Chapter 12
Zyrrus' P. O. V.
We just got back from our mission medyo marami rin ang nasaktan sa ibang groups kaya naman puno ang Med Room so Theresa and Galena requested the area to be expanded. Wala naman itong problema since Madam Alphaba already casted the spell to make the area larger. Nag-aalala ako ngayon kay Via dahil sinabi nina Theresa na malala daw ang mga natamo niyang sugat it's actually a miracle that she survived. Pinatuloy nalang din dito ni Headmaster Feyer ang babae na iniligtas namin dahil sa ulila na ito napag-alaman ko na Jillian pala ang kanyang pangalan.
"Zy thanks for having our backs out there huwag kang mag-alala masyado kay Via dahil matatag iyon ehh..." Alam kong nag-aalala rin si Lei kay Via pero tama siya malakas naman si Via. Hindi ko lang alam kung bakit ganoon nalang ako mag-alala I was never like this to my old teammates.
"Zy I heard what happened are you okay?" It was Daesa mag-kaibigan narin sila ni Via kaya naman grabe ang pag-aalala nito. "I'm fine but she's not..." Napatingin ako sa hinihigaan ni Via, napuno narin ng bandages ang katawan niya.
"Kuya she's a fighter, you really care for her don't you? Mukhang in love ka na ata kuya ehh." Napatawa silang dalawa ni Selene, hindi ko pa gaanong nakikilala si Via how can I possibly be in love with her? Kapatid ko ba talaga 'to? Hindi ako sanay na marinig siyang magsabi ng ganyan she's usually cold. "What are you talking about Daesa? Are you okay? Mukhang napuruhan ata yang ulo mo sa labanan." Mas lalo silang tumawa at tinuturo pa ang mukha ko, wala naman sigurong mali sa mukha ko.
"Para kang kamatis ngayon Zy ang pulang-pula ng mukha mo that means gusto mo talaga si Via. Si kuya puma-pagibig na!" I just smiled at Daesa's reaction, medyo matagal narin na nakita ko siyang ganyan kasaya specially after missions.
"Tumahimik kayo diyan! May mga nagpapagaling dito tapos kayo tawa-tawa lang diyaan. Labas!" Okay maybe it was too much kaya pinalabas na kami. I looked at Via for the last time this day and smiled. Maybe those were right, maybe I am slowly falling in love with her. 'Goodnight Via, wake up soon...' And after that the doors were closed.
5 Days Later
Vianni's P. O. V.
"Hinding-hindi ka makakatakas sa akin Via! Babalik si Elisia at mamatay ka!" Pinipilit ko ang sarili ko na tumakbo pero I was just frozen, hindi ko maiglaw ang binti ko. He was walking in my direction at noong aatakihin niya ako ay biglang nagbago ang lahat. Nangdito ako ngayon sa hardin ng Academy, pero may mali. Wasak na ang kastilyo at nakahandusay ang mga katawan ng mga estydante dito and that's when I saw myself. A compñete replica of me from head to toe. It smiled at me while holding something, a head. My head.
"I did it Via! We did it Hahaha..." This is a nightmare and I have to wake right now pero ayaw talagang mag-mulat ng mata ko. I want to wake up, I'm trying to pero walang ginagawa ang katawan ko. When I thought all seemed lost dumating siya, si Zyrrus. He was lending a hand and after that I woke up.
"She's awake! Galena tubig!" Hinihingal ako ngayon at ang bigat ng dibdib ko. Was it sleep paralysis? Bakit hindi ko maigalaw at magising ang sarili ko. Tama nga ang sinabi nila you will never know what fear truly is until you experience sleep paralysis. "Tawagin mo na sina Lei at Zyrrus para malaman nila na gising na siya ako na ang bahala dito." Napatango si Galena at dali-daling lumabas, naiwan naman sa tabi ko si Theresa.
"Narinig ko lahat ng sinabi mo sa mga panaginip mo. Magpakatotoo ka nga, nagbanta sa iyo si Sigrus?" Sino naman ang Sigrus na iyan hindi ko pa nga kilala kung sino si Elisia darating na naman siya. "Hindi mo siya kilala. Siya lang naman ang Leader of Monsters, isa siyang dating estydante dito." Lumipat si Theresa at binuksan ang isang lumang aparador. Tatayo sana ako pero agad akong natumba. "Diyaan ka lang hindi ka pa makakalakad ng maayos." Mariin niyang sabi, malala pala ang natamo kung mga sugat pasalamat nalang ako sa lumigtas sa akin. May kinuha siyang aklat na luma narin, napapalibutan na nga ito ng alikabok. "Isa ito sa mga talaarawan niya, sasabihin ko lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya." Umupo siya ulit sa tabi ko at hinipan ang alikabok na naipon sa libro. Napa-hatsing nalang ako sa dami ito naman kasing si Theresa eh.
"Isa sa mga magagaling na students dito noon si Sigrus pero hindi naman siya pala-kaibigan. Lagi siyang binabantayan ng mga guro dito dahil sa hilig niya sa mga halimaw, halos hind nga siya gambalain nito. Kinamumuhian siya ng lahat dahil sa natatangi niyang kapangyarihan maliban kay Elisia..." Si Elisia finally malalaman ko narin kung sino talaga siya.
"Ipinakita niya kay Elisia ang kapangyarihan niya at nangdoon ako ng gabi na iyon Vianni, nako-kontrol niya ang iba't-ibang klase ng halimaw. Natakot at umiwas muna sa kanya si Elisia na ikinagalit niya mas lalo pa siyang nagalit ng napalapit ito kay Giovanni." So lahat ng mga letters at librong nakita ko noon sa isang secret compartment sa library pag-aari lahat ng iyon ni Sigrus.
"Binuhos niya ang lahat ng kanyang oras para maging bihasa sa kanyang kapangyarihan at pagkatapos ng lahat ng iyon inatake niya ang buong Academy, marami ang nasawi ng araw na iyon kasama na sina Elisia at Giovanni maswerte namang nakaligtas ang lola mo..." Si lola pala ay isang student dito kaya naman pala madali akong nakapasok dito.
"Via?" Naputol ang nversation namin ni Theresa ng biglang magbukas ang pinto ng Med Room. Tumakbo sa direksyon ko si Zyrrus na sinundan nina Lei at Daesa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon kung bakit masaya ako na makita si Zyrrus.
"Okay ka lang ba? Walang masakit?" Kailan siya naging caring? Hindi ako na-inform. Okay ba yung hindi makalakad ng maayos common sense naman Zy.
"Okay lang ako huwag kayong mag-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin. Bigla atang tumigil ang mundo ng nangyari to. Why do I feel so happy all of the sudden. "Sorry I was just worried..." Hiyang-hiya siyang umatras habang pinagtatawanan nina Lei.
"Via we're so glad that you're awvake." Niyakap narin ako nina Lei pati narin ni Daesa. How long was I out? Nakalimutan kong itanong kay Theresa. "You've been out for 5 days nakalimutan ko palang sabihin." Theresa winked at me, she read my mind. Ang angas naman pala niya kahit medyo matanda na.
"Via still has to stay for this night para tuluyan na siyang gumaling tomorrow she would be back in her old self." We talked a lot about sa mga nangyari hindi ko pa nasasabi sa kanila ang totoo but I'm willing to para naman matulungan nila ako. I fear that if this gets longer maaring gamitin ni Sigrus ang pamilya ko as my weakness para makuha ang gusto niya.
The whole hour passed at nagpaalam na sila sa akin na babalik na daw sila sa kanilang respective classes. Parang wala lang nangyari sa Academy na'to medyo marami parin ang nagpapa-galing pero back to normal na ang schedule ng classes, na-miss ko tuloy yung school ko dati. The whole day I did nothing but just sleeping and eating feeling ko tumataba na ako.
✴✴✴
I'm so excited today ngayon nakalabas na kasi ako sa Med Room and I'm ready to tell them what really happened. Inabangan nila ako sa labas which makes me feel special. Never naman talaga ako nagkaroon ng ganitong ka-close na mga kaibigan except kay Hazel kaya natatakot ako na mawala o mapahamak sila dahil sa akin.
"Via nice to have you back so how's your first hunt?" Agad na bungad ni Daesa ngayon ko lang napansin na kasama din nila yung elf na napunta dito last month na si Herald. "Guys we need to talk." They all looked at me seriously pati narin si Herald. Sa pagkaka-alam ko isa siya mga alipin ni Sigrus dati.
"I think if you would help me we can beat Sigrus. He told me something ng nakalaban ko siya noong misyon natin." They all listen closely as I spilled the truth.
"He has been talking about this Elisia girl, sa pagkaka-alam ko isa rin siya sa mga dating students dito noon na namatay dahil sa pag-atake niya. She's trying to bring her back, may nakita akong secret compartment sa library na pinapaniwalaan kong pagmamay-ari ni Sigrus." Bigla namang nag-salita si Zyrrus
"Then we have to put the pieces together to save our school and the other realms..."
A/N
Sorry po sa matagal na subjects. Lagi lasing umuulan dito for the past weeks kaya humina ang signal. I'll make it up to yoy darlings next time❤❤❤
BINABASA MO ANG
Venator Academy: School For Hunters And Magi (Book 1 Of The Hunters Series)
Fantasy"La Sequoia, isang lugar na puno ng misteryo at mahika. Marami ang naniniwalang sa buong pulo ng Pilipinas ang lugar na ito ang sentro ng mahiwagang kapangyarihang matagal ng itinatago ng mga Miteo. Walang kahit sino mang taga lupa ang nakatapak sa...