Chapter 4: Marriage and Headache

10 4 0
                                        


Harrie's POV

"What's going on Dad? Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay daddy pagkauwi ko nang bahay.

"We have to visit someone who's going be a part of our family. You know our tradition son and I hope you will understand we need this." Sagot lamang ni daddy na mas nalito ako.

Habang binabaybay namin ang daan patungo sa lugar na sinabi ni Daddy ay hindi ako kumikibo dahil marami ang tumatakbo sa aking isip.
Pumasok kami sa isang eksklusibong subdivision at narating ang isa sa pinakamalaking bahay na kung tawagin nila ay Q Mansion.
Agad pinapasok ang aming kotse nang makita kaming papalapit na sa kanilang saliring gate may dadaanan ka pang hardin bago mo marating ang mismong bahay. Napakaganda sa malapitan ang bahay na ito.
Sinalubong kami nang isang matandang babae na siguro ay kanilang mayor doma binati niya kami at pinatuloy na sa loob nang bahay.
Pagkapasok namin ay sya namang pagbaba nang mag-asawang may ari nang bahay na hindi mo aakalaing may ari nang bahay dahil pawang mga simpleng tao lamang sila at mababakas sa kanilang mga mukha ang pagiging mapagkumbaba.

"Welcome to our humble abode." Sabi nang ginang samin nang aking mga magulang.

"Kumare, napakaganda pala nang inyong tahanan." Bati ni Mommy sa Ginang sabay beso-beso
"Kumpare, hindi ka parin nagbabago ang gwapo mo parin." Pambobola naman ni Daddy sa Ginoo.

"So this is the handsome and famous son of yours." Sabi nang Ginoo na humarap sa akin na binigyan ko nang napakagandang ngiti at kinamayan siya.

"Harrie Lewis Stevenson po, call me Harrie nalang po."

"Call me Tito Arthur ijo."
"Hi Im Tita Lucela."

"Excuse me po handa na po ang Garden Pavilion." Sabat nang isang kasambahay sa aming usapan.

"Okay thanks, This way kumpare marami tayong pag uusapan." Sabi ni Tito Arthur kay Daddy.

"Sya nga pala Lucela nasaan ang unica ija ninyo?" Pagtataka ni mommy na ikinataka ko rin may anak pala sila.

"Malalate daw siya alam mo naman ang mga kabataan ngayon may mga lakad pa bago umuwi papunta na iyon." Pagpapaliwanag nito.

Pagkalabas namin ay bumungad sa amin ang napakagandang pavilion sa likod naman na parte ito nang bahay napapalibutan nang hardin ang buong bahay at sa likuran ay makikita rin ang napakalaking infinity pool.

Pinaupo na nila kami at nag usap usap lamang ang aking mga magulang at ang mga may ari nang bahay.
At sandali kaming magkausap nang dumating ang isang babaeng pamilyar sa akin na ngayon ay nakasuot nang simpleng damit rin pero naaayon naman sa okasyon.

"Ija bakit ngayon ka lang?" Sabi ni Tita Lucela

"Sorry nay traffic kasi." Sagot nang babae.

Sandali pa silang nag usap at nakipagkamayan na siya sa aking mga magulang at nagpakilala.

"Reina Angelie po."

Wait what? Si Asungot??

Inilahad niya ang kanyang kamay nang hindi ako tinitignan at nang iabot ko rin ang aking kamay ay tinignan niya ako at nag iba ang kanyang emosyon sa mukha.

"Ikaaw!?" Sabay naming sabi.

"Magkakilala kayo?" Sambat ni Tita Lucela na gulat dahil ang sama sama nang tingin namin sa isa't isa.

"Kumpare mukhang hindi tayo mahihirapan sa gagawin natin dahil magkakilala na silang dalawa." Sabi ni Daddy.

"Oo nga kumpare mas maganda ito." Sagot naman ni Tito Arthur.

"Anong ibig sabihin nito Tay?" Sabi ni Asungot sa kanyang tatay na binigyan niya nang nagtatanong na tingin.

"Dad? What's going on?" Sabi ko naman kay daddy.

"Listen children kumain muna tayo at lumalamig na ang pagkain." Pagprepresenta ni Tita Lucela.

Tahimik lang kaming kumakain ni Asungot at masaya namang nag uusap ang mga matatanda. Siniko ako ni Reina dahilan upang ma bitawan ko ang kutsilyo na ginagamit ko na nagbigay nang isang maingay na tunog na naging hudyat upang tumigil sa pag-uusap ang mga matatanda.

"Excuse me Nay, Tay, Tito at Tita kakausapin ko lang po si Hambog esti si Harrie sandali." Sabi ni Reina at hinila ako papalayo sa pavilion at dinala sa isang pribadong parte nang hardin.

"Teka bitawan mo ako asungot kaya kong maglakad." Sabi ko sa kanya

"Bakit kayo nandito? Anong ibig sabihin nang mga magulang mo ha? Ano to?"

"Teka nga kung nalilito ka lalo na akooo noh?! Wala akong alam at tsaka kung iyan lang ang tinanong mo sana doon mo na lang tinanung kasi gutom ako at masarap ang luto nang nanay mo." At iniwan ko siya doon sa lugar na iyon at agad naman siyang sumunod pabalik.

"Saan kayo nang galing ijo? Anong ginawa ninyo doon?" Tanong ni Mommy sa akin.

"May tinanong lang si Reina sa akin mom."

"So what's with the dinner Tay?" Tanong ni Reina at tumigil sa pagkain ang kanyang ama.

"We plan to merge the Quevas Group of Companies and Stevenson Corp."

"Then bakit nyo nasabi na hindi kayo mahihirapan dahil magkakilala kami Dad?" Tanong ko naman.

"You are going to marry the girl beside you son to make our companies merge into one." Naging matunog sa akin ang sabi ni Daddy na You are going to MARRY. Wait Pakakasalan ko si Asungot para sa sa negosyo? Nooo way!

"No I can't marry someone I don't love Nay sabihan mo si Tatay nababaliw na ata sila." Pagmamakaawa ni Reina sa kanyang mga magulang.

"Then learn to love him anak easy peasy." Sagot lang nang kanyang ama.

Natigilan si Reina sa sinabi nang ama at napahawak na lamang ito sa kanyang ulo at yumuko na lamang.

"Dad? If she doesn't want to marry me then I won't do it Nirerespeto ko ang tradisyon natin pero kung ayaw naman nang babae eh wag nalang at lalong ayaw ko din sa kanya." Sabi ko sa aking ama.

"Nay Im going upstairs masakit ang ulo ko." Tumayo si Reina na mukhang may dinadaing na sakit.

Papalayo na ito at tinitignan ko lang siya nang bigla siyang mawalan nang malay at bumulagta sa may bermuda grass.

"REINAAAAAA!"


------------
To be continued...

CHASING MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon