Reina's POV
Hindi na nakasagot pa ang hambog na Harrie dahil sa sinabi ko imbes na sumagot ito ay umiling nalang at ngumisi.
Ano kaya ang laman nang isip ng lalaking yun nakakainis nakakasira nang araw. Mukhang magkakaroon na naman ako ng panibagong bully, hindi na talaga nila ako tatantanan.
"Ngayon ko lang nalaman may company pala kayo te? Hahaha." Pang-aasar ni Michelle sa akin.
"Tumigil ka nga bakla!" Inis kong sagot rito.
"Okay so I think everyone is set, so let us formally start our discussion." Sabi ni Ms. Tanya hudyat para tumigil na kami sa pagsasalita.
Nagsimula na ang diskusyon at wala akong naintindihan sa anumang sinasabi ni Ms. Tanya kasalukuyang nag lalayag ang aking isip sa kung saan. Hindi ko nga namalayang tinawag na pala ni Ms. Tanya ang aking pangalan.
"Ms. Quevas! Nakikinig kaba?" Pasigaw niyang sabi sa akin.
"Opo Miss sorry po."
"Sa susunod hindi ko itotolerate ang mga mahilig mag day dreaming sa klase ko! Ayaw ko nang tatanga-tanga, sige get one half cross-wise sheet of yellow pad paper." Galit niyang sabi na ikina dismaya ng mga kaklase kong naka tingin sa akin. Haaaay!
"Cross-wise po Maam?" Tanong ni Varvie.
"Ang linaw nang instruction na ibinigay ko hindi kasi nakikinig, number 1!"
"Teka lang po maam."
"Waiiit hindi ko pa po nahahati ang papel ko maam!"
"Pahingi ako nang papel teeh."
"Nagsusulat pa po nang pangalan maaaam!"
"Naku talaga tong mga batang eto." Sagot na lamang ni Miss sa mga kaklase kong maiingay.
Nagsimula na ang exam at naging mahirap iyon sa akin dahil hindi ako nakinig buti na lang nasa harapan ko si Dutchess at malalaki ang pagkasulat niya nang mga sagot niya kaya nakakopya ako.
Kriiiiing..kriiiiiing..kriiiing
Narinig namin ang hudyat na tapos na ang first period. Tinapos na ni Miss ang klase niya at nag ingay na naman ulit kami. May isa pang period bago ang recess at nabagot na naman kami sa kakahintay sa susunod na guro.
"Guuuuys! Wala daw si Sir may meeting kasi ang mga faculty ngayon." Masigasig ma sigaw ni Michelle na Class President namin.
"Yeheeeey! Tara sa canteen gutom na ang lola nyo." Sabi ni Dutchess sa amin .
Niligpit ko na ang mga gamit ko at mabilis na humabol sa kanila palabas ng room nang may pumatid sa akin.
Na ikinabagsak ko at kinalipad naman nang mga papel na hawak-hawak ko.
Agad akong tumayo nang marinig ko ang tawa nang iilang mag-aaral sa loob nang room namin at pati na sa labas ng classroom. Marami ang saksi nang pagbagsak ko. Hinanap ko agad ang taong pumatid sa akin at nakita si Harrie na ngumingisi sa may isang sulok na naka silid ang dalawang kamay sa may bulsa. Nilapitan ko siya at nilapit ang mukha ko sa kanyang tainga.
"Ano bang problema mo? May gusto kaba sa akin? Papansin kana ata masyado maaari mo naman akong kausapin Harrie." Pangungulit ko sa kanya at naistatwa ito sa kanyang kinatatayuan.
"Hahahahhahaha baliw." At umalis siya sa akin na malakas pa rin ang tawa.
Urggghhhhh! May araw ka rin.
Sa sobrang inis ay mabilis kong tinunton ang canteen at hinanap ang mga kaibigan ko na ngayon ay kumakain na. Umupo ako nang padabog at sumimangot kaharap si Arvie.
"Ay teh tatanda ka nang maaga niyan."
"May wrinkles na siya teh abay parang ugat nang puno sa laki hahahahha."
"Hoy mga bakla tumigil kayo sobrang galit na talaga ang Mahal na Reina oh, wag niyong kulitin baka pumutok ang ugat sa ulo niyan sa sobrang galit abay mistisa ang friend natin namumula." At sabay silang tatalong tumawa.
"Wag kayong maingay, bigyan mo ako nang pagkain DutchMill!." Tugon ko kay Dutchess na tawang-tawa parin.
"Ano ba kasi ang nangyari teh?" Tanong ni Arvie.
Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari at imbes na kaawaan nila ako ay tinawanan lang nila ang nangyari sa akin dahil sa sinabi ko kay Harrie.
Natapos ang recess na hindi pa rin sila tumitigil sa kakatawa. Tunay na kaibigan talaga tong tatlong to.
Naging mabilis ang oras at dumating ang uwian namin. Magkasama kami nang nga kaibigan kong binabagtas ang daan papuntang gate masaya kaming nag uusap at nagtatawanan nang mapasigaw kami dahil sa isang malakas na busina sa aming likuran.
Hindi namin maaninag ang mukha ng may ari ng sasakyan. Agad kong nilapitan ang sasakyan at pumunta sa driver's side upang katukin ang bintana nito. Agad niya namang binuksan ang bintana at seryosong nakatingin sa daan.
"Hoy? Papatayin mo ba kami?."
"Patay agad? Pwede bang nagulat muna? Hahaha paalam asungot."
At pinaharurot na nito ang kanyang sports car na gustong gusto ko na talagang gasgasan dahil sa inis.
Umalis na lamang kami at nagsiuwian na sa aming bahay dahil dumidilim na rin.
Pagkauwi ko nang bahay nadatnan ko ang isang sasakyang ni minsan ay hindi pa naka gawi sa aming bahay.
Iba ata ngayon bakit may bisita sina Nanay at Tatay.
Agad akong sinalubong ni Nanang at pinapasok sa aking kwarto at pinagbihis nang casual na damit. Pagkatapos ay pinababa na niya ako at pinapunta sa hardin kung saan may isang salosalo ang aking mga magulang at ang kanyang mga bisita.
"Good Evening po." Bati ko sa lahat na naging hudyat na tumingin silang lahat sa aking gawi.
"Anak bakit ngayon ka lang? Kumpare ito nga pala ang aking unica ija." Sabi ni Tatay sa bisita na kasing edad niya.
Tumayo ito at lumapit ako para ilahad ang aking kamay at nagipag kamayan ako sa lahat.
"Reina Angelie Quevas po." Sabi ko lahat nang aking nakakamayan
Ngunit napa tigil ako sa huling taong aking kakamayan na katabi ko rin palang maupo.
"Ikaw?!" Sabay naming sabi sa isa't isa.
"Magkakilala kayo?" Sambat ni Nanay na gulat dahil ang sama sama nang tingin namin sa isa't isa.
"Kumpare mukhang hindi tayo mahihirapan sa gagawin natin dahil magkakilala na silang dalawa." Sabi nang bisita namin.
"Oo nga kumpare mas maganda ito." Sagot naman nang tatay.
"Anong ibig sabihin nito Tay?" Sabi ko kay tatay na binigyan ko nang nagtatanong na tingin.
---------------------
To be continued..
xoxo Nanawrites🌼
BINABASA MO ANG
CHASING MEMORIES
RomanceMga alaalang unti unting nawawala mahahabol mo pa kaya? Pagkalimot mo sa mga taong nagmamahal sayo ikasasaya mo kaya? Ito ay estorya nang pamilya, pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang babaeng untiunting lalamunin nang pagkalimot at maghahabol sa ka...
