Chapter 3
After umalis ni 'Mysterious Guy' kinuha ko ang phone ko para icheck ang oras. It's already 7:30 PM, tumayo ako tsaka nagpaalam.
"Dad, uuwi na ako. Baka alalang alala na si Mommy sakin eh tapos madilim na. Balang araw babalik ulit ako dito dala dala ang favorite flowers mo."
"Bye Dad, bantayan mo kami always ha. I love you"
Habang palakad lakad ako sa daan papuntang gate ng cemetery, doon ko naalalang nasa kamay ko pa ang handkerchief ni 'Mysterious Guy' nadala siguro ako ng lungkot kanina kaya hindi ko naisauli. Tsaka ko nalang ito ibabalik pag magkikita kami ulit.
Pero ang tanong, kelan kaya?...
***
Pagdating ko kaagad sa bahay, alalang alala si Mommy kung saan ako galing. When I told her na pumunta lang ako sa sementeryo at bumisita kay Daddy, hindi na siya nagtanong pa. I took a quick shower tsaka nagbihis, timing naman at tinawag ako ni Mom para kumain na ng dinner.
Ulam for today? Chicken Curry!
Pagkatapos naming kumain, syempre umakyat kaagad ako sa room ko. Ang sakit kasi ng tiyan ko, busog eh hehe. Nag review muna ako at nag answer sa mga assignments para later wala nang problema.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa study table ko. Nagising nalang ako sa ingay ng alarm clock ko na nasa harap pa ng ulo ko. Inayos ko ang mga gamit ko sa bag tsaka pumunta sa bathroom.
After kong umayos diretso agad ako sa dining room, kinuha ang baon kong tubig tsaka snacks at kumain na din. Magpapaalam pa sana ako kay mom pero sabi ni Manang Fei na kasambahay namin, tulog pa daw siya.
Dahil hindi ako late ngayon, gagamitin ko na ang bike ko! Kinuha ko sa garage ang susi ng lock para sa bike ko at nagsimula nang magpedal. Habang nagb-bike, madami parin akong nakikitang mga spirit, souls o kung ano ano pang mga unusual things. Pinabayaan ko nalang hanggang makarating ako sa gate ng school.
Pinark ko ang bike ko doon sa isang shed na malapit sa gate. Puro bike ang nakaparking doon. Nakita ko kaagad ang kambal.
"Good morning Sof!" Sabay na bati nila.
"Good morning din Reign, Rogue! Let's go na"
Pagkapasok at pagkapasok palang namin ng campus nakakarinig na kami ng tili-an ng mga babae. Yung iba may mga dala dala pang regalo, like chocolates.
"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko. Nagkibit balikat naman ang dalawa dahil wala naming kaide-ideya sa nangyayari.
GULONG GULO NA AKOOO!
Nakita ko naman ang iba na naghihilaan eh.
"OMG! Girl, ang gwapo niya!"
"Sinabi mo pa! Hi po kuya!!! Ackkkk!"
"Hingi ako digits kuya!"
"What's your name po?--Gala omaygash tumingin siya bhieee"
Yan ang naririnig ko habang paakyat ng stairs.
And look where's the noise can from... Sa classroom namin! Todo siksik naman kami para lang makapasok. Sana naman tumigil na sila. Nakakairita na eh.
"Excuse me"
"Excuse me po----aaaah" may tumulak sakin na naging sanhi upang muntikan na akong natumba. Pero bigla namang may nakasalo sakin. Eh nakatalikod ako, akala ko naman si Rogue.
"Rouge ano ba, patayuin mo nga ako---"
"Who's Rouge" tanong nung nakasalo sa akin. Tsaka niya ako pinatayo at bumalik siya sa ulit sa kinauupuan niya. Classmate ko naman siguro yon. Bahala na nga.
Patungo ako sa upuan ko nang nakita ko na may nakaupo. MY PRECIOUS SEAT! Charot. I went there at sabay sabing
"Excuse me but that's my seat eh, you can move to that seat to my left since it's vacant naman"
"No, I want here eh, palit nalang muna tayo---"
"Waaahh ang gwapo niya talaga!"
"Girl! Hala ang tangkad niya!"
*SCHOOL BELL RINGS*
Nagsi alisan din sila nang makitang palakad lakad sa building ang isang terror na teacher ng school. Hindi na rin nakapag continue yung classmate ko na umupo sa proper seat ko.
Naramdaman ko naman ang chills na mula sa tabi ng room namin. Timing din na nakarating si Miss Valdez, adviser namin at subject teacher sa history, kaya binawale wala ko nalang yung
naramdaman kong kakaiba. Patuloy lang si miss sa discussion niya pero bigla siyang tumingin sa side ko."Oh, I nearly forgot, we have new student today, please come here infront and introduce yourself."
Tumayo din siya at rinig ko naman ang mga bulong-bulungan ng classmates ko.
"Uy siya pala yung tinitilian ng mga babae kaninang umaga?"
"Oo, gwapo niya no? Aaaahhh!"
"Bro, may bago nang uupo sa trono ko. Tsk!"
"Parang gusto kong maging bakla tuloy HAHAHAHA!!"
"PSSTTT! PLEASE BE QUIET!" ayon! Mukha tuloy may dumaan na anghel. "You may start na"
"Uhm.."
"Hello everyone, I'm Adrien Felix Del Mundo. You may call me Adie if you want. I hope we'll be friends and please be good to me, that's all po miss" tsaka siya tumingin sakin at nag wink.
No wayyy!
YOU ARE READING
Secret Within Me | (On-going)
De TodoIt's a secret. A secret you mustn't tell. Sofia, a girl who has a third eye, she help ghosts by using her ability and to lead them to the afterlife. But her tasks in helping ghost are getting harder since was connected to the school's "dark secret".