Beginning to like each other...

54 5 0
                                    

Nag bantay na kami ng aming masasakyan. Sakto namang napadaan si Lester.

Lester: Sino yang kasama mo?

Anjie: Boypren ko.

Lester: Boypren?

Anjie: Peke kong boypren.

Lester: Peke?

Anjie: Ito ang trabaho ko... Pekeng girlpren ng unggoy na to...

Lester: Una kaaway mo, naging amo mo. Tapos ngayon, shota mo na ang unggoy na yan?

Kurt: (pilit na iniintindi ang pinag-uusapan namin) Who is he? Your boyfriend? What's unggoy? Your callsighn?

Lester: Anu daw?

Anjie: Wag mo nang pansinin. Ihatid mo na lang kami.

Nang makarating kami doon, dali-dali syang umakyat sa kanyang kwarto. Nakita kong naka-upo ang kanyang lola sa labas at nagpapahangin. Nilapitan ko sya.

Grandma: Oh. It's you... Nice to see you again. (malambing nyang sabi)

Anjie: Lola, nakakaintindi po ba kayo ng tagalog?

Grandma: Oo naman iha. Ang akala ko nga hindi kamarunong dahil ang alam ko, lumaki ka sa States.

Anjie: Hindi ko po kayang mag-sinungaling sa inyo. Hindi po ako si Angel. Ako po si Anjie. Sa totoo lang po, naghiwalay na po sina Kurt at Angel. Dahil po pinangako ni Kurt na ipapakilala nya si Angel sa inyo, binigyan nya po ako ng trabaho.

Grandma: Masaya ako at nakilala ka ng apo ko. Ikaw yung tipong mabibigyan ng tiwala. Sana nga totoo na lang ang relasyon nyo.

Anjie: Sana nga po...

Kurt: Let's go... (Sabi nya habang pababa ng hagdanan)

Anjie: Where?

Kurt: We're going to watch some movies. Bye Grandma... (hinalikan nya ito sa noo)

Grandma: Take care dear!

Kurt: We will!!!

Nanood kami ng sine. May nakakatakot, nakakatuwa, nakakakilig, at nakakaiyak. First time kong manood ng sine kaya...

Anjie: Bilisan mo! Nasa likod mo na sya! Tumakbo ka!!! (sigaw ko habang nanonood ng nakakatakot na pelikula)

Anjie: HAHAHA! Nakita mo? Nahulog sya sa kanal!!! Hahaha! (sigaw ko naman nang nanonood kami ng comedy)

Anjie: Yeee!!! Ayan na! Hahalikan na sya! (kinilig naman ako)

Anjie: Bakit sya namatay.... (umiiyak na aman ako)

Parang baliw... Yan ang mga reklamo nila... Namasyal uli kami sa plaza. Gusto kasi ni Kurt na makita ang sunset. Umupo kami sa damohan at hinintay ang sunset.

Kurt: What's i love you in tagalog?

Anjie: Mahal kita...

Kurt: Slow down...

Anjie: Ma-hal-ki-ta.

Kurt: Me-hel-key-ta? What about thank you?

Anjie: Sa-la-mat.

Kurt: What's your welcome?

Anjie: Wa-lang-a-no-man.

Kurt: Your turn...

Anjie: What?

Kurt: What do you want me to teach you?

Anjie: Teach me... How to text...

Kurt: It's easy. Find a person on your contacts you want to send a message. Write your message below, then send.

Anjie: I don't get it...

Kurt: I'll just text you now...

Phone Rings

Anjie: Hello? Hello?

Kurt: No. You don't have to do that anymore. You open your messages go to inbox,read the message, go on  read it.

Anjie: "You look cute." Next?

Kurt: Reply, write your message and send...

Anjie: Ok.

Kurt: What are you typing? Let me see. (sinisilip ang cellphone)

Anjie: No! (tinatago-tago ko pa sa kanya ang cellphone)

Phone Rings

Kurt: What's this?

Anjie: Read it!

Kurt: "May cute ka pang nalalaman. Alam ko namang binobola mo lang ako." What does this mean?

Anjie: It means your cute too. (nginitian ko sya)

Kurt: Oh...

Hinatid nya uli ako... Pero iba na ngayon. Sya ang naglagay ng seatbelt sa akin. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Mas naging gentleman na sya ngayon...

to be continued...

Isang Linggong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon