Chapter 1While waiting for the school bell to ring, I felt some chills, like a strong energy behind this room. I don't know what will happen next. Maybe this is a good opportunity to help another ghost. Or a bad one... No one knows...
"Sofia!"
"HOY!"
Natauhan ako sa sumigaw sa akin, it was Jane. Sino ba naman ang hindi magugulat sa boses nito, napaka ingay.
"Alam mo ba na kanina ka pa namin tinatawag?!"
"Kanina ka pa tulala, woi!"
"Ginugutom lang ako, tara sa cafeteria"
Sumunod naman sila habang nag chi-chikahan. I'm used of having some noisy friends kahit ako lang itong medyo hindi maingay. What I love about them is that, hindi sila yung klaseng kaibigan na may pake sa estado mo sa buhay, kung anong klaseng pamilya ang meron ka, at kung gaano ka kapopular. For them, bale wala lang yun, basta maayos ang pakikitungo mo sa kanila at masaya ka kapag magkakasama kayo.
I have 7 friends actually. Yung 3 ay nasa kabilang section at ang 4 ay classmates ko. Siguro tinadhana talaga kaming maghiwa-hiwalay kasi ang iingay nila. Pero the good thing is, nagkikita kita naman kami every morning, break time, lunch time, at dismissal, sabay din kaming umuuwi.
Nang nakarating kami sa cafeteria, as usual, madaming students ang nakapila.
"Humanap nalang muna tayo ng table siguro Jane" sabi ko sabay lingon lingon sa paligid.
"There!" Sabay turo ni Rouge sa table na malapit sa vending machine.
"Ayos! Lezgo!"
"Oh, anong kakainin ninyo, ako na yung mag oorder sa counter"
ngumiti naman kami kasi baka libre."Syempre, babayaran ninyo ako kaagad, okay ba?" Then we nodded.
Meet my friends, sila si Jane, Leigh, Rouge at Reign.You already know about Jane pero let me introduce the others.
Leigh Franchesca Toledo o Leigh, masasabi ko na talented at smart siya. Hindi halatang anak ng konsehal kung kumilos, pero iba siya pag nasa school at sa kanilang bahay. Isa siya sa pina ka maingay sa amin, parang megaphone kumbaga. Lagi siyang 2nd sa ranking sa buong school pero hindi kontento ang parents niya, bakit? It's long story.
Sina Rouge Justine at Reign Jastine Del Luna, yes twins sila, identical twins to be specific. Sila lang naman ang nag aagawan ng spot sa 1st rank ng shcool, pero lagi silang tie. Parehong ugali pero mas hanep si Rogue, may pagka-slight na Leigh siya eh. Meanwhile si Reign naman ang bookworm, palaging may dalang makakapal na libro. Mag kasing height din sila, mula sa gamit sa school like notebooks down to clothes, parehong pareho. Tip lang, just don't call them Justine/ Jastine kasi nakakalito.
"Sila nalang daw ang maghahatid dito ng foods natin" sabi Leigh niya't umupo.
"So ano nga ba yang iniisip mo Sofia at tulaley ka kanina?"
"Oo nga, may crush ka no? Yieeee!"
Eto na naman tayo sa asaran.
"Wala! I'm just thinking about something" sabi ko sa kanila.
"Alam niyo ba kung ano yung room na nasa kabilang room natin?" nagtataka kong tanong
"Ewan, gusto mong alamin? Mamayang dismissal, sama kayo Reign? Jane? Leigh?" mukhang excited itong si Rouge ah!
Timing ang dumating na ang foods, at kumain kami.
So ayun nga, may paplano pa 'tong si Rouge, pupunta daw kaming library after last subject at maghanap hanap ng year books.
***
Last subject na at nakakaramdam na ako nang antok pero nawala iyon ng biglang may bumato sakin, tinignan ko naman kung sino.
Kalokohan ng mga boys sa sa last column.
Kendi lang naman pala yung binato pero ang sakit, pinulot ko rin yon at may nilagay pang note.
Hoy wag matulog lagot ka kay Prof.
Kita mo yang matang maliit niyang
yan? Lalaki yan pag magagalit! Oh
eto para gumising ka sa katotohanan!Ang pangit ng sulat kamay HAHAHAHA. Pero kinain ko naman yon, basag na nga lang
"No more questions? Prepare for a quiz next week, study well ha" sabi ni Prof. "You may now have an early dismissal" umalis na siya.
"Hoy! Joshua!" sigaw ko.
"Pangit ang sulat kamay mo! Aminin mo, inaantok ka rin no?"
"Wag ganyan Sof, pinapahiya mo ako eh" nahihiyang sagot ni Joshua.
"Syempre inaasar lang kita" natatawa pa siyang umalis.
Habang hinihintay ko sina Rouge sa labas ng room, I felt that cold aura in that room, again, another reason kung ba't nakatulala na naman ako.
Then suddenly, biglang may humawak ng balikat ko which gave me goosebumps. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganyang klase ng takot...
~•~
YOU ARE READING
Secret Within Me | (On-going)
РазноеIt's a secret. A secret you mustn't tell. Sofia, a girl who has a third eye, she help ghosts by using her ability and to lead them to the afterlife. But her tasks in helping ghost are getting harder since was connected to the school's "dark secret".