Prologue

35 4 2
                                    

•Prologue•


Sabi nila, having a third eye is a curse. Madami kang makikitang nakakatakot, mga bagay na hindi nakikita ng iba. Pero lahat nang iyon ay kuro-kuro lamang.

For me, it's not a curse, but a gift.

Bakit gift? Kasi doon ko nalaman na kahit nakakatakot silang tignan, meron silang story behind, kung bakit sila namatay, ano ang nangyari sa kanila o ano yung reason kung bakit sila pinatay. Weird right?

Nalaman ko na may third eye pala ako, when I was in 7th grade. At first, takot na takot ako, pero no'ng tumagal na, nasanay na ako. People may call me weird kasi nagsasalita nalang ako sa ere na wala naman daw akong kausap. Minsan nama'y nawawala nalang ako like a bubble, my friends don't know where I really went.

***

"Sofia! Gumising ka na nga, nako siguradong late ka na!" Nagising ako sa ingay ni mama. Tinignan ko ang orasan at nagmadaling maligo at umayos. Kinuha ang bag at tumakbo papuntang kusina.

"Ma, una na ako, kinuha ko na din lunch ko sa mesa ha" I kissed her cheek at lumabas. Thankfully, may bus pa. Plano ko pa sanang mag bike nalang, kaso late na akong gumising dahil kahapon pinagod pa ako ng isang ghost kaya pagdating ko sa bahay, bagsak kaagad ako sa kama.

"Pssttt!"

Lumingon ako.

"Pssttt! Ate!"

Nagulat ako "Ikaw lang pala Totoy, kala ko naman kung sino".

Siya si Totoy, batang ghost. Or should I say, isang spirit na may unfinished mission. Lagi siyang nandito sa bus dahil namatay siya sa isang accident.

"Ay nakalimutan ko palang sabihin to sayo Totoy, yung driver na na ito ay hindi yung sumagasa sayo. He was fired kaagad noong nalaman ng company ang nangyari sa iyo, so no worries na ha" sabi ko sa kanya habang ginugulo ang buhok niya, then he smiled.

"Thank you ate, thank you sa tulong" he said at biglang may ilaw na mula sa itaas. He waved at sinakop na siya ng ilaw.

Timing naman at malapit na ako sa school. Pagkababa ko nalang nalaman na tumulo na pala ang luha ko. It was a tears of joy, I'm just so happy na finally natapos na ni Totoy ang mission niya.

As I enter the gate of our school, I heard this familiar voice from afar.

"SOFIAAAAA! HINTAY HOY!!"

Nang lumingon ako, it was just Jane, Jane Fulgencio. My friend, classmate and also part of the school council. Sikat siya sa school as a "campus princess" dahil siya lang naman ang unica hija ng nagmamay-ari nitong school namin.

"Bilisan mo baka ma late tayo!" Sabi ko habang mabilis na lumalakad. She rushed at kumapit sa braso ko.

"Alam mo ba na ang hirap maging school secretary, gosh! Ang dami kong reports na ginawa for some future plans para sa mga activities sa school. May mga para sa..." She continued, halos di ko na maintindihan ang mga pinagsasabi niya. "Nakikinig ka ba?"

"Oo kaya tigilan mo na yan, may kukunin pa ako sa locker ko" Mabilis kong sinabi sa kanya, sumunod naman siya.

***

It's our first class pero bored na ako...

I looked around pero ganon din naman mga classmates ko. Some are playing their phones secretly.

"Psstt! Pa-SHAREit nga ng Mobile Legends, nadelete yung akin"

"Kalma--hoy wag mo ipakita ang phone mo kay sir, tanga!"

May natutulog na nakaupo sa corner ng room. Ang iba naman, especially boys, ay naglalaro ng buhok ng mga nasa harapan nilang girls.

"Nakakasakit ka na ha! Sabing wag mong laruan ang buhok ko!"

"Ano ba yan, nakikiliti ako hoy!"

And of course yung mga genius, nakikinig talaga.

Yes, we belong to a special class so teachers don't mind us kasi puro advance lessons na ang mga tinuturo sa amin. We are now in our 10th grade pero ang mga lessons namin is for 11th grade na. As in so advance pero sanay na kami.

While waiting for the school bell to ring, I felt some chills, like a strong energy behind this room. I don't know what will happen next. Maybe this is a good opportunity to help another ghost. Or a bad one... No one knows...

I am Sofia Esmeralda Fallarco. Living a weird life dahil sa aking kakayahan na makakita ng mga ghost and lost spirit na may unfinished missions and also had an opportunity to help each one of them. Having a third eye is my.....

Secret

~•~

Secret Within Me | (On-going)Where stories live. Discover now