*this chapter is dedicated to my ever supportive best friend JennyRoseOcampo3 and her daughter Sefiah Jein... thank you for your endless support bez. You know I love you...* ❤️❤️❤️
Dalawang linggo pa lang namamalagi sila Jazon at Margaux sa Maldives para sa kanilang honeymoon ay nakatanggap na ng emergency call ang huli mula sa mansiyon ng mga magulang nito sa Pilipinas.
Tumawag ang mayordoma nila para ipaalam na isinugod ang kanyang ama sa ospital matapos itong mahirapang huminga. May history na din kasi ito ng high blood katulad ng ama ni Jazon. Kahit may maintenance man ang Daddy niya ay hindi pa rin ito nakaligtas sa traydor na sakit.
Maayos ayos naman na daw ang pakiramdam ng kanyang ama ayon na rin sa mayordoma ngunit kinakailangan pa din umano nitong mamalagi sa ospital para sa masusi pang obserbasyon para hindi na maulit ang simpleng atake sa puso nito.
Alam niya kung gaano ka traydor ang sakit ng kanyang ama kaya sobra-sobra siyang nag-aalala para dito.
Matapos niyang tapusin ang pakikipag-usap sa telepono ay agad niyang kinausap ang asawa at nakiusap na maaga na lang nilang tapusin ang honeymoon sapagkat hindi siya mapapalagay hanggat hindi nakikita ang totoong kalagayan ng ama.
Isa pa sapat na rin naman sa kanila ang dalawang linggong pamamalagi nila sa Maldives. Nakapag libot-libot na rin naman sila kahit paano. Mas gusto pa kasi nilang mamalagi na lang sa inuupuhang cottage at magbabad sa kama habang pinagsasaluhan ang maiinit nilang pagtatalik. Kaya hindi na rin nakapagtataka na wala na silang lakas para maglibot dahil kay Jazon pa lang ubos na ubos na ang enerhiya niya. Wala kasi itong tigil sa paglalandi sa kanya na gustong-gusto naman niya.
Madali naman niyang nakumbinsi ang asawa na umuwi na sila sa Pilipinas kaya kinabukasan ay lumipad na sila pauwi at dumeretso na din sila sa bago nilang bahay na regalo sa kanila ng magulang ni Jazon.
Ibinaba lang nila ang mga gamit at nagpahatid na sa ospital kung saan naka confine ang Daddy niya.
Pagkarating sa ospital ay agad na dumiretso siya sa front desk para tanungin kung ano ang room number ng ama.
Matapos naman sabihin ng clerk ang numero at floor ng kanilang pakay ay mabilis na nilang tinungo ang elevator at sumakay doon.Habang nasa loob ng elevator ay hindi siya mapakali dahil sa labis na pag-aalala.
Naramdaman niyang bumitaw sa pagkakahawak sa kanyang kamay si Jazon. Inilipat nito ang braso sa bewang niya at hinapit ang kanyang katawan palapit rito. Pagkaraan ay binigyan siya nito ng mabining halik sa kanyang ulo.
Bahagya naman nawala ang pagkabagabag niya sa ginawi ng asawa. Gumanti siya ng yakap dito at sumandal sa matigas nitong dibdib para doon umamot ng lakas. Ngayon lang kasi niya naramdaman ang pagod sa tuloy tuloy nilang byahe..
"Everything's gonna be ok, Marj."
Hindi na siya nakasagot dito dahil bumukas na ang pintuan ng elevator kung saang floor naroon ang ama.
Malalaki ang kanyang hakbang kasabay ni Jazon sa paghanap ng room number ng Daddy niya.
Madali lang nila itong nakita dahil ilang kwarto lang ang pagitan nito mula sa elevator. Agad na silang pumasok sa kwarto at nabungaran niya ang kanyang ama na nakahiga sa hospital bed at may nurse na nagpapalit ng IV fluid dito.
Ang kanyang ina naman ay kasamang napalingon sa kanila at bakas ang pagkagulat sa mukha ng makita silang mag-asawa.
"Margaux! Jazon! Anong ginagawa niyo rito?" Gulat nitong tanong.
"No mom, I should be the one asking that same question to you...why didn't you tell me? Kung hindi pa ko kinontak ni Nanang Fely ay hindi ko pa malalaman ang nangyari kay Dad." Aniya sa ina na may bahagyang hinampo sa boses. Humalik siya sa pisngi nito pagkatapos.
BINABASA MO ANG
VICTIMS OF LOVE
RomanceMATURE CONTENT | R18 | COMPLETED Jazon ang Margaux. Two beautiful souls who have been victimized by love. Jazon being lost and broken by his ex-girlfriend's sudden death, found Margaux, the girl who's more than willing to replace his first love in...