Chapter 2

174 102 195
                                    

A/N

Play the music once you've reach the thriller part of the chapter.....

Vianni's P. O. V

"Huy dear bakit ka naman nakatunganga dyan? Nahuli lang kami ng pinsan mo nagkaganyan ka na." Something was not right, I mean I know I felt something pero bakit hindi ko ito maalala.

"Insan ok ka lang ba? Tatawagin namin sina tita kung hindi ka ok." Ano daw gusto niya bang maging ok ako kung hindi isusumbong niya kay mama. Ang sarap upakan ng mga malalanding 'to. Sus kung hindi ko lang mahal ang bestfriend ko matagal na 'tong may black eye si Caleb. Mula noon hanggang ngayon isip bata parin.

"Ok na ako tara tulungan niyo na ako doon." Napa fake smile ako kaya sumunod na sila sa akin. Naabutan din kami ng ilang minuto para makuha lahat. Mas lalo kaming natagalan dahil sa pag-aangal ni Caleb.

"Ohh nak bakit natagalan kayo?" Kung ok lang sanang sabihin ko na umangal pa si Caleb kaya natagalan kami sasabihin ko ehh pero para malaman niyo laging kampi si mama sa kanya kaya no no nalang.

"Ahh medyo nadala lang po ako ng antok heheh..." Napatango si mama at nagpatuloy kami sa pagluto. Alam kong madami talagang bisita ngayon dahil kagawad na si papa.

✴✴✴

"Natapos rin!" Alas singko na ngayon at wala talaga akong tulog ngayong araw na ito. To make it all clear hindi pala ako nakatulog, have you ever felt this feeling na nakapikit ka lang at akala mong tulog ka talaga pero hindi nga pala.

" Nak nakatunganga ka naman kung inaantok ka matulog ka muna kami ng bahala dito wala ng pero-pero" Hay sweet relief. Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at agad na hinalikan ang kama. I miss sleeping at dahil dun hindi ko napansin na nakatulog na agad ako.

"Mahal na mahal ko si Elisia!" Sigaw ng isang lalaki sa tapat ng malaking kastilyo. Si Elisia na naman, sino ba kasi siya? Pinilit kong gumising dahil ilang araw na talaga akong nanaginip nito pefo may napansin akong pamilyar na babae. Kamukhang-kamukha niya si lola noong kabataan niya pero hindi naman Elisia ang pangalan ng lola ko.

Hindi ko talaga mamukhaan ang mga tao dito at tanging ang mas batang version lang ni lola ang pamilyar sa akin. Alam kong mga ilang segundo nalang ako tatagal sa panginip na ito dahil nagsimula ng mawala ang ibang istraktura. Pero bago paman ako mawala ay may kung anong salita ang lumabas sa aking baba.

"Veronica sabihin mong magkita kami mamaya." Tama nga ako si lola ito pero that means ako si Elisia, ano na bang nangyayari?

"Huy dear gising na nauna na sina mama at tita! Tara na, ok na sa akin na hindi ka maliligo." Hindi pa sana ako babangon ng tinulak niya ako kaya agad na akong nanghilamos at nagbihis.

"Dear dito ka lang muna hintayin mo ko haa may nakalimutan lang ako sa bahay." Ang ganda ng umaga ngayon so I took a moment to appreciate it ng may napansin akong biglang dumaan sa likod ng bahay namin. Agad ko itong sinundan but that's when I realized that I made a big mistake. Yung creepy na lalaki sa terminal iyon and right now he's transforming into a hideous, muddy golem?

"Akala ko mahihirapan akong patayin ka Elisia pero hindi ko inaasahan na kunting kaluskus lang ay susundan mo." Napatawa siya, yung tawa na maririnig mo sa evil villains ng isang movie.

"Sino ka ba at anong kailangan mo sa akin!" Tumatawa siyang lumalakad sa direksyon ko. Shoot kaparehong-kapareho to sa panaginip ko, hello Mister Voice in My Head kailangan ko po ngayon ang tulong mo! Diba gusto mong maligtas ako asan na ang bunganga mo ngayon? Hello?

Venator Academy: School For Hunters And Magi (Book 1 Of The Hunters Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon