**sampolan niyo naman po ako ng votes diyan oh😉☺️ pandagdag inspiration lang 😅**
Ngiting tagumpay ang nakapaskil sa mga labi ni Jazon matapos nilang makapasok sa pribadong silid ni Margaux sa 2G's. Abala ngayon ang asawa niya sa paghahalungkat sa banyo nito para kumuha ng medicine kit na ipanggagamot sa mga sugat niya.
Hindi kasi totoong masakit ang katawan niya dahil sa bugbog. Alibi lang niya yon para makasama pa niya ng matagal si Margaux. Bihasa siya sa Judo at Karate kaya mas dehado ang mga bastos na bibig ng mga lalaking yon.
Tsamba lang talaga na tinamaan siya ng suntok sa bibig kanina ng saglit siyang natigilan ng marinig niya ang boses ni Margaux na nakalabas na pala mula sa club. Natakot siyang baka lalo itong mabastos ng mga siraulong lalaki. Mabuti na lang at mukhang nasindak ang mga ito sa mga bouncers ng 2G's at nga mga security guards na tumulong para umawat sa kanila.
"Buti na lang ganyan lang ang inabot mo sa mga yon. Mukha pa naman mga goons yung mga kabugbugan mo kanina." Wika ni Margaux na nakaupo na pala sa tabi niya sa sofa. Kasalukuyan nitong nilalagyan ng alcohol ang bulak sa kamay nito.
"Hindi ko lang kasi kayang marinig na binabastos ka nila Marj. Kung narinig mo lang ang usapan nila kanina baka ganun din ang ginawa mo----awwwww!! Dahan-dahan naman babe! Ang sakit na nga ng sugat at katawan ko eh.." madrama niyang reklamo sa asawa.
" Wow! So bakit parang kasalanan ko na ngayon kung bakit ka nagkaganyan?" Mataray na tugon nito. Mukhang mali ang interpretation nito sa sinabi niya.
"N-no I mean pwede bang dahan-dahanin mo lang paggamot sa sugat ko. Ang sakit kasi talaga." Napangiwi na naman siya ng muli nitong dinampian ng bulak na may alcohol ang kanyang sugat.
"Kung ayaw mong maimpeksiyon yang sugat mo, wag kang maarte diyan at manahimik kana lang." Hindi niya sigurado kung nahimigan ba niya ng pag-aalala ang mga salita ng asawa o nag-iimagine lang siya.
Kahit paano ay nagbunga ng kaunti ang pagtitiyaga niyang manuyo kay Margaux. Kung datirati ay ito lapit ng lapit sa kanya. Ngayon baligtad na. Karma is real! Haha! Pero ayos lang na mahirapan siya. Kasalanan naman niya ang lahat. Kaya nga heto siya ngayon at handang isugal na ang lahat muli lang siya nitong balikan.
Natapos na ito sa ginagawang paglilinis sa sugat ng tumunog ang cellphone nito. Kumunot ang noo niya at hindi niya maiwasang magselos ng marinig itong pangalan ng lalaki ang binigkas na kausap.
"Oh yes, Francis.. ah-huh.. yah that's right. Hmmm well mukha namang wala na kong karapatang tumanggi. O'right. See you. Bye."
"Who's that Francis?" Iritadong tanong niya
"None of your business." Pabalang naman na sagot ng asawa niya. Oonga pala tinanggalan na siya nito ng karapatang magselos kaya hindi siya dapat nagpapadala sa emosyon niya. Kinalma muna niya ang sarili bago nagsalita muli.
"I'm sorry..." Tumayo siya at nilapitan si Margaux. Hinawakan niya ang kamay nito at laking pasalamat niya na hindi ito tumanggi sa ginawa niya.
"I'm really sorry for causing you too much headaches babe.." masuyong aniya rito."I-its fine.. go rest now for a while para makauwi ka na rin pamaya-maya----" pinutol na niya ang iba pang sasabihin nito ng mabilis niyang sinakop ang mga labi ng asawa. Hindi na niya kasi mapigilan ang sarili sa labis na pangungulila dito.
BINABASA MO ANG
VICTIMS OF LOVE
RomanceMATURE CONTENT | R18 | COMPLETED Jazon ang Margaux. Two beautiful souls who have been victimized by love. Jazon being lost and broken by his ex-girlfriend's sudden death, found Margaux, the girl who's more than willing to replace his first love in...