Chapter 1: Encounter

12 9 0
                                    


Everything is fading away..

Eveything seems to be familiar but I can't remember a thing..

Who am I? Sino ako?

Sino ka?

Nasaan ako?

Tuloooong! Tuloooong!

Booooooogshhh! Aray ansaket!
Nagising ako dahil sa lakas nang pagkakahulog ko sa aking higaan panaginip lang pala ang samang panaginip non ah nakalimutan ko ang lahat? Hahaha di nakaka tuwa yun ah?

Ay sya nga pala ako nga pala si Reina Angelie Quevas tawagin niyo na lang akong Reina ang Reina nang buhay mo hahaha ang Reina na naghahanap ng kanyang hari.

"Anak ano yun? Nahulog ka na naman ba sa higaan? Nakuuu talaga tong batang ito."

At iyan ang tatay ko si Tatay Arthur yan ang the best tatay in the world kami na lang kasi ang natira dito sa bahay wala na akong mommy pero may step mother ako na sobrang bait.

"Pangga? May nangyari ba kay Reina? Ang lakas nang kalabug non ahh pabigat bg pabigat na ata tong batang ito."

Siya si Nanay Lucela ang step mother ko siya ang nagpalaki sa akin tinuring niya akong para niyang tunay na anak dahil hindi siya maaaring magbuntis.

"Yow parents! Nagising kayo noh? Hahaha pasabog kasi ang gusto kong pag gising kaya ganon hahahha."

At nag tawanan lang kaming tatlo ganito na talaga ang gising namin dahil sa kalabog na ginawa ko kapag nagigising ako sa masamang panaginip iwan ko ba bakit ba ako nahuhulog sa kama eh malaki naman ang higaan ko. Malikot lang siguro akong matulog haha.

"Bumaba na tayo Tay maghanda na tayo nang agahan at maligo kana Mahal na Reina malalate ka na naman."

"Opo nay sexy nyo ngayon ahh."

"Sigeee na talagang bata ito oh maligo kana."

Mabilis akong pumasok sa loob ng banyo at naligo.
Nag hanap ako ng susuotin na damit para sa school dahil alam mo dapat maayos ang porma natin sa pagpasok maraming haters ehh.

Nasa ika 3 taon na ako nang hayskul sa isang pribadong paaralan. Lahat ng gusto ko ay binibigay nang aking Tatay at Nanay may mga negosyo kami at hindi naman kami nag hihirap pero ang aking mga magulang ay pawang mga simpleng tao ayaw nila nang nagwawaldas ako ng pera.

"Reina? Tapos ka na ba diyan? Kakain na." Pag tawag sa akin ng aming katulong sa bahay na si Manang Ester simula bata pa lang ako ay siya na ang aking yaya.

"Opo Nanang tapos na ako pasok po kayo tingnan niyo ako at sabay na tayong lumabas ng kwarto ko."

"Wow ang ganda naman talaga ng alaga ko patingin sige pose anak hahaha nakakatuwa ka talagang bata ka." At tumawa lang siya dahil sa tuwa niya sa akin dahil sa pag rampa rampa ko sa loob ng kwarto ko.

Inakbayan ko si Nanang papalabas ng kwarto at nakita ko ang ibang mga katulong na nag lilinis ng bahay.

"Good Morning sa lahaaaat."

"Good Morning po Maam Reina."

"Reina nalang po wag na ang Maam."

At dumiretso na ako sa hapag kung saan nandoon na sina Nanay at Tatay.

Kumain na kami at pagkatapos ay hinatid na nila ako sa school at sila naman ay papasok na sa trabaho.

"Anak hanggang dito na lang kami sa gate nagmamadali kasi talaga kami anak heto baon mo love you." Sabi ni Nanay habang pababa na ako nang sasakyan.

"Walang problema Nay babaye po ingat kayo, tay ingat sa pagmamaneho Love you too din po." Pagpapaalam ko sa kanila.

Papasok na sana ako ng gate para ipakita ang ID ko nang may lalaking mabilis na tumakbo papunta sa gawi ko dahilan para matumba ako.

"Araaaaay! Hoooooy!"

"Ay Sorry! Haharang harang ka kasi."

"Gagooo! Arggghhh!"

Agad na siyang umalis at hindi man lang akong tinulungan makatayo buti na lang at may nag abot ng kanyang kamay sa akin.

"Let me help you sorry dun sa kaibigan ko nagmamadali kasi may hinahabol."

"Okay lang di ka nga dapat mag sorry, siya yung may sala."

"By the way Im Marcus." Sabay abot ng kanyang kamay sa akin.

"Reina." At inabot ko rin ang aking kamay sa kanya.

"Sige I'll go ahead Reina see you when I see You." At nag lakad na ito papalayo sa akin ang gwapo naman niya haaay mukhang gaganda talaga ang araw ko nito.

"Hoooy gaga! Abay muntik na tayong ma late ahhh tagal tagal mo sa gate mo pa ako pinaghintay pero infairness ha nakausap mo yung Marcus sikat yun dito sa school at kakalipat lang nila at isa pa yung naka bangga sayo apo yun ng may ari dito sa school ingat ingat ka ha??"

At ito ang bestfriend kung si Dutchess Yap ganda ganda ng pangalan at maganda rin naman kahit papaano bungangera nga lang.

"Halika na nga ang dami mo pang satsat alam mo nga na malalate tayo diba?"

At pumasok na kami sa loob ng classroom namin at doon namin nakita ang iba pa naming mga kaibigan sina Arvie Cruz sa umaga at Varvie sa gabi, Lilian Santos at Micheal Dela Cerna sa umaga at Michelle sa gabi.

"Hoy! Topic ka nang buong school ah." Sabi ni Arvie sa akin na ikinagulat ko.

"Ako? Me? Myself?" Pagtataka ko

"Ah hindi mahal na Reina ikaw gung kaharap ko diba?"

"Ano na naman ba ang ginawa ko? Lagi nalang ganito ah."

"Sinigawan mo raw si fafa Harry nang gago dahil nabunggo ka niya."

"Gago naman talaga hindi man lang ako tinulungan. At sino naman yun?"

"Ladies and Gentlemen may I present to you Harrie Lewis Stevenson ang nag iisang Heir ng mga Stevenson na nagmamay ari ng Stevenson University as in STEVENSON U!" Pagsasalita ni Michelle na hudyat para pumasok ang isang lalaking matangkad na sinundan nang dalawang lalaki sa likod at isa na doon si Marcus.

"IKAW?!" Nasambit ko nalang sa kawalan.




Author's Note 📝

Hi mga palangga❤️ this is my second story and I am still working on it.
At wag nyo pa ring kalimutan ang isa ko pang story ang Win You Back☺️
Don't forget to Vote and Comment💋
xoxo Nanawrites

CHASING MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon