Will you marry me?
Will you marry me?
Will you marry me?
Nagising ako sa isang napakasamang panaginip na parang totoong totoo.
"Hmmmm." Daing ko nang magkamalay ako na ngayon ay nasa kwarto na.
"Anak ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Myghad Reina muntik na akong atakihin sa puso sa nangyari sa iyo anak." Sabi nang nanay sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin sa aking silid at nakita ang isang lalaking naalala ko pero saan? Urgggh bigla bigla na namang sumasakit ang aking ulo.
"Anak aalis muna kami iiwanan ka muna namin kay Harrie okay?"Sabay halik sa aking noo at kinausap muna saglit si Harrie at tumango-tango naman ito.
Inihatid ni Harrie ang aking mga magulang sa labas nng pinto nang kwarto ko at bumalik na ulit sa loob at ipinaghanda ako nang makakaing meryenda na inihanda nila nanay para sa akin at iniwang sa mesa ko.
"Here eat up pagagalitan ako nang nanay at tatay mo pag di mo ito naubos."
"Kaya kong maghanda at kumain mag isa." Mataray kong sagot na hindi man lang niya pinansin.
Tumayo ako at pumunta malapit sa gawi niya. Nang malapit na ako sa kanya ay nahilo ako at muntik na ulit matumba buti na lang at mabilis niya akong nasalo at parang nag slo-mo ang buong paligid ko. Nagkatitigan kami habang hawak hawak niya ako, nalulunod na kami sa aming mga tingin nang mabitawan niya ako dahil sa pumasok bigla si Nanang upang painomin ako nang gamot.
"Araaaaaay!" Sigaw ko dahil na rin sa hiya hahahahha
Nilapitan ako ni Nanang at tinapik sa balikat si Harrie upang humingi nang tulong. Tinulungan nila akong makaupo at kumain na lamang ako nang tahimik at lumabas naman sa viranda si Harrie upang magpahangin.
Pagkatapos kong kumain ay nagpasya akong maligo dahil madilim na sa labad at parang may amoy na ako na hindi ko gusto. Naligo ako at makalipas ang isang oras ay lumabas na ako upang matulog nang laking gulat ko ay nakahiga na si Harrie sa queen size bed ko. Saan ako matutulog nito ngayon? Inalog-alog ko siya upang magising nang laking gulat ko na hilahin niya ako at ipinulupot ang dalawang kamay sa buong katawan ko.
"Hmm you smell so good." Ahhh manyakis din pala tong hambog na ito.
Pinitik ko ang kanyang noo dahilan para magising ito sa katotohanan.
"Bakit ka naka yakap sa akin haa? Are you planning something?" Pagsisigaw ko sa harap niya. "Bitawan mo nga ako kung ayaw mong tumawag ako nang pulis."
"Wow pulis haha natakot naman ako, hoy asungot wag kang assuming nanaginip lang ako ganoon ako managinip haaa! Swerte mo!" Sabi niya habang binibitawan ako sa pagkakayakap.
"Neknek mo! Umuwi ka na sa bahay ninyo baka nakakalimutan mo bahay ko to!" Hindi na ito sumagot at bigla na lamang umalis sa aking kwarto at bumaba. Narinig ko na lang ang pagharurot nang isang sasakyan paalid nang aming bahay. At doon ko napag pasyahang matulog dahil antok na antok na ako at pagod dahil sa nangyari sa buong araw.
Tulong! Tulooong!
Araaaaaay! Hindi mo ba nakikita may tao dito oh!
Ikaaaw?! Anong ginagawa mo pati sa panaginip kooo?! Hoooy sumagot kaaa?! Loko to ah HOY HARRIE!
------
To be continued...
BINABASA MO ANG
CHASING MEMORIES
RomansMga alaalang unti unting nawawala mahahabol mo pa kaya? Pagkalimot mo sa mga taong nagmamahal sayo ikasasaya mo kaya? Ito ay estorya nang pamilya, pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang babaeng untiunting lalamunin nang pagkalimot at maghahabol sa ka...
