Helloooo mga Palangga 💐
xoxo Nanawrites 🌸
Harrie's POV
"Tulooong! Tuloooong!" Narinig kong sabi nang isang babae.
"Nasaan ka tutulungan kita?!" Sagot ko sa kanya ngunit wala na akong narinig na sagot galing sa kanya.
"Miss? Nasaan ka?" Nag aalala kong sabi pero wala na talaga akong marinig na sagot.
"Harrie anak wake up nananaginip ka, anaaak!" Yugyog sa akin ni Mommy na nag aalala na.
"A very bad dream again Mom." Maikli kong sagot sa kanya.
"Napanaginipan mo ulit yung babaeng sinasabi mo anak?"
"Yes Mom, don't worry Im fine maliligo na ako mom baka malate na naman ako."
At umalis na nang kwarto si Mommy upang hayaan akong maligo.
Teka hindi mo pa pala ako kilala ako nga pala si Harrie Lewis Stevenson ang only heir ng mga Stevenson. Well I have everything as they say swerte daw ako dahil ganoon ang buhay na mayroon ako.
Luxurious Cars. A mansion house. A private plane. A Company that I will manage soon. And wonderful parents and grandparents. That's me Harrie ang magiging hari nang Stevenson Corp.
I can get anything I want.
But what I really want to know right now is kung sino ang babaeng palagi kong nakikita sa aking panaginip. A girl who seeks for my help and a girl who visits me in my dreams regularly.
Mabilis kong natapos ang pagligo at nag hanap nang damit na susuotin.
"Sir Good Morning po handa na po ang agahan ninyo nag hihintay na po sina Maam Elizabeth at Sir Reginald." Pagkatok nang katulong namin sa bahay.
"I'll be there in a bit thanks." Sagot ko sa kanya habang tinitingnan ko ang aking kabuuan sa salamin.
"You look ravishing today handsome." Sabi ko sa aking sarili.
Agad na akong bumaba at natagpuan ang aking mga magulang na kumakain na nang agahan.
"Good Morning Mom, Good Morning Dad." Sabay halik sa kanilang mga pisnge.
"Here son maupo kana rito kain kana."
"Mom I would really love to join you for breakfast pero malalate na talaga ako and this is my first day right? Ayaw kong malate sa first day at hinihintay na ako ni Marcus sa school." Kumuha lang ako nang isang piraso nang croissant na si Mommy mismo ang nag bake.
"Okay son ipapahatid kana namin kay Manong." Sagot naman ni Daddy.
"Have a great day at school baby enjoy!" Sigaw ni Mommy habang papalabas na ako nang bahay mommy talaga Baby parin tawag sa akin.
Agad akong sumakay sa kotse na minamaneho nang aming driver na si Mang Selso.
Malapit lang ang bahay namin sa S.U kaya mabilis kaming nakarating hindi na ako nagpapasok sa loob nang school dahil nakita ko si Marcus na bumaba rin nang kotse sa labas lamang ng gate.
"Dito na lamang ako manong salamat po."
"Sige ser ingat."
Agad kong sinuot ang aking shades dahil mainit at nag lakad na naka pamulsa. Tiningnan ko ang aking relo at nakitang malalate na ako sa meeting ko with lolo sa office nito nilampasan ko nalang si Marcus at tumakbo papasok nang gate ng may humarang sa akin at nabangga ko ito dahilan para matumba ito.
Nagsisisigaw ito dahilan para makuha nito ang atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi ko na lamang ito tinulungang tumayo dahil si Marcus na ang bahala sa babaeng iyon dahil alam niyang nagmamadali talaga ako.
"Good Morning Lolo!" Pagbati ko sa kanya pagkapasok ko sa kanyang opisina.
"Apo pasok ka tuloy."pagbati din niya sa akin.
"Pinatawag niyo raw ako lo?"
"Pinatawag kita dahil may ibibigay ako sa iyo since bago ka lang dito sa school at kakatransfer mo lang galing sa states I believe wala ka pang uniporme sa aking nakikita."
"Lolo naman pwede ko namang kunin yan sa registrar's office bakit kayo po ang kumuha?"
"Wala lang gusto lang kitang makita namiss ko kasi ang paborito kong apo." At sabay yakap sa akin nang mahigpit.
"Lolo namiss ko din po kayo salamat po dito kailan ko po ito susuotin?"
"Next week pa naman alibi ko lang to dahil gusto kitang makita hahaha."
"Si Lolo talaga oh sige po papasok na po ako nag ring na ang first bell lolo see you tonight lolo." At mabilis kong iniwan ang uniporme ko sa locker at hinanap sina Marcus Duke Huzon at si Jake Carter ang mister late sa grupo namin.
"Yow boys! Wait up!" Tawag ko sa kanila.
"Yow mahal na Harrie." Pangungulit ni Jake sa akin siya ang makulit sa grupo at ito namang si Marcus ang taga sipat sa mga kalokohan namin ni Jake inshort serious type si Marcus at kami ni Jake ang makukulit.
"Pasok na tayo dre malalate na tayo." Pagsisipat ni Marcus sa amin ni Jake.
Pumasok na kami sa classroom at parang nag slo-mo ang lahat sa aming pag pasok nakapanguna ako at naka sunod naman ang dalawa kong kaibigan.
"IKAW?!" Nabigla ako sa sigaw nang isang babaeng pamilyar ang boses niya.
"Excuse me dadaan ako baka masagasaan na naman kita."
"Excuse me ka rin!" Pagtataray niya sa akin.
Nagsiupo na ang lahat at pumasok na ang first period teacher namin. Ang aming homeroom adviser Ms. Tanya Cruz.
"Good Morning Students☺️" pambungad niya.
"Gooooo Moooorning Missss Cruuuuuz!" Sagot naman nang lahat na ikinagulat ko pa mismo. Shoooocks ganito ba dapat kalakas at kalumanay nilang bumati?
"Okay as you can see we have 3 new students, boys please introduce yourselves." Tawag niya sa amin at hudyat para tumayo kaming tatlo nina Marcus at Jake.
"Hi? I am Jake Carter, Single and ready to mingle." Sabi niya sa harapan na ikinatawa naman nang mga kamag-aral namin kahit kailan may topak talaga tong lalaking ito.
"Hi Im Marcus Yap." Yan lang dre? Tipid mo namang mag salita.
"Hi Hello, I guess many of you knows me already the only heir of the STEVENSON CORP walang iba Harrie Lewis Stevenson, but this is a get to know each other time Well maam one of my classmate here caught my very own attention earlier, hmm I would like to know her name." At tinuro ko kung saan naka upo ang babaeng nakabangga at nag taray sa akin.
"HAMBOG!" Sabi nito gamit ang labi na hindi maririnig nang iba.
"Ms. Quevas please Mr. Stevenson would like to know you." Sabi ni Miss Tanya
"Ayiiiiiiie!" Pangungulit nang aming mga kaklase.
"Well I am the ONLY heiress of the Quevas Group of Companies no other than Reina Angelie Quevas kuha mo?" Pagtataray niya na ikinatawa nang lahat dahil sa panggagaya niya sa aking mga sinabi.
A u t h o r' s N O T E🌸
Ayaaaan! Nagkakilala na ang dalawa nating kamahalan mukhang gera agad ang dalawang kaharian😂 At teka? May koneksyon ba ang mga panaginip nila? Alamin sa mga susunod na mangyayari ayiiiie! Hahaha
Don't forget to VOTE AND COMMENT! Muwaaaah😘
xoxo Nanawrites 👑
BINABASA MO ANG
CHASING MEMORIES
RomansaMga alaalang unti unting nawawala mahahabol mo pa kaya? Pagkalimot mo sa mga taong nagmamahal sayo ikasasaya mo kaya? Ito ay estorya nang pamilya, pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang babaeng untiunting lalamunin nang pagkalimot at maghahabol sa ka...
