawin akong masama sa kanya kaya imula noon hindi ko na siya kinausap baka kung ano pa ang gawin niya.

Wala ba siyang kaibigan kahit isa man lang?

Napabuntong hininga ako.

This girl is mysterious.

BRYLLE'S P.O.V

Mabuti naman at lunch time na gutom na ako kanina pa kumakalam ang sikmura ko at nakakarindi na. Nandito na kaming magbarkada sa cafeteria kumakain.

Maya-maya lang ay nakita ko si Alex na humahangos papunta sa table naming magbabarkada. Saan kaya 'to galing.

Nang makarating siya sa table ay tinanong agad siya ni Jax. "Where have you been Alex?"

Umupo si Alex sa isang vacant na upuan katapat ko at katabi ni Jax.

Hindi sumagot si Alex kay Jax kaya ako na ang nagtanong.

"Oo nga Lex saan ka ba galing? Nawala ka nalang bigla."

"Diyan diyan lang nagpapahangin." Sagot niya na obvious namang may tinatago.

"By they way may sasabihin ako," simula ni Kieth kaya napunta ang atensiyon namin sa kanya.

"You know the mute girl in our class na kinuwento ko sa inyo?Samantha Villicillo? Tong mokong na to ipapalinis sa kanya ang buong soccer field mamaya ng mag-isa. Nasisiraan ata ng bait itong kaibigan natin."

Napa 'ANO?' naman ang ibang kasamahan namin dahil sa sinabi ni Keith.

"I know right." Sagot naman ni Keith.

Ilang segundo pa bago makarecover sa pagkakabigla ang grupo. Medyo ang oa nga eh nakanganga habang nakatingin sa gawi ko yung tatlo habang nanlalaki ang mga mata.

"You've got to be kidding me Brylle."

"Ganiyan ba kalaki ang galit mo sa kanya Brylle?

"So nagkita na pala kayong dalawa."

Iba't ibang reaksiyon ng tatlo. Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Tumigil na ako sa pagkain at gayundin ang ginawa sila.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa inaasta nila. Parang walang mga alam sa nangyari ah.

"Wait ..wait.. You knew her?" nagtatakang tanong ni Keith.

Oh come on .....

"Teka hindi mo alam? Naging girlfriend ni Brylle si Samantha 3 years ago," paliwanag ni Jax kay Keith. Ngayon mata naman niya ang nanlaki.

"Yeah but she left him without a reason. Nawala nalang siya bigla kahit kami walang alam. One moment they were so happy then the next moment she was already gone," mapait na ani ni Bjone.

"How come I don't know about this?" dismayang tanong ni Keith.

"Matagal na 'yon. Past is past." Medyo nairita na ako. Ang ayaw ko sa lahat ay inoopen ang mga bagay na hindi naman dapat.

"I saw her earlier-

"I said past is past! Hindi ba kayo nakakaintindi?!" Sigaw ko na siyang nakapagpatigil kay Alex.

Ang kulit sabing past is past na bakit pa inuungkat ang nakaraan?

Napabuga ako ng hangin.

Yan... ang dapat na ginagawa sa mga mabuting kaibigan ay tumahimik.

Wala ng nagsalita saming magkakaibigan siguro dahil alam nilang wala na ako sa mood at kapag wala ako sa mood baka ano pa ang magawa ko. 

HIS REGRETSWhere stories live. Discover now