Chapter 4No wayyy!!
"Ikaw?!" Napalakas siguro ang boses ko. Omg. Tinignan nila ako.
"Mr. Del Mundo, magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Miss Valdez
"No po miss!"
"Yes miss, Hi Sofia Esmeralda Fallarco" naka ngiting bati ni Adrien sakin mula sa platform. Tinignan naman ulit kami ng classmates ko.
"You may proceed to your seat na Mr. Del Mundo, I'll continue my discussion. Ms. Fallarco, please sit down." Pangiti ngiti pa si Adie sakin.
Halos buong morning classes Hindi ko na maintindihan. I feel uncomfortable na panay lingon niya sakin. Dagdagan mo pa ng kakaibang energy na mula sa kabila ng classroom.
*SCHOOL BELL RINGS*
Sa wakas lunch na, hindi kasi ako lumabas kaninang recess dahil may baon naman ako.
"Hey!" Napalingon naman ako. "Can I join you sa cafeteria? All I know here is you kasi eh"
"Syempre naman Adie, you can join us if you want to"
"Bro, kung pwede nga araw arawin mo na eh"
"Sure"
Singit ng mga kaibigan ko. Papuntang cafeteria eh panay daldal nila at dagdagan mo pa ang mga babaeng habol ng habol.
"Oy, Sofia, wala kang nasabing kilala mo pala ito ho" nakakalokong tanong ni Jane. "Adie, paano kayo nagkakilala ni Sofia?"
I darted him with my do-not-tell-them look.
"Just, accidentally lang talaga hehe"
Nag order kami ng lunch sabay sabay at eto na naman ang kaingayan ni Leigh tsaka Rouge. Hindi mo mapipigilan itong dalawang to.
"Nga pala, we haven't yet introduced ourselves to you, Adie" Reign whispered.
"I'm Jane nga pala, lolo ko ang may ari ng school also I'm the school's secretary kaya minsan mo lang ako makikita"
"I'm Leigh, ang pinakama---"
"Maingay HAHAHAHA!" Rouge cutted her off at tumawa ng malakas. Dinig na dinig sa buong cafeteria. "Bro, I'm Rouge and this is my sister Reign"
"Twins kayo?"
"Yes, and Fun Fact, we have both Justin and Jastine as our second names so we prefer not to call us that hehe"
"I guess you already know me na." I told him. Magkaharap kami sa circular table. He nodded naman and we continued eating.
***
It's already last period in the afternoon at nag test kami sa math. Earlier, twins decided na proceed kaagad kami sa library after this. They also invited Adie to join us but he refused kasi daw may lakad siya this afternoon, we don't know his personal agenda is. Well, I don't really care.
After the school bell rings, nagkakagulo na naman sa pintuan. And guess what, yung mga so-called-fans ni Adie na naman. Hindi kami makalabas nang maayos dahil dito eh. But then, Adie bid goodbye at umuna nang umuwi, ngunit nakasunod naman yung mga babaeng todo habol sa kaniya. How tough his life is.
"Friday bukas diba?" Tanong ni Leigh. "Wait, matingin nga" sabay kuha sa phone niya at nag pindot pindot papuntang calendar.
"Estudyante ka pa ba? Or sadyang hindi ka lang tumitingin sa kalendaryo ninyo sa bahay niyo" pambabara ni Rouge. Eto na naman sila. Ayun! Nagsimula na naman sila sa pagtatalo nila.
'Edi sori lang! Eto naman oh'
'Tingin tingin din kasi minsan sa kalendaryo niyo'
'Hindi ba pwedeng nakalimutan ko'
"Kanina ka pa diyan hindi nagsasalita, Sof." Tanong ni Reign na mukhang naiinip din sa dalawa. "May problema ba?"
"Ah, wala. Ang ingay lang kasi nang dalawa" patuloy lang kami sa paglalakad nang maalala ko na kanina pang wala si Jane. "Reign nasan nga pala si Jane?"
"Di ko pala nasabi sayo. Sinundo siya ng family driver nila kasi may family dinner daw eh. Biglaan nga"
Narating din namin ang library at nagsimulang mag hanap ng libro. And again, kami na naman ang hinihintay nang librarian. Ang bilis nga nang oras eh. Dahil wala naman kaming kukunin sa locker, lumabas na kami ng campus and we parted ways.
Sa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang naalala ko na ginamit ko pala ang bike ko papuntang school. So binalikan ko pa, buti't hindi pa sarado ang main gate. Medyo madilim na at mga poste sa labas nalang ang makikita mong maliwanag.
Kinuha ko ang bike ko sa pagkaka-lock at nagsimulang maglakad palabas pero nakarinig ako nang boses sa malapit. Pinarada ko ang bike ko sa tabi at nagbabaka sakaling hanapin ang boses na yon.
"Please leave me alone! Hindi ko akalaing hanggang dito ay patuloy mo akong sinusundan"
Nakatalikod siya kaya hindi ko namukhaan pero sigurado akong pamilyar ang boses na yon. Kaya nagtago ako sa isang bush na malapit sa kanya. I peeked and I saw something! I saw a ghost beside him! But imposible naman na makita niya yon eh and I'm sure he's talking someone in the phone. Bigla siyang humarap nang makarinig siya ng sound ng plastic. Naapakan ko pala. And nakita ko na ang mukha niya.
It was Adie.
YOU ARE READING
Secret Within Me | (On-going)
AcakIt's a secret. A secret you mustn't tell. Sofia, a girl who has a third eye, she help ghosts by using her ability and to lead them to the afterlife. But her tasks in helping ghost are getting harder since was connected to the school's "dark secret".