Indenial Heart

18 0 0
                                    

Indenial Heart

Isa si Roanne Alie Sta Cruz sa mga babaeng marunong maglihim ng sikreto. Marunong magsinungaling ng tunay na nararamdaman. Kaya pati ang katotohanang may gusto siya sa isang lalaki ay pilit niyang itinatanggi sa kaniyang sarili.

Hindi niya alam kung paano at kung kailan siya nagkagusto sa lalaking walang ginawa kundi, sigawan siya, sermunan siya, pahiyain siya sa harap ng maraming tao, gawin siyang alipin nito, lahat na yata ng kabalahuraan ay ginawa na sa kaniya ng lalaking iyon.

Ngunit paano nalang dumating sa puntong siya na ang tinitibok ng kaniyang puso? Hindi niya maintindihan sa kaniyang sarili kung bakit sa lahat pa ng lalaking magugustuhan ng puso niya ay sa lalaking nagpapahirap pa sa kaniya!

Gusto niyang magalit sa kaniyang sarili dahil bakit doon pa siya nagkagusto.

Ngunit kahit anong tanggi niya sa kaniyang sarili ay talaga namang nangingibabaw ang kagwapuhan ng lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mapatitig ng ilang segundo sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga mata. Na para bang ang mga mata nila ay hindi marunong magsinungaling. Tila ba sila ang nagsasabing may nararamdaman sila sa isa't-isa.

Subalit sadyang Indenial Queen ang kagaya ni Roanne kaya kahit anong mangyari ay hindi niya ipahahalatang gusto niya ang lalaking iyon.

Pero paano nalang kung isang araw ay malaman niyang matagal na pala siyang minamahal ng lalaking gusto niya? At ang ginagawa nitong pananakit sa damdamin ng dalaga ay hindi niya kagustuhan dahil iyon ang kailangan niyang ipakita sa dalaga upang hindi ito ilayo ng tuluyan sa kaniyang buhay.

Maniniwala kaya siya sa mga narinig niya mula sa binata? Sasabihin din kaya niyang mahal din niya ang lalaking iyon? O pipigilan na lang niya ang damdamin para sa lalaki at sa gayon ito naman ang masaktan?

INDENIAL HEART..

BY -- SuzeeJudsee

Copyrights,2015..

••

W/N: This is a Fictional Story! Which only means that this Story is Existing in my IG (ImaGinaton) Hahaha!

Salamat kung babasahin mo ito. Salamat kung mapapasaya ka nito. Basta salamat sa magbabasa nito.

Just Read it to Enjoy it! Ansabee?

Hahahaha!

Hart.Hart.Hart.

xoxo :)

Happy New Year! :)

Indenial HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon