Chapter 6: The Merge

5 3 1
                                    


Nagising ako sa isang nakakasilaw na liwanag galing sa labas nang aking viranda. Agad akong bumangon at nag handa na para sa pag pasok ko sa school.

Mabilis akong natapos sa pag handa at agad na bumaba upang mag agahan natagpuan ko ang aking mga magulang na siyang nangunguna sa paghahanda nang agahan. Gulat nila akong tiningnan at gulat ko rin silang tiningnan.

"Saan ang lakad mo anak?" Tanong ni Tatay sa akin

"School po saan pa po ba?" Sagot ko habang ngumunguya nang pandesal.

"Reina anak Sabado ngayon walang pasok."

"Po? Eh hindi pa po ako pumasok kahapon? Diba? Wala nga tayong ginawa kahapon."

"Ija nandito kahapon ang mga Stevenson sa bahay may pinag usapan nga tayo diba?"

"HA? Sino po sila? Wala po akong naalalang may bumisita sa atin kahapon wala naman pong ganap."

Nagtatakang nag lingunan ang aking mga magulang at ibinaling na lamang ulit sa pagluluto ang kanilang atensyon.

Pagkatapos naming kumain ay pumanhik na ulit ako sa itaas upang magbasa nang libro. Wala masyadong ginagawa dahil Sabado naman at pahinga para sa akin. Buong araw akong nag lagi sa loob nang kwarto. Madilim na nang bumaba ako para sa hapunan. Nagulat na naman ako nang may bisita kaming hindi ko naman inaasahan.

"Hi?" Mahinhin kong sabi sa kanilang lahat.

"Reina anak halika na kakain na tayo nandito si Harrie pinapunta ko para matikman tong mga lutuin ko." Ngiti lang ang naisagot ko kay Nanay at ngiti rin ang bati ko kay Harrie.

Tahimik lang ako at biglang binasag ni Tatay ang katahimikan.

"Anak, Harrie napag usapan na namin na kapag nasa tamang edad na kayo ikakasal bata pa naman kayong dalawa at aral muna bago kasal."

"Teka Tay? Anong napagusapan?"

"Don't you remember? We are in a fix marriage thingy." Sabi ni Harrie sa akin na katabi ko lang.

"Ha? Kailan yun? Wala akong maalala."

"Wag mag biro nang ganyan Reina." Sabi ni Nanay

"Really Nay wala akong maalalang kasunduan na ganon eh naalala ko si Harrie oo pero yung mga nangyari sa amin wala nay as in wala."

Habang kumakain kami ay may mga alaala akong bumabalik at bigla ko nalang ikinagalit, tumayo ako bigla at nag simulang maglakad papunta sa kwarto nagulat ang aking mga magulang sa aking inasta.

Kanina wala akong maalala at ngayon may mga ala ala akong bumabalik? Ano yun magic? Sumasakit na naman ang ulo ko super stress naman kasi ako this past few days kaya ganito o di kaya mini amnesia to? Haha may ganon ba?

Dahil naging boring ang mga oras na nilagi ko sa kwarto kaya napag isipan kong pumunta nang mall dahil gusto kong mamili nang bagong damit dahil sabi ko nga bored ako.

Matagal akong nag stay sa mall dahil parang ang tagal ko nang hindi nakakapunta roon. Habang namimili ako nang damit ay may mga babaeng nakatingin sa aking gawi at parang pinag uusapan nila ako. Hindi ko sila pinansin at patuloy lang sa pamimili nang lumapit pa sila sa gawi ko.

"Iyan yung fiancée daw ni Harrie ang pangit naman." Sabi nang unang babaeng akala mo naman sobrang ganda. "Hmm kaya pala naging fiancée kasi dahil sa arrange marriage I bet walang nagkakagusto kaya ganyan ang solusyon si Harrie ko pa!" Sabi nang lider nilang mukhang sosyal pero di naman sosyal kumilos.

Inisin ko kaya tong mga bruhang ito. Kinuha ko ang aking telepono at kunwari ay tinawagan si Harrie.

"Hi Fiancée how are you? Namiss mo naman ata ako agad magkasama naman tayo kanina sa kwarto ah." Maarte kong sabi. At nagpatuloy sa paglakad papunta sa gawi nang mga babaeng haliparot.

"Urggh! Alis na tayo girls akin parin naman si Harrie magkasama kami kagabi sa bar at things get so steamy between us kawawa naman ang hilaw na fiancée niya cheee!" At umalis na sila naparang mga malditang kontrabida sa mga palabas na nanguguna ang lider at kasunod nito ang mga alipures nito.

Natawa ako nang umalis na sila dahil makikita sa mga mukha nito na sobrang inis na inis sila sa akin hahahah.

Pumunta na ako sa counter at nag bayad nang kamahal mahal sobrang bored ko naman ata pagagalitan na naman ako nila tatay nito dahil sa dami nang binili ko.

Isinakay ko ang mga nabili ko at dumiretso na at umuwi sa bahay upang doon na mag hapunan dahil magagalit si Nanay kung sa labas ako kakain dahil dagdag gastos lang daw yun at mas masarap ang luto niya kaysa sa luto nang mga restaurant at fast food chain which is totoo naman.

"I'm home! Tay? Nay? Anybody Home?" Sigaw ko habang inilalapag sa sahig ang lahat nang nabili kong gamit. Shooocks!! Nakalimutan kong hindi kami dito mag hahapunan sa bahay pala nang mga Stevenson. Dali dali kong kinuha ang aking telepono at tinawagan si Nanay.

"Nay? Late na po ba ako? Sorry po talaga." Nag aalala kong tugon sa kanya. "Ayos lang anak kakarating lang din namin dito maraming tao dito anak birthday nang Tito Reginald mo kasi formal attire may damit kana sa kwarto mo bilisan mo magpa drive ka kay manong okay? Ingat anak." Sabi nang nanay sa kabilang linya.
Dali dali akong umakyat papunta sa kwarto ko at naligo, nag make up at nag bihis nagawa ko yun lahat sa loob nang 30 minutes. Pagkatapos noon ay tiningnan ko ang aking sariling maayos naman at parang naging tao sa gabing ito.

Dumating ako sa venue nang insakto sa oras pagkababa ko ng sasakyan ay may mga lalaking lumapit sa akin at inalalayan ako papasok nang venue papasok sa malaking pintuan at pinagbuksan nila ako.

"Please help me Welcome my soon to be daughter in law Ms. Reina Angelie Quevas." Nasilaw ako sa sobrang liwanag nang spotlight na naka tutok sa akin palakpakan at hiyawan ng mga taong hindi ko naman kakilala ang aking narinig. Ngumiti lang ako sa mga ito habang pababa nang hagdanan papasok sa loob ng hall malapit na ako sa gitna nang kunin ni Harrie ang aking kamay at iginaya niya ako papunta sa entablado upang pormal na ipakilala nang kanyang mga magulang kasama ang aking mga magulang.

"We are all gathered today for the announcement of the merging of Stevenson Corp and Quevas Group of Companies. To formally merge our company into one we also announce that our only heirs are officially engaged yes you heard it right theyvarw getting married not now but in the right time and of course with love." Gulat kong narinig galing sa ama ni Harrie. This is way too fast. "What's the meaning of this Harrie?" Tanong ko kay Harrie na malaki ang ngiti sa mga taong nandoon. "Mamaya na ang tanong exposure to Reina shhhh." Sagot lamang niya at sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Everybody enjoy the night and let's party!" Sabi ni Tatay at bumaba na kami ng entablado at lumapit sila sa mga bisitang halatang malalaking taong panay ang kamay sa kanila pati na rin sa aming dalawa ni Harrie na nakaalalay sa akin. "Enjoy ka naman kakahawak sa beywang ko noh?" Sabi ko sa kanyang siniko siya sa kanyang tagiliran. "Exposure Reina." Iyan lamang ang naisagot niya sa akin habang ngumingiti.

"Hindi ko alam nakanobya na pala tong anak ninyo at sakto pang isabg Quevas good catch ijo business minded ka rin pala." Sabi nang isang bisita na kasosyo daw nang Daddy ni Harrie. Hindi nmn ako nahirapan sa pakikitungo sa mga tao roon dahil panay ang sabi ni Harrie nang mga pangalan ng malalapitan namin.

"Actually I wasn't thinking about business when I met her sir it was love who brought us together." Hindi ko inaasahang tugon ni Harrie sa kausap namin sabay akbay sa akin papalapit sa kanya.

Marami kaming nakasalamuha sa gabing iyon at sobrang nangalay ang akong paa dahil sa mataas ang heels na gamit ko at tsaka hindi ko rin iyon inaasahan na halos lahat ng tao doon ang kakausapin namin hindi na nga ako nakakain ng maayos dahil noong nasa table kami ay panay ang kuha ng litrato ng mga official photographers pati na ang mga media personnels.
Laking pasalamat ko nang matapos ang party at nagpasya na kaming umuwi sa bahay pero ngayon ay ihahatid daw ako ni Harrie dahil baka mag taka ang mga tao na hindi niya ako ihahatid pauwi. Hinatid nga ako ni Harrie at tahimik lang ako habang nasa biyahe ng magpatugtog siya upang mabasag ang katahimikan hindi ko maintindihan ang kanta dahil rock iyon at wala ako sa mood makinig. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa mansyon namin at nakatulog rin pala ako.

"Reina we're home already." Paggising niya sa akin. "Ohh I'm sorry nakatulog pala ako salamat hambog ah."
"My pleasure asungot para sa mga magulang ko rin to." "Sige Good Night pasok na ako hindi ka na papasok? Kape?." "No thanks sa bahay na lang sige uwi na ako."

At iyon ang unang matino naming pag uusap nang hambog na Harrie na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHASING MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon