A/N
If may gusto po kayong itanong sakin just pm me
=============
Chapter 09
=============Ash's POV
"Saan naman tayo ngayon pupunta ash?" tanong sakin ni Prince habang nagdadrive siya..
Kakaalis lang namin sa na-HouseNap namin... At nandito kami ngayon lahat sa truck. Balak ko sanang dumaan muna kami sa mga 7 eleven o kaya naman ay sa Ministop kasi nauubos na yung stock namin ng pagkain.
"Stop over muna tayo. Kung makakita ka ng mga markets na malapit or madaanan." sabi ko sa kanya.
"Sakto nasa tabi na natin yung Robinson's . Ano? Diyan nalang?"
"Mmm.... Diyan nalang tayo. I-park mo nalang to malapit sa Entrance para mabilis madali total wala narin namang huhuli satin eh."
"Haha! You're right." natatawa niyang sabi sakin.
Pagkatapos ng usapan namin ni Prince ay nag-ready na ako ng armas ko. Pumalakpak ako at nakuha naman nilang lahat yung atensyon ko.
"Stop Over muna tayo dito sa Robinson's. Kukuha lang tayo ng stock ng pagkain natin sa loob.Raise your right hand if you want to come with us." sabi ko sa kanilng lahat at nkita ko namang mabilis na tinaas ni Godwin yung kamay niya. Argh! Ayan na naman siya -_-...Sumunod naman si Meg at Devon. Pati narin yung iba. Lahat sila nagsitaasan ng kamay.
"Ready your weapons now paniguradong may mapapatay tayong Panget ngayon." sabi ko. Ni-ready ko yung dala-dala kong armalite ngayon pati narin yung espada.Ni-ready narin nila yung mga armas nila at sumenyas sakin na ready na ang lahat.
Maliban nalang sa kambal at sa isa pa naming kasamahan. Si Maam Kate. Isa siyang nurse na kasama nina Godwin.
Bumaba kaming lahat sa truck ng tahimik at dumiretso sa Entrance. May mga nadaanan kaming mga panget pero sabi ko Hayaan nalang sila dahil pag bumaril pa kami baka lalo pa kaming maka-attract ng iba pang panget.
Salamat naman at may nakita kaagad kaming minimart dito kaya pumasok na kami at alisto na binantayan ang paligid. Clear naman iyon kaya ni-lock muna namin saglit yung pinto tsaka kami naglagay ng mga pagkain sa bag na dala-dala namin.
Pagkatapos namin kumuha ay lumabas kami ng tahimik at paalis sana ng may marinig kaming napakalakas na ungol sa may di kalayuan namin.
"AAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRGGGGGGGGHHHHHH!!!!!" Malakas na ungol niya at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon namin. Sh*t! Bakit may higante dito?!
"Mommy! Siya yung sinasabi naming Giant Zombie na Pinatay namin." sabi sakin ni Jr.
Tinignan ko yung zombie na lumalakad papunta samin. Alam kong hindi ito isang ordinaryo lang na zombie dahil Malaki siya at ang mas nakakagulat pa ay iba-iba ang parte ng katawan niya. Sa kaliwang braso ay braso ng babae tapos sa kanan naman na braso ay isa namang malaking braso ng lalake. May hawak-hawak siya na dalawang bangkay.
Grabe ang laki nya. hanggang dibdib niya lang ako. Bimalik ako sa huwisyo ng bigla na naman siyang sumigaw ng pagka-lakas.
"AAAAAAAAARRRRRRRGGGGGHHHH!!!"
"Lumabas na tayo!" sigaw ko.
"No use! Maraming ng Zombie sa Entrance." -Meg
"Now what are we going to do?!"- Zoe
Tinignan ko ang paligid. Napapaligiran na kami ng mga panget dagdagan pa yung higanteng panget. Argh! We have no choice but to-
"Kill all of them." I said
"What?! Ang dami nila. Hindi natin kaya."- Zoe
"Kaya natin yan. Tiwala lang." sabi ni Godwin. Tumingin namn ako sa kanya. Kinindatan niya na naman ako. Hay naku. Ayan na naman sya.
"Everybody get your asses fired up! NOW!" Sigaw ko at sabay sabay kaming lahat na sumugod.
Sasak dito,saksak doon. Baril dito,baril doon. Wala kang ibang maririnig kung hindi ang mga tunog ng mga armas namin at ang mga ungol ng mga panget."AAAAAARRGGGHHH!!" Sigaw na naman ng panget kaya Tinignan ko sa right side ko si Devon at tumango kaming dalawa.
Tumingin kaming dalawa sa Higanteng panget at sumigaw ako ng-"Let's Do this!" Sabay kaming tumakbo at salitan kaming lumiko at binaril naman niya and magkabilang tuhod ng halimaw at napaluhod naman ng wala sa oras yung panget. TInignan ko si devon at nginitian niya naman ako. At yon na and chance ko para mapatay na tong panget na halimaw na to.
Tumalon ako ng malakas atsaka tinaga ko sa ulo yung halimaw gamit ang samurai ng dala ko. Tumalsik sakin ang mabaho at nakakadiring kulay pulang dugo nito at Dahan dahan namang natumba ung halimaw kasabay ako na nasa ibabaw nito. Inalis ko na ang samurai ko sa kadiring mukha ng panget na to at lumapit Kay devon.
Nag-apir kaming dalawa at sinabihan niya ako ng --"Good Job." Sabay nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Naramdaman Kong biglang humina ang tibok ng puso ko at Hindi ako makahinga.
Natumba ako sa kanya at yakap-yakap niya ako. "Ash! Anong nangyare sayo?!" Natataranta niyang sabi at tinignan mo naman siya mata sa mata. Hindi ako makahinga at parang inaantok na ako. Bago ko ipinikit ang mata ko ay may narinig akong bulong.
"Please wag... wag mokong iwan ulit..."
...........
End of chapter 9~

BINABASA MO ANG
Dead Zone
RandomPahalagahan mo lahat ng mahal mo sa buhay mo. 'Di natin alam, baka bukas.... Hindi mo na sila masilayan.. (This is a Zombie story. Slow Update po siya. Magaupdate lang ako kapag nagkamood ako hehe)